Prologue

0 0 0
                                        

PROLOGUE

Noong mga bata pa kami, naalala namin na may itinanong si mamang saamin.

Naniniwala ba kayo na may mga nakatirang tao sa buwan?

Medyo natatawa nga kami noon kasi, sino ba namang mag aakala na may mga taong nakatira sa buwan diba?

Lola, sino naman pong tao ang titira sa buwan? Hindi po ba walang oxygen sa buwan?

Pero bigla nalang nagseryoso ang mukha ng lola namin, senyas yun na seryoso na sya sa mga sinasabi nya, kilalang kilala na kasi namin si lola, dahil simula nung mga bata kami ay sa kanya na kami lumaki, hindi na kasi namin naabutan ng kapatid ko ang mga magulang namin na buhay, ang sabi ng lola namin ay namatay daw sila sa isang aksidente.

Balang araw, malalaman nyo rin, ang katotohanan sa mga sinasabi ko, at balang araw malalaman nyo rin kung nasaaan ang mga magulang ninyo.

Sa puntong iyong lalo na kaming naguluhan ng kapatid ko na si Khairo, sya ang nakababata kong kapatid at ako naman si Khairina, sya ay kasulukuyang 14yrs old at ako naman ay 15yrs old na, sa public lamang kami pinapag-aral ng lola namin dahil mahirap lamang kami, may pwesto si lola sa palengke at doon lamang kami kumukuha ng aming pang araw-araw.

Hali na kayo mga apo, pumasok na tayo sa loob at maghapunan na tayo.

Nauna na kami ni Kairo pumasok sa loob, kaso bago kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay namin ay, napansin ko si lola na tumingin sa buwan at parang may sinabi-

Kaya magmula nung araw na iyon ay hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi, dahil lagi kong iniisip kung anong sinabi ni lola sa buwan, kung baliw naba si lola o sadyang naniniwala syang may mga tao sa buwan.

Yun ang akala ko hanggang sa matuklasan ko na hindi lang pala kwento-kwento ni lola yun, dahil ang mga magulang ko at si lola ay mga tao galing sa buwan, ang kaso lang nung oras na mag tatanong na ako kay lola ay tsaka naman sya binawian ng buhay, kaya naman na-buo sa isip ko ang isang Misyon. ANG MAKARATING SA BUWAN

MOON PALACEWhere stories live. Discover now