"Game! Anong laro?" Agad na sagot ni Mitch. Game na game talaga ang isang 'to. Para kasing pinagkaitan ng kasiyahan nitong mga nakaraang buwan, e.

"Truth or Dare."

Sabay kaming kumunot sa sinabi niyang iyon.

"Ang baduy. Wala na bang bago?" Pag rereak ni Mitch.

"Huwag na mag inarte, ayon lang ang alam natin. Anong gusto niyo mag tagu taguan tayo rito?"

I rolled my eyes. Bored lang kami kaya namin 'to ginagawa. Nauubusan na kasi kami ng pag uusapan sa dalas ba naman naming mag kita kita.

"Oo na sige na." Walang choice kong sabi. Kapag hindi ako sumali baka silang dalawa lang ang mag laro.

"Sali kaya natin sila Zeo?" Suggest ni Mitch.

"Huwag na. Hindi natin 'yon friend." Hind pag sasang ayon ni Louisa.

Grabe talaga ang isang 'to. Walang pinipiling lugar ang bibig.

Tumawa ng malakas si Mitch dahil do'n.

Hindi nag tagal, nag simula na kami sa pag babato bato pick. Alam kong para kaming tanga at mukha kaming bata sa posisyon naming ito pero.. masaya rin naman.

"O ikaw ang talo." Pag turo ni mitch kay Louisa. "Palaro mo 'to, ah."

"Truth or dare?" Tanong ko sa kaniya.

"Dare."

Inutusan ni Mitch si Louisa na inumin ang tatlong tungga ng tequila sa harap namin at sa inaasahan, walang wala lang iyon sa kaniya. Parang alak na nga yata ang dumadaloy sa katawan na isang 'to at hindi na dugo.

"Easy!" Sigaw niya pag tapos tumungga.

Sa paulit ulit naming pag babato bato pick, sa kanilang dalawa lang ni Mitch umiikot ang talo. Inaakusahan na nga nila akong madaya dahil hindi man lang ako natatalo. Pero... Malas lang talaga siguro sila ngayon.

"Ayon! For the first time in forever. Akala ko kailangan ko pang mandaya para lang matalo ka, e." Dire diretsong sabi ni Louisa ng ako na ang matalo.

"Truth or Dare?" Pa sigaw na tanong ni Mitch.

"Wala ka namang galit niyan 'no?" Sabi ko ng mabingi dahil sa sigaw niyang iyon. "Truth!"

Nag unahan silang dalawa kung sino ang mag tatanong. Hindi ba nila ako kilala? Bakit parang ang dami nilang gustong malaman?

"Bakit hindi sumama si Paul ngayon?" Tanong ni Mitch ng tuluyan na niyang makumbinsi si Louisa na siya muna ang magbibigay ng tanong sa ngayon.

Pero nang narinig ni Louisa ang tanong ni Mitch, agad siyang nag taas ng kilay at matalim na tumingin kay Mitch. "Malamang may ginagawa siya sa kumpaniya nila. Jusko! Walang trill ang tanong mo Mitch. Ako na."

Hindi ko alam kung bakit gano'n din ang tinanong ni Mitch. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa tanong na 'yon dahil wala namang sinabing rason si Paul. Pero kung babasihan no'n ang nararamdaman ko, sa tingin ko'y umiiwas siya.

Bago pa makapagbigay ng panibagong tanong si Louisa, tinakpan na ni Mitch ang bibig nito. "Okey.. iibahin ko nalang!" Pagpigil niya kay Louisa. "Anong pinagusapan niyo ni Paul noong nagkita kayo sa isang korean restaurant noong nakaraang araw? Bakit hindi kami kasama? Tsaka.. mukha kasi kayong may masamang timpla no'ng makita ko 'yong mga mukha niyong problemado, e."

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Nando'n ba siya?

Ang reakasyon ni Louisa ay katulad lang din sa reaksyon ko pero alam kong hindi halata ang akin dahil ayaw kong ipakita 'yon sa kanila.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now