"Give me that!" inis niyang sabi habang nagmamadaling tumakbo papalapit dito. 

Bago pa man niya maagaw ang cellphone ay nagtatakang nilayo na iyon ni Xavier mula sa tenga nito. "Bakit niya binaba?" nagtatakang bulong nito sa sarili.

Mabilis niyang hinablot ang cellphone mula sa kamay nito at tiningnan ang screen. True enough, Apple Pie already ended the call. Nanggagalaiti niyang binaling ang atensyon sa nakababatang kapatid at malakas itong tinulak. Mukhang naramdaman kaagad ni Joshua ang tensyon sa pagitan nila ni Xavier dahil mabilis itong tumayo at pumagitna sa kanila.

"Oy! Awat na!" ika nito habang pinipigilan siya sa paglapit kay Xavier.

"Listen here you dipshit! Kung ako hindi na pansinin ni Apple Pie dahil sa ginawa mo, hindi ako mangingiming bugbugin ka!" galit niyang banta habang dinuduro ito. Joshua was still holding him back, but he pushed him away too. Kaysa lumapit kay Xavier ay masama lang niya itong tiningnan bago kinuha ang susi ng sasakyan niya na nakalapag sa may study table niya.

Agad naman niyang tinalikuran ang dalawa at padabog na sinarado ang pintuan. Mabilis siyang pumanaog mula sa 2nd floor at dire-diretsong lumabas ng bahay. Buti na lamang at wala si Kuya Zynder ngayong gabi kaya naman makakaalis siya ng walang problema. Si Kuya kasi ang naglalagay ng curfew para sa kanila ni Xavier.

He immediately drove outside their private subdivision and towards the direction of the city. Alam niyang midnight na at baka tulog na ang babae ngunit hindi siya mapakali habang iniisip na galit ito sa kaniya. 

I'm so fucking whipped for her. Goddamnit!






"Oh, anong nangyari?" Apple Pie looked at Gwyneth who had been keenly watching her call Yohan's number.

"Ibang boses yung nagsalita," naguguluhan niyang amin dito. 

Agad naman na napalatak si Gwyneth sabay turo sa cellphone niya. "Sabi na nga ba eh!"

"Ha? Bakit?" she confusingly asked.

"Pinaprank ka ng mga iyan! Halatang magkakasama kaya iba ang sumagot. Naku Apple Pie! Layo-layo ka na kay Yohan! Pinaglalaruan ka lang ng lalakeng iyon!" pagpapaliwanag sa kaniya ni Gwyneth. Malungkot niyang tiningnan ang cellphone at pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa.

Niloloko niya lang ba talaga ako?

Mariin siyang napakagat sa kaniyang ibabang labi bago nagmamadaling nagpaalam kay Gwyneth na babalik na siya sa kwarto niya. Unlike kanina ay wala siyang sigla habang naglalakad siya sa may hallway. Kahit nga nang dumating siya sa kwarto at nahiga na sa kama ay wala siyang mahagilap na kung ano mang tuwa.

Pucha ka, Yohan! Isa kang putang-inang paasa!

Pinagpapalo niya ang kaniyang unan dahil sa inis at frustration na nararamdaman. Hanggang sa pagtulog nga ay puro mura para kay Yohan ang nasa isip niya. Hindi na niya napansin na nakatulugan na niya iyon ngunit agad na nagising ang kaniyang wisyo nang marinig ang mahinang pag-ring ng cellphone niya. 

Kunot noo niyang tiningnan ang screen ng phone niya at nakitang 2 AM pa. Dahil sa naputol ang tulog ay inis niyang pinindot ang end call kahit pa man hindi niya tiningnan kung sino ang tumatawag. Aba't bahala kung sino man ang Poncio Pilato na tumatawag sa kaniya. Ang sakit na nga ng heart niya tapos pagkakaitan pa niya ang sarili ng tamang tulog. 

She buried her face on her pillow again and tried to go back to the dream that she was having before she was rudely woken up. Ang ganda-ganda na sana ng panaginip niya dahil nakaupo daw siya sa isang marangyang trono at napapalibutan daw siya ng masasarap na pagkain. She can almost taste the chocolate chip ice cream that she was eating in her dream when her phone suddenly rings again. Galit siyang napatayo at sinamaan ng tingin ang cellphone.

"Pucha! Sino ba itong disturbo sa tulog?!" inis niyang reklamo bago dinampot ang phone at sinagot iyon. Ni hindi na niya natingnan ang caller ID at diretsong sinagot lamang iyon. "Hello?!" halos pasigaw na niyang ika dahil sa frustration. Ang sarap na ng panaginip niya tapos puputulin lamang ng walang-hiyang ito. Imaginary ice cream na nga lang ang solusyon para sa heartbreak niya tapos pagkakaitan pa siya.

Napakunot naman ang noo niya nang mapansin na hindi pa rin siya sinasagot ng nasa kabilang linya kaya naman nilayo niya ang phone mula sa kaniyang tenga at tiningnan ang screen. Her eyes immediately became wider upon seeing the name of the caller.

Pakshet! Si Yohan!

Mabilis niyang tinakpan ang bibig gamit ang kamay at mahinang binatukan ang sarili. Nasigawan niya ang lalake. She waited for him to talk but all she could hear was his heavy breathing.  "Uhmm . . . hello?" mas mahinahon niyang ika at pinakiramdaman kung sasagutin na ba siya nito. Akala niya ay wala na talaga itong planong sumagot ngunit kalaunan ay bigla itong nagsalita.

"Nandito ako sa labas. Pumunta ka dito."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now