I heard they are also rich that's why she go to Clyde in the states. Marami rin siyang mga kaibigan na ginagawa niyang alalay.

"May kailangan pa akong gawin. Kung wala ka namang impirtanteng sasabihin, maiwan na kita." Aamba na akong aalis ng biglang ilapag ni Drixy ang kutsara sa lamesa ng padabog.

Nakita ko ang pag tingin ng ibang mga customer sa ginawa niyang iyon kaya mabilis ko siyang binalingan at pinanlakihan ng mata.

Kung gagawa siya ng eskandalo, huwag siya rito sa resto ko.

Kahit kailan talaga, astang mangmang talaga siya. Hindi siya marunong makipagusap ng maayos dahil gusto niyang gawing agresibo ang lahat.

Umupo ako sa harap na upuan niya. Hindi ko 'to ginagawa dahil sa astang  ipinapakita niya. Ginagawa ko 'to dahil ayaw ko na masira ang imahe ng resto ko.

"Ano bang kailangan mo?" Medyo may diin na ang bawat salita ko pero pinanatili ko pa rin iyong mahina para hindiarinig ng ibang tao sa paligid.

I saw a glimpse of smile in her face. Akala niya ba takot ako sa kaniya kaya ako umupo rito?

"I just notice that.. after all, you have a resto now."

I don't get what she means

"Masaya bang nadagdag pa si Clyde sa mga blessings mo?" Dagdag niya.

I smirked. "Huwag mo ng paikut ikutin pa Drixy. Say what you want because you can't fool me."

"Don't shout, Daph. I'm pregnant and I don't want my baby to adopt the attitude of the people around me," sabi niya noong medyo napalakas na ang boses ko.

Ang lakas naman niyang mangsaway ng ugali ng nasa paligid niya samantalang sarili niya hindi niya maayos.

"Why don't you reflect on your self first? Mas masahol pa ang ugali mo kaysa sa akin. Maawa ka sa anak mo." Balik ko sa kaniya ng mga sinabi niya. "Kung andito ka lang para komprontahin ako tungkol sa asawa mo, mali ka ng iniisip. Hindi ako ang kabit niya at kahit kailan, hindi ko gugustuhin na sumira ng pamilya o ng isang relasyon katulad ng ginawa mo noon."

Nag madali akong tumayo at umalis sa harap niya. Nakita kong medyo gulat ang reaksyon niya pero kita ko rin ang ngiti sa gilid ng bibig niya.

I know that this time will come. Sino ba namang asawa ang mapapalagi kung ang asawa mong CEO, resto ang pinupuntahan at hindi ang office at mga meeting ang pinunpntahan?

Mabilis ang pag hinga ko nang makarating ako sa counter. Hindi ko napansin na ilang minuto na pala akong hindi humihinga.

"Ayos ka lang po ma'am?" Tanong sa akin ni Dan.

Mabilis akong nag angat ng tingin at tumango sa kaniya. Pumunta ako sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa.

Halos sa pagluluto ko nilaan lahat ng oras ko dahil ayaw kong umuwi. Panigurado kasing iisipin ko lang lahat ng sinabi ni Drixy sa akin kapag umuwi ako.

Hindi ko na nga namalayan na halos naluto ko na lahat ng putahe pero hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil okupado ang isipan ko.

Lumabas ako sa kusina para mag handa na para sa pag uwi pero noong makita ko si Clyde na nasa counter, mabilis akong napahakbang ng kaunti papalayo, pero noong makita niya ako ay mabilis akong huminto at tumingin din sa kaniya.

Bakit na naman siya nandito?

He smiled at me and waved.

Maybe because of irritation that I had earlier when I talked to Drixy, I gave him a rolled eye.

Until Our Path Cross AgainNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ