Naglakad ako palapit sa pinto. Ibababa ko muna sana yung mga bitbit ko para mailabas ang susi nang biglang may umabot no'n. Parang automatic naman na nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko at hindi malaman kung magsasalita ba ako o ano.

"Ako na sa dala mo," ang maikling sabi niya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya kaya napatango na lang ako at nagpanggap na focus sa susi na kakakuha ko lang sa bulsa. Hindi ko naman din mahanap sa sarili kong tanggihan siya. "Sige, thanks."

Tahimik kaming pumasok sa loob ─ maliban kina Jean at Jade na panay pa rin ang kwentuhan, aakalain mong hindi sila nagkita ng matagal. Hindi ko pa nga inaayang maupo ay dumiretso na kaagad sila sa sofa.

Ang daming nagbabago habang tumatanda ─ the place, the people around us, even ourselves the most.

"Tulala ka," Natauhan ako nang marinig kong nagsalita si North. Katabi ko pa rin pala siya. Automatic na naghuramentado na naman ang puso ko nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa. "Tagal mong nakatitig kina Jade."

"M-may naisip lang."

Hindi na naman ako mapakali, parang nagb-blangko ang utak ko. Sinubukan kong kunin sa kanya yung mga dala nitong kinuha niya sa akin kanina at inabot naman niya iyon nang walang sabi-sabi. Pumunta akong kusina at parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sumunod siya sa akin!

"I'll help you cook." Pagp-presinta nito.

"Hindi, ako na." Pagtanggi ko. Parang hindi ako makakapag-focus kung tutulong din siya rito. "Mabilis lang naman 'to."

Hindi siya nagsalita kaya akala ko naman ay susunod ito at pupunta na kina Jean. Pero nang lumingon ako matapos kong ayusin yung mga ingredients at gagamitin ko sa pagluluto ay nandito pa rin siya.

Kami lang ang nanditong dalawa ngayon dahil nasa sala ang mga kaibigan namin at mukhang hindi aware sa kabang nararamdaman ko. Kahit si North parang hindi yata talaga nakakaramdam.

Naupo siya at humalumbaba sa table. "Dito muna ako."

"Sure ka?"

Tumango siya na ikinalugo ko naman. Wrong timing...wrong timing.

Pinilit kong mag-focus sa gagawin. Bahala na, basta magluluto ako. Ayoko maging awkward kahit mukhang ganoon na nga ang sitwasyon tapos ako lang nakaka-feel. Gusto ko na lang matapos 'tong araw na ito.

In the end, I couldn't find the courage to tell my feelings kahit binibigyan na ako ng opportunity.

"Gusto ni Jean ng spicy, ayos lang naman daw sa inyo?" Nag-decide akong magsimula ng conversation para lang hindi sobrang tahimik dahil pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na yata ako.

Baka sumama lasa ng spaghetti.

"Nasabi na niya sa amin kanina sa chat, okay lang naman sa akin and hindi naman din tumatanggi si Jade basta pagkain." sagot niya. "Gaano ba ka-spicy?"

"Sapat para mapainom ka ng tubig."

"Then we can handle it," Natatawang sagot niya. "Nabanggit ni Jean na kakauwi mo lang. Aren't you tired?"

"Okay lang ako, sanay naman ako sa pagod lalo na ako lang mag-isa rito so all around ang energy ko."

Bawing-bawi naman din kasi ako sa mga araw na wala akong pasok. Nakakatulog ako ng mahaba kahit maraming araw na puyatera ako dahil sa kakalaro. I can laze around the house since I'm all alone.

Hindi na siya sumagot. Wala na rin naman na akong maisip na sasabihin at kusa talaga akong nagiging speechless sa harap niya. Marami akong gustong sabihin at itanong, gusto ko siyang kamustahin. Sa aming lahat, siya lang kasi talaga ang hindi makuwento. Magaling naman din itong umiwas sa tanong, nad-divert niya ang usapan ng ganoon kadali.

Unrequited (GL) [HSS #4, Completed]Where stories live. Discover now