"Can I make coffee?" Napalingon ako sa kanya at muntik nang mapaatras dahil sobrang lapit niya sa akin, mabuti na lang at nahawakan niya ako sa braso dahil kung hindi, aksidente aabutin ko. "Sorry, okay ka lang?"

Tumango ako ng ilang beses. Parang nag-palpitate yata akong maigi sa nangyari. Tahimik na tinuro ko sa kanya yung lagyanan ng kape. Nginitian niya ako matapos bitawan.

Parang ang haba ng oras naming dalawa rito. Hindi ko sure kung humihinga pa ba ako ng maayos dahil para akong nahihilo.

Eventually ay natapos siyang magtimpla. Hindi ko siya nililingon pero narinig ko yung paggalaw ng upuan, siguro ay pumuwesto ulit siya. Ni isa ay walang nagsasalita sa amin, hanggang matapos na lang ako sa niluluto.

Nagsimula akong mag-ayos ng pagkain, nilipat ko yung spaghetti at ang isa pang ni-request ni Jean na shanghai. Nag-prepare rin ako ng plates and utensils. North was just there, watching me, her eyes following my every move. At hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung may iniisip ba siya about sa akin.

Tumayo siya at ini-adjust ulit ang upuan para umayos. Hindi ako makakibo, para talaga akong tanga. Hindi ko alam ang gagawin.

"North?"

Actually, alam ko...pero hindi ko alam paano sisimulan, o kung ano mismo ang gagawin, o kung may step by step process ba lahat.

"Hm?"

Huminga ako ng malalim. Suddenly ay ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko, yung pawis ko, para bang buong pagkatao ko ay hindi prepared sa kung ano man ang gusto kong gawin ─ o sabihin. My heart was pumping too much that I can feel my face burning.

"Wait." Naglakad ako palayo sa kanya at isinandal ang sarili sa counter. Pakiramdam ko nauubos ang lakas ko kahit wala pa nga akong ginagawa.

Trying to confess is really, really nerve wracking. I want to open my mouth and just say it, but my voice can't produce the words I want her to hear. I don't think I can do this ─ but I have to, I want to, I just don't know how to continue.

Huminga ako ng malalim, at dahan-dahan iyong pinakawalan. Inulit ko iyon ng ilang beses. Pero ni isang patak ng pagkakalma ay hindi ko maramdaman. Sobra akong kinakabahan. There's these million of thoughts inside my head and I can't organize them well.

"Okay ka lang ba?"

I started feeling jumpy. Nang tingnan ko siya ay parang nababasa ko ang expression niya. North looked really relax, pero kung tingnan niya ako ay para bang may hinihintay siya sa akin. I feel like she's actually waiting for this.

"Yes, wait lang."

"Hmm," Inayos niya ang bagsak na buhok. Parang may kung ano namang naglulumikot sa tiyan ko ─ lalo na nang magsimula siyang maglakad palapit. "Paris."

"H-huh?"

"Let me help you," Nahugot ko ang hininga nang maramdaman ang dalawang kamay niya na humawak sa magkabilang kamay kong kasalukuyang nakahawak sa counter. "Okay?"

Help? Paanong help? At saka, teka lang...

Lalong lumabo yung concentration ko sa gusto kong gawin nang maramdaman kong humaplos pataas ang kaliwang kamay niya mula sa braso ko, papuntang balikat, sa leeg, until it settled on my nape. Naramdaman ko ang mabilis na pagtindig ng balahibo ko. I clenched my fist, my heart on standby. Parang lalo akong nahihirapang huminga.

Magaan na umiikot ang hinlalaki niya sa earlobe ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, I can literally feel her breath on me. Naramdaman ko yung kanang kamay niya na humawak sa wrist ko.

"I can feel your pulse." She chuckled. Lalong nag-init ang mukha ko. "Alam mong gagawin ko?"

"H-hindi ko sure." Alam ko nga ba? Tama ba ako ng naiisip? Ito na ba talaga 'yon?

Alam na ba niya...kahit hindi ko pa nasasabi?

"Oh?" Natawa siya at yumakap sa akin. She buried her face on my neck and sighed, her right hand settling on my lower back. "You're so timid."

"Sorry..."

Tiningnan niya ako nang hindi humihiwalay sa akin. "You're brave today."

Para akong maiiyak na hindi ko maintindihan. Ni hindi ko alam kung naging ganoon nga ba talaga ako, parang wala naman akong ginawa. Hanggang huli, torpe pa rin. It's just North was able to read the mood.

"Here..." Inilapit niya ang mukha sa tainga ko. Napahawak ako ng mariin sa kanya nang basta na lang niyang halikan ang earlobe ko. It lasted for a few seconds. "Baby steps, Paris Avegail Sebastian."

"Amoy iskabeti!"

Automatic na napalayo kami sa isa't isa nang marinig ang malakas na boses ni Jean. Buti na lang ay hindi kaagad-agad siyang nagpakita, kung hindi, huli kami.

"Oks na ba?"

"O-oo," Inabot ko sa kanya yung plates. Kusa namang kinuha ni North yung lagyanan ng shanghai.

"Bakit pulam-pula kayo parehas?"

"Ikaw kaya magluto?" sagot ko sa kanya.

"Naka-ac buong kabahayan mo, Gail."

Hindi ako nakasagot. Hindi nakatulong yung malakas na pagtawa ni North na para bang hindi siya involved sa nangyari kanina.

_____

Unrequited (GL) [HSS #4, Completed]Where stories live. Discover now