Ngumiti si Nolan sakanya at tiningnan siya ng makahulugan. “Sure.”

            “N-no. Sasama na lang ako—” Sabi niya pero naglakad na si Darren palayo. Kung pwede langsana, hindi na niya kakausapin ng mahigit isang minuto si Nolan pero bakit parang nananadya yata ang tadhana?

            “So, ikakasal ka na pala.”

            Hinarap niya ito at iningusan. “Malamang. Kasasabi pa lang ng fiancé ko, di ba?”

            “I guess it all ends here.” Malungkot na sabi nito.

            “What?”

            “Wala. Anyway, do you want something to drink?”

            “Hindi ako umiinom.”

            “Okay. Kumusta ka na?”

            “Seriously? Tinatanong mo ako kung kumusta na ako? Wrong timing ‘ata. You should have asked me that question six years ago.”

            “I-im sorry. Hindi naman talaga kita niloko.”

            “Yeah right. And dinosaurs are still alive.”

            Nakita niya ang frustration sa mukha nito nang hinawakan nito ang magkabilang braso niya at pinaharap siya dito. “Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?”

            “Bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo? Bakit ba hindi ako paniwalaan ni Bianche? Iyan! Iyan ang itanong mo sa sarili mo.” Nagpumilagas siya at nabigla siya nang kusang nalaglag ang braso nito at pinakawalan siya.

            “Babe, seryoso yata ang pinag-uusapan ninyo.” untag sa kanila ni Darren na nakakunot ang noo.

            “A-ah, oo. We were talking about our days back in high school.”

            “Oh really? I hope you don’t mind pare, isasayaw ko lang si Bianche.” Baling nito kay Nolan.

            Mukhang nawala ito sa sarili nito kaya siniko niya ito sa tagiliran. “H-ha? Oh, not at all. Sige, have fun.”

            Iginiya na siya ni Darren palayo at nang tiningnan niya si Nolan, may kasayaw na itong babae. Ano bang meron sa lalaking iyon? Bakit parang malungkot ito kanina? Ah, ewan! Mamatay siyang malungkot!  Saka imposibleng maging malungkot siya sa dami ba naman ng babaeng ka-date niya ngayon.

            She shrugged to clean her head of Nolan. Bumalik na naman kasi ang nakaraan niya noong nasa school dance sila. Iyong iniwan siya nito para sa ibang mga babae at noong sinayaw siya nito sa parking lot at hinalikan…Those we’re the bittersweet parts of her past. With Nolan. At hinding-hindi na niya iyon babalikan pa. Ever!

“HALLER Bianche! O, bakit may eyebags ka yata ngayon? Hindi kayo natulog buong magdamag ng fafa Darren mo noh?”

            “Becca, tigilan mo ako ha! Wala ako sa mood.”

            “Pansin ko nga.”

            Kanina pa siya nakapanlumbaba sa isang table saLakesideCafé and Restaurant. Hinatid niya kanina si Darren sa main gate ng SRC dahil babalik na ito saManilapara asikasuhin ang kasal nila. Pumayag na rin itong pagbigyan ang mga magulang nila. Tatlong araw na lang din siyang mamamalagi sa club dahil uuwi na rin siya para tulungan si Darren. But why don’t she feel happy?Parasiyang pinasukluban ng sun at moon.

Nolan Moire Villazapanta (A PHR Stallion Series )Where stories live. Discover now