Chapter 10: Ms. Warfreak ^---^

Start from the beginning
                                        

Ba't hindi pa siya nagrereply? Walang load? Nope. Impossible. Mayaman yun eh. Oh baka nasagasaan siya habang nagtetext? Nooooooo! Waaaaaaahh! Baka ipakulong nila ko kasi ako yung huling katext niya. Emeyged! Ano'ng gagawin ko? Bata pa ko, ayokong makulong! Marami pa kong pangarap sa buhay! Waaaaaaaah!

Gaga Michelle! Hindi ko alam kung assumera ka lang ba talaga o kumakandidato ka na rin sa pagiging o.a. eh! Una sa lahat, baka tinamad lang magreply. And, hindi ka makukulong noh! Menor de edad ka lang. Ang problemahin mo ngayon, kung pupunta ka ba o hindi. Think of it!

Pupunta ba ko? O Hindi? Para kasing nakakakonsensya kung hindi ako pupunta. Pero, ayoko ring mapagalitan. Hay! Nako naman Matt! Ba't mo ko nilalagay sa ganitong sitwasyon? Ano ng gagawin ko? What will you do Michelle Anne Ortega?

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" tanong ng driver ng makita niya kong palabas ng gate.

"Papahangin lang sa labas."

"Bawal po kayo lumabas."

"Kuya, sige na. Papahangin lang naman ako eh. Tska, ano'ng oras ba uuwi si Lolo?"

"Sabi niya po baka gabihin daw po siya ngayon kasi may dinner meeting po siya."

"Oh kuya, mamaya pa naman pala uuwi si Lolo eh. Papahangin tska lalakad lang ako diyan sa labas. Hindi ka mapapagalitan, babalik din ako agad. Promise. Sige na kuya, please."

"Sige po Ma'am. Basta bilisan niyo lang po ah. Pare-pareho po kasi tayong mapapagalitan ng Lolo niyo eh."

"Haha. Sige. Kuya, thank you. Thank you po. Salamat talaga. Babalik din ako agad." sabi ko sabay takbo ng mabilis. Super Duper Late na ko. 8:30㏘ na eh. May maaabutan pa kaya ako dun?

As I've reach the Schuster Grill. I saw Matt flirting with 3 girls. I don't know what to feel. Gusto ko silang sabutan hanggang sa magkaroon sila ng poknat sa ulo. Gusto ko silang ilublob sa drum na may nagyeyelong tubig. Hay! Mich Stop! Are you jealous? Huh? Of course not. (*>.

"Ehem! Ehem! Excuse me." mariin kong sinabi

"Oh! Anong pumasok sa isip mo at dumating ka pa?" sabi ni Matt. Halatang inis siya. Buti nga, dumating ako dito eh.

"Naawa kasi ako sayo eh. Baka naghihintay ka pa."

"Sino siya Matt?" sabi nung isang babae na katabi ni Matt. Hay! Nakakabanas talaga! Gusto ata ng isang 'to na masampolan eh.

"Oo nga. Anong ginagawa niya rito?" sabi naman nung isa. Hay nako! Di na ako makapagpigil. Bwiset!

"Matt, paalisin mo na kaya." sabi nung ikatlong babae.

"Eh kung kayo kaya paalisin ko." sabi ko sabay taray sa kanilang tatlo. Crema de puta ata tong mga malalantod na higad na to eh.

"Ano mo ba siya Matt?" sabi nung isa. Hay! Letse! Letse talaga!

"Girl--- (ano? Sasabihin ko ba? Utak, gumana ka naman!) Girlfriend ako ni Matt." hay! Tama ba yung ginawa ko? Emeyged. Ano bang nasabi ko? Halatang nagulat si Matt sa sinabi ko. Hala! Waaaahhh!

"Girlfriend lang naman pala eh. Kung mag-asawa nga naghihiwalay, kayo pa kaya."

"Eh kung bulkan nga sumasabog, mukha mo pa kaya!" natawa si Matt sa sinabi ko. XD sa'n ko ba napulot yun? Nadala lang siguro ako ng galit ko.

"Tara na nga girls. Alis na tayo dito." sabi nila sabay alis. Buti naman noh, baka kung ano pang masabi ko.

"Hindi ko alam na hindi ka lang pala Assumera Queen, Ms. Warfreak din. Hahahaha! But anyway, that was totally cool!" natatawang saad ni Matt.

"Cool ka diyan. Pasabugin ko mukha mo eh. Ano ba yung sasabihin mo? Bilisan mo lang ah. Tumakas lang ako sa bahay."

"Babe----"

"Anong babe? Hayop ka talaga eh noh!"

"Diba girlfriend na kita?"

"Uto-uto ka naman! Sinabi ko lang yun para umalis na yung mga higad na yun."

"Higad? Ba't mo sila pinaalis? Nagseselos ba si Ms. Warfreak?"

"Ha? Ah eh hindi noh! Hindi tayo makakapag-usap ng maayos pag nandiyan sila eh. Okay? Hindi ako nagseselos."

"Halata kaya. Admit it. You're jealous."

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Aalis na nga ko. At wag mo na kong tatawaging Warfreak ah." sabi ko sabay walk out.

"Mich."

Di ko siya pinansin. Ang lakas niyang mang-asar tapos ngayon hahabulin niya ko. Bwiset!

"Hey Mich!" sabi niya sabay hablot ng kamay ko. Napaharap ako sa kanya.

"Ano na naman?" saad ko.

"I'm sorry."

"Wait! What time is it?"

"9:23㏘"

"What? Kailangan ko ng umuwi."

"Bakit?"

"Tumakas nga lang ako sa bahay. Papagalitan ako ng Lolo ko pag nauna siyang nakauwi sa 'kin. Sige na. Bye na. Bukas na lang."

"Wait! Sa kotse ka na lang sumakay. Ihahatid na kita."

"Great idea! Halika na dali!" sabi ko sabay hatak sa kanya papasok sa kotse

 ̄----------------------- ̄

"Ba't mo pala ako pinapunta dun?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya

"May sasabihin ako sayo."

"Ano?"

"Marami eh. Bukas na lang."

"Okay. Sige. Bababa na ko."

"Yeah. Bye. I love you."

I love you ba yung narinig ko? Oh kulang lang talaga sa linis yung tenga ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Assumera Queen ❤Where stories live. Discover now