1

61 0 0
                                    

                             Raesy Mourxyz  Madrid

It was past 10 pm ng makapag out ako sa isang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Agad kong niligpit ang mga paintbrush na binili ko kanina sa bookstore para may bago akong magamit kung sakaling makapag paint ako bukas.

"Una na 'ko Ven! Ingat kayo"

Patakbo akong lumabas ng stock room para maabutan kong bukas ang karinderya nina Joy dahil doon ako madalas bumili ng ulam upang gawing hapunan.

"O Raesy, ginabi ka yata? Dinuguan nalang yung natira dito. Tagal mo e, naubusan ka na"

"Okay lang tita, dumaan pa po kasi ako sa bookstore kanina kaya po ginabi ako. Isang takal nga po" nag-pasalamat kaagad ako sa kanya at agad na ring umalis para hindi ako gabihin sa paglalakad ko pauwi.

Sinalubong ako ni Devil, aso ko pagkapasok ko sa loob ng apartment ko. Buti nalang at mabait ang landlady dito kaya naman pinapayagan nya kaming mag alaga ng mga hayop dito, pero syempre may mga rules din.

"Miss mo 'ko agad Devil?"

Tinahulan nya lang ako bilang sagot at agad na nagpaikot ikot upang magpakitang gilas. Hinainan ko na din sya ng pagkain nya para sabay kaming kumain tuwing gabi. Minsan ay kasabay namin si Vincent kapag dumadalaw sya dito pero madalang lang yon, siguro limang araw lang sa isang buwan.

1 new message from Vince❤️

Nakauwi ka na babe? May nakita nga pala ako sa internet na bagong labas na perfume nung fav. kong brand. Tinggan mo, muka syang mabango. Ily.

Nakatanggap din ako ng isang picture na sinend nya sakin sa messenger, tulad ng sinabi nya, perfume iyon. Nang isearch ko sa google kung magkano iyon ay halos mahulog ang cellphone ko sa gulat. Seven thousand. Isang perfume na mas mahal pa sa gamit kong cellphone. Mukang kailangan kong mag doble kayod para mabili yon.

Alam ko na kasi style ni Vincent e, mag sesend sya sakin ng mga gusto nya para bilhin ko iyon para sa kanya. Kunwari na gusto nya lang iyon ipakita sakin pero alam ko naman na gusto nya na ako ang bumili noon.

December na nga pala at malapit na ang pasko kaya naman kung ano ano na ang mga sinesend sakin ni Vincent, nung isang araw sapatos, tapos kwintas ngayon naman, perfume. He's giving me option for his gifts that I can't easily afford.

Pinatay ko na ang cellphone ko dahil para sakin, turning off my phones helps me to rest well. Kasi walang tutunog ng kung ano ano and everything.

----

"Rae, pakidala 'to sa table 21!"

Kinuha ko ang isang tray ng pagkain para dalhin ito sa table 21. Ewan ko ba dito sa mga taong' to, yan ng hirap sa kanila e, kakain sila sa ganitong restaurant na mamahalin, tapos yung kakainin mo naman doble ang presyo na mabibili mo sa palengke. Pero syempre, thankful na rin ako kasi more costumers to come, more tips to come.

" Here's your order Ma'am"

"Thank you"

Nilapag ko na sa table nya ang pagkain na inorder nya at inayos yon para sa kanya. Habang sinasalinan ko ng tubig ang baso nya ay biglang tumunog ang cellphone nya na nasa table na nakakuha naman ng atensyon naming dalawa.

Love calling...

Inexcuse ko na ang sarili ko sa sa kanya para bumalik na ulit sa counter. Ang ganda nya. Ang tangos ng ilong, maputi, slim, tapos mukang mayaman at mabango. Bigla kong naisip si Vincent. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko na ang swerte ko pala talaga sa kanya. He's handsome and kind.

There's a lot of girl who can caught his attention but he only give those in me. He's really gentle and loving towards me. He's always with me even to my darkest days, I hope that his love for me..... don't fade. He's the only one I got except for Joy.

"Rae, dadating si Sassa mamaya. Pwede ka daw mag half day"

Halos mapatalon ako sa saya dahil sa sinabi ni Clark, kasamahan ko dito sa trabaho.

"Magaling na ba si Sassa? Akala ko may sakit sya kahapon?"

"Sus! Parang hindi mo naman kilala yon. Sakit na yung nagsasawa sa kanya e, hindi nya kasi pinapansin, alam mo na diba, selfless."

"Oo nga pala. Sassa is Sassa"

Dahil pinayagan akong mag day off sa araw na 'to, dumiretsyo muna ako sa karinderya nina Joy para mag side line bilang dishwasher.

Pagkapasok ko palang ng karinderya ay napansin kong maraming tao ang kumakain ngayon. Grabe. Ang daming blessings ni Lord.

"Bakit ka nandito Raesy? Wala ka nang trabaho? Tanggal ka na?"

"Gago. Bakit ka nandito, nasan si Tita?"

"Karinderya namin 'to Rae. Malamang nandito ako, saka bakit naka uniporme ka pa?"

"Nag half day ako Joy. Nandyan ba si Loida?"

"Magsaside line ka ulit?"

"Oo, dagdag sa ipon"

"Ipon saan? Ipon mo na naman para sa ireregalo mo kay Vincent?"

Hindi ko na lang pinansin si Joy dahil alam kong pag aawayan na naman namin si Vincent. Pang ilang beses na 'tong nangyari, palagi kong pinagtatanggol si Vincent sa kanya dahil palagi syang maraming sinasabi, karamihan doon ay totoo. Pero wala e, kahit naman anong sabihin ni Joy baliwala na kapag kaharap ko na ulit si Vincent.

"Raesy?"

"Tita! Pwede po ba ulit ako mag side line? Half day lang po kasi ako sa resto e"

"Tamang - tama naman ija ang dating mo. Solo lamang doon si Loida sa loob at madaming costumer ngayon, kaya mo ba hanggang mamayang gabi? Mukang marami rami kang mahuhugasan e"

"Kayang kaya Tita!"

Agad ko namang pinuntahan si Loida para palitan sya sa paghuhugas ng pinggan. Nagpasalamat din naman sya dahil kanina pa raw sya nag kukudkod ng mga kaldero.

"Haynako Ate, buti dumating ka. Putlang-putla na kamay ko kakahugas dyan e!"

"Kaya nga maupo ka na muna dyan para makapag pahinga ka"

"Ay Ate, nakita ko kanina si Kuya Vincent. Magkasama ba kayo kanina?"

Napatigil ako sa tanong nya, wala akong maalala na pinuntahan namin kanina dahil pagkagising ko ay sa restaurant na ako dumiretsyo.

"Ha? Saan mo nakita?"

"Sa mall, dun sa tindahan ng mamahalin na pabango"

"Ah oo, ako yon"

Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng mga pinggan pero patuloy pa rin ako sa pag iisip kung sino ba ang kasama ni Vincent kanina. Imposible.

"Naka wig ka ba kanina? Maikli buhok mo e, pero mahaba pa rin naman ngayon"

Patuloy lang sa pagtatanong sakin si Joy ng kung ano ano, at oo lang ang sagot ko. Hindi pwede. Walang kapatid at kaibigang babae si Vincent. Imposible rin na nanay nya dahil palagi iyong busy sa trabaho at ang mga tita nya naman ay nasa abroad. Baka isa lang sa girlfriend ng kaibigan nya, tama. Baka nga isa lang. Sana.

Mahal ako ni Vince, sigurado ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUNSET ON OUR ROADS Where stories live. Discover now