Kaya talaga namang ginabayan ko siya lalo na sa pagkain dahil baka bumagsak din ang katawa niya. Nag si upo na kami sa hapag kainan at mag sisimula na sanang kumain nang biglang may nag doorbell, sabay sabay kami na nakatinggin kay Julliana.

"May inaasahan ka pa bang bisista?" Humindi siya bago kinakabahan na tumayo, sinamahan siya ni Aaron kaya naiwan kaming apat dito sa lamesa, pareho kaming nag katinginan ni Mau at mukha iisa ang nasa isip namin kaya naman iniharang ni nito ang sarili niya sa paningin nang pinto kay Killian at dinaldal ito nang dinaldal.

Dahil ako ang mas malapit sa pinto ay rinig ko na ang iilang nagtataasang boses, sana lang talaga ay hindi marinig ni Killian ayaw ko naman na masira ang kaarawan niya ngayon.

Nakalipas ang ilang minuto at nag umpisa na si Killian na hanapin ang Mama niya buti na lang at saktong bumalik na sila, halata sa mukha ni Julliana na gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya dahil ayaw niya din siguro mapansin ni Killian yon.

Ngumiti ito at sabay na silang umupo, bumalik kami sa pagkain na para bang walang nangyari buti na lang talaga ay likas na madaldal si Killian kaya agad na gumaan ang ambiance sa paligid namin.

Nang matapos kaming mag kainan ay agad na itinulak ni Mau si Julliana kasama ni Aaron sa may sala dahil nagbabalak na agad mag ligpit, sinabi ko naman na ayos lang na ako na dahil alam ko na kanina pa yang pagod sa dami nang niluto tapos yong nangyari pa kanina.

Ayaw niya pero wala siyang nagawa sa hila nina Mau, natatawa na lang ako habang iniimis ang pinagkainan at sinimulan nang ligpitin.

Nang matapos ay agad ko yong pinunasan at naglakad na pabalik sa may sala pero napatigil nang makita ang laman nang balita.

"Sindikato na salarin sa mga napaka daming kaso nang mga batang nawawala sa Maguindanao nahuli matapos matumbok sa isang establishimento sa bayan. Sinubukan naming kuhanan nang interview ang iilang mga lalaking nahuli ngunit tumanggi itong humarap sa kamera pero sabi ni Major General Gregorio ay sila nga ang mga sindikato na matagal na nilang minamanmanan, sabi din nito na ang sindikato din ang sumunod sa sasakyan nang isa nilang sundalo na humantong sa isang napaka rumal na aksidente isang taon na ang nakakalipas" Ramdam ko lahat nang takot, pangangamba nang makita ko ang mga lalaki sa telebisyon, wala kongkretong sinabi na sila ang mga dahilan sa pagkamatay nang anak namin ni Clyde pero alam ko na sila yon, namukhaan ko sa mata ang isa sa mga lalaki na ipinakita kanina.

Sinabi ko na mag move on na kami pero ngayong nakita ko ulit ang lalaking iyon wala akong ibang maramadaman kundi takot at galit.

Unti unti silang nag lapitan sa akin, yumakap sa akin si Mau at ganon din si Julliana habang nanatili si Aaron na nakatayo habang buhat buhat si Killian, sinasabi nila na nandiyan lang sila pero parang gusto kong mag wala, parang gusto kong sumugod kong saang lupalop man na saan ang mga hayop nayon. Gusto kong makita nila ang sakit at na ibinigay nila sa akin, gusto ko silang makitang nagdudusa sa kulungan.

Natapos na ang balita ay nakatayo padin ako kaya naman dahan dahan nila akong iniupo, umalis muna si Mau at ikinuha ako nang tubig kaya ang pumalit sa pwesto niya ay si Aaron na agad akong inakbayan, si Killian naman ay umalis sa kandungan nang kanyang ninong at tumayo sa aking harapan at sinilip silip ang mukha ko, hindi pa siya nakuntento doon dahil inabot pa niya ang aking pisnge at hinaplos iyon at sinabi na magiging maayos din ang lahat kahit pa hindi din naman niya alam kong bakit ako nag kaka ganto.

Ngumiti lang ako dito at ako naman ngayon ang bumuhat sa kanya, niyakap ko na lang si Killian nang sobrang higpit na hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako sa kanyang balikat.

Gusto kong humingi nang tawad sa bata dahil mukhang nasira ko ang kaarawan niya pero walang lumabas sa bibig ko, ang tanging laman lang nang isip ko ay ang galit sa mga taong yon at pag aalala kapag nakita ni Clyde ang balita.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now