Kabanata 26

2.9K 102 75
                                    

KABANATA - 26




HINDI ko alam kung anong gagawin ko sa gabing iyon. Nang mapansin ko na tuluyan na nga siyang nakatulog sa kama ay lumabas na ako para sa sala nalang matulog. Hindi ako pweding tumabi sa kaniya o gisingin siya. Pansin ko rin na sa bawat hininga na binitawan niya habang natutulog ay pagod siya. Pagod siya.




Nagising ako alas dyes na ng umaga. Ngunit ganoon nalang ang ikinataka ko nang nagising ako sa sariling kwarto habang nakatakip na ang kumot sa katawan. Tinignan ko ang higaan at wala na siya. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito e sa sala ako natulog.





Pumasok ako sa cr para maligo at nang matapos ay bumaba narin para kumain. Alas dyes na at wala na namang katao-tao sa bahay. Mananatili si Mommy sa hospital at alam kong uuwi lang 'yon dito lara kumuha ng gamit. Si Zero naman ay alam ko rin na wala rito dahil naging busy iyon sa kompanya ng pamilya niya.





Sinusuklayan ko ang buhok habang pababa ng hagdan. Napatigil rin nang makarinig ako ng ingay sa sala. Binilisan ko ang mga hakbang para tignan kung sino ang nag-uusap. Nang mahagip ng mata ko ang mata ni Zero , umiwas na ako kaagad at tinignan ang isang lalaki na muntik ko na namang napagkamalang si Dale.





Ang sabi sa akin ni Ate Mara noon, dalawa ang kaibigan ni Zero na nakapunta na rito sa bahay. Pero itong kakambal palang ni Dale ang nakita ko.




Tumalikod na ako sa kanila nang mapansin nila ako. Dumiretso ako sa kusina at kinain na ang nakahandang pagkain para sa akin.




“Nakita mo 'yung kausap ni, Sir?” napatingin ako kay Ate Mara na umupo sa harapan ko.





Tumango ako sa kaniya at sumubo ulit ng pagkain.




“'Yan 'yung sinasabi ko sa iyo na pinakabata sa kanila. Baka type mo! Bagay kayo.” humahagikhik siya. Ngumiti siya ng matamis sa akin ngunit boring ko Lang siyang nilingon.





“Baka mawalan ka ng trabaho ngayon, Ate, kapag narinig ka ng isa diyan” pagtutukoy ko kay Zero.





Mahigpit si Zero. Pansin ko 'yun! At saka kahit hindi siya mahigpit sa akin hindi rin naman ako papasok sa mga bagay na alam kong hindi pa pwede. Naalala ko bigla si Kuro. Minsan ko nalang siyang nakikita, kung nakikita man ay kasama ang nobya. Balita ko pinakilala ni Kuro ang girlfriend niya sa pamilya, yun ang sabi sa akin ni Natasha.





“Wala namang masama kung magkaroon ka ng type, Hestia! Type lang! At kapag 18 kana, malay mo...” paulit-ulit niyang tinataas-taas ang kilay.





Ngumiti nalang ako at napatingin sa dalawang lalaki na pumasok sa dining area. Binuksan ni Zero ang ref. At may hinahanap doon. Umupo naman ang kakambal ni Dale sa harap ko. Napatingin naman ako sa kakambal ni Dale. Magkamukhang magkamukha. Kakambal nga e! Ang kaibihan lang ata ay mukhang playboy itong kaharap ko. May hikaw sa ilong at kaliwang tenga. Medyo mahaba rin ang buhok na medyo magulo.



Napansin niya ata ang titig ko kaya napalingon siya sa akin. Hindi ako umiwas ng tingin sa kaniya dahil pinag-aaralan ko pa ang mukha niya. Tumingin siya kay Zero na kausap na si Ate Mara saka siya lumingon ulit sa akin. May kinuha siya sa bulsa ng kaniyang jacket, isang maliit na papel. Ibinigay niya 'yun sa akin sa ilalim ng table kaya nagtaka ako. Halatang ayaw niyang mahalata kami ni Zero kaya nilagay ko nalang rin ang papel sa bulsa ko.





Hindi ko parin mawala sa mukha ang pagtataka. Umiwas na siya ng tingin sa akin nang umupo si Zero sa gilid niya. Tumingin sa akin si Zero pero nanatili ang mata ko sa kakambal ni Dale. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at nagpa-alam sa kanila.




My Step Father's Temptation(Completed) On viuen les histories. Descobreix ara