Chapter 10: Ms. Warfreak ^---^

Mulai dari awal
                                        

"Hindi ka man lang nagbigay ng konting kahihiyan sa pamilyang 'to! Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggagagawa mo? Ha? Sinuway mo na nga ang utos ko, mababalitaan ko pang nakikipaglandian sa kung sinu-sinong lalaki diyan. Walang hiya ka! Saan nagkamali ang mga magulang mo ng pagpapalaki sayo? Isang beses na lang Michelle. Itatakwil na kitang parte pamilyang 'to."

"Sige po. Mas mabuting itakwil niyo na ko! Puro masama lang naman ang idinadala ko sa pamilyang 'to."

"Aba! Sumasagot ka pa! Tandaan mo 'to Michelle! Wala ka pang napapatunayan, kaya wala kang karapatang sagutin ako,dahil ako pa rin ang bumubuhay sa pamilyang 'to. Kaya, umakyat ka na sa kwarto mo, at wag na wag kang aalis dun hangga't hindi ko sinabi. Naiintindihan mo?"

Umalis na ko sa harapan niya. At mabilis na umakyat sa hagdan patungong kwarto ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Laging ako na lang yung mali. Wala na ba talaga akong magandang nagawa? Wala naman kaming ginawang masama ni Matt. Sinama niya lang ako dun. Ano bang problema dun? Pinahiya ko na ba yung pamilya namin sa lagay na yun? Ano bang mali sa 'kin? Ako ba talaga yung mali? Hindi ko na alam. Isa pa yang si Kuya Clark! Siya nagsumbong kay Lolo ng lahat. Gusto niya ba talaga akong masaktan? Gusto niya ba talaga akong laging napapagalitan at nasasampal ni Lolo? Eh ang kapal nga ng mukha niyang idamay ako sa punyetang pustahan nila ni Matt. Ano bang ginawa ko para ganito yung mangyari sa 'kin? Masama na bang kong tao dahil umalis ako sa pamamahay ni Lolo? Masama na ba kong tao dahil sumama ako sa lalaki? Gaano na ba ko kasama sa mga mata nila? Kung sisihin nila ko, akala mo ako lang nagkakasala sa bahay na 'to.

×------------------------×

"Ma'am Michelle, bawal niyo na daw po gamitin ang sasakyan niyo. Simula po ngayon, dito na daw po kayo sasakay sa SUV. Dapat hatid, sundo po kayo sabi ng Lolo niyo. Bawal rin daw po kayo lumabas ng bahay ng hindi niya sinasabi." sabi nung driver

So, gusto niyang mabulok ako sa pamamahay niya. Grabe talaga! Bwiset! Kainis. -_____-''

"Ma'am, sakay na po kayo. Baka po malate kayo sa school niyo."

[Matthew]

Ang aga ata umuwi ni Michelle kahapon. Sa'n kaya yun pumunta? Hahatid ko pa naman sana siya.

"Matt!"

"Clark?"

"Layuan mo na kapatid ko. Layuan mo na si Michelle."

"Bakit?"

"Ano'ng bakit?! Wala kang mabuting madudulot sa kanya. Layuan mo na siya."

"Hanggang ngayon ba naman Clark? Matture na si Michelle. Alam na niya kung ano ang tama sa mali. Hayaan mo na siyang makipagkaibigan sa kung sinong gusto niya."

Sinuntok niya ko. T@ng!n* naman oh! Umiiwas na nga ko sa pakikipagbasag-ulo eh.

"Ano? Duwag ka na ba? Bakit hindi mo ko suntukin? Ha?"

"Pasalamat ka lang talaga Clark, kapatid ka ni Michelle. May araw ka rin sa 'kin."

"Tandaan mo 'to Matt! Ayokong makikitang lumalapit ka sa kanya. Layuan mo na ang kapatid ko kundi, hindi lang yan ang aabutin mo."

[Michelle]

*zig*zig*zig*
-
One Message Received from PogingMatthew❤ :
I'll meet you at Schuster Grill. 7㏘ sharp.
-
Enter Message Text....
PogingMatthew❤? Hindi yan yung pangalan mo sa contacts ko. Ang kapal ng mukha mong pakialaman yung phone ko ah! And, how did you know my pattern? Psychic ka na ngayon? Ha?
Message Sent!
-
*zig*zig*zig*
Basta pumunta ka dun. See you. Okay?
-
Hindi ako pwede ah, papagalitan ako ng Lolo ko. Bahala ka sa buhay mo. Got it?
Message Sent!

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 26, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Assumera Queen ❤Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang