Teaser & Chapter 1

53.9K 1K 86
                                    

This is a work of fiction. Names, Characters, events, places, etc. Are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or to actual events are pure coincidental.

Ang Sapatos ni Cinderella  By: LiaCollargaSiosa ©

 PLAGIARISM IS A CRIME. PLEASE DO NOT COPY.

All Rights Reserved 2015

---------------

- T E A S E R -

Sapatos na maganda, sapatos na mamahalin, sapatos na walang katulad, sapatos na pag aari ni Cindy na binansagan nilang Cinderella. Sapatos na may tinatagong kakaibang Misteryo.

Sapatos na kapag sinuot mo ay mamamatay ka!

Ano kaya ang kasalanan nila Beth, Liezel, Lanie, Maricris, Carmelita, Lyndrez, Sharmaine at Rose at pinaghihigantihan sila ni Cindy?

Makaligtas kaya sila sa hagupit ng kapangyarihan ni Cindy o, tulad ng mga anak nila ay Mamamatay rin sila?

Alamin....

-----

Date Created : August 10, 2015
Date Finished : January 13, 2016

Written by: LiaCollargaSiosa

*******

(Chapter 1)

"Ang alikabok naman!" Nakasigaw na nag iinarteng wika ni Joan.

"Wala tayong magagawa dahil mukang hindi titila ang ulan."  Sambit ni Acelle, habang lilinga linga sa paligid.

"Masasapak ko talaga yang kapatid mo! Nangdahil sa kanya, magpapalipas tuloy tayo ng gabi sa abandunadong bahay na ito, na mukang ang creepy at ang alikabok-alikabok pa!"

"Sobrang arte mo talaga, Joan! Sino ba kasing may sabi na sumama ka saakin? Ikaw tong buntot ng buntot saakin! Ayan napala mo!" Inirapan siya nito.

"Alam mo namang mag pa iwan ako sa mga katropa mong hindi ko naman kilala. Saka bakasyon ang pinunta natin dito. Ibig sabihin, dapat nag sasaya tayo. Eh, ano itong nangyayari? Bakit ba kasi nag walk-out walk-out pa yang magaling mong kapatid na si Diana. Saka, Sure kabang dito sa gubat tumakbo yun? Naku buti nalang talaga at may bahay dito, Kundi, maliligo tayo sa ulan at sinisigurado kong sakit ang aabutin natin bukas."

"Oo. Dito tumakbo yun. Lintek kasing nung babaeng yun eh, ang arte! Ikaw at yang si Diana, Panira kayo ng bakasyon ko. Sumama pa kasi kayo dito!"

"Hello acelle, mama mo ang nagpasama saamin dito at baka daw kung ano na naman ang gawin mo.Bantayan ka daw namin. Saka pwede ba, Pumasok na tayo sa loob ng makahanap manlang tayo ng tutulugan ngayon gabi. Buti full Charge pa yung phone ko at may flashlight tayo. Bukas nalang natin hanapin yang si Diana. Saka hindi naman lalayo yun at hindi naman niya kabisado ang lugar nato."

"Teka, baka may tao o may may-ari niyang bahay. Mapagkamalan tayong magnanakaw."

"Ikaw ang shunga-shunga mo talaga! Muka bang titirahan itong ganyang itsura na ang bulok-bulok na bahay? Halika kana, at pagod na ako." Sinimulan na ni Joan na buksan ang pinto. Lumangitngit ang pinto at sumaboy ang mga alikabok sa kanilang ulo. Napaubo naman ang dalawa sa sobrang alikabok sa loob.

Sapatos Ni Cinderella (Available On Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon