Chapter 4

5.4K 70 0
                                    

CHAPTER 4

            “H-hoy Nolan, bago pa man ako maloka dito, sabihin mo nga sa akin kung binibwiset mo lang ako.”

            “Minsan lang ako tamaan ng sinseridad kaya..nope, hindi kita binibwiset. Saka kailan ba kita binwiset?”

            “Araw-araw lang naman.” inirapan niya ito.      

            “Well, baka namisunderstand mo lang ako. Actually, pagpapacute ang tawag doon.”

            “Ewan ko sa iyo.” Naglakad  na siya palayo dahil pati sarili niya, hindi na rin niya maintindihan. Kanina lang, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang boses nito. Hindi pa rin naman niya nakalimutan ang atraso nito sa kanya kaya hindi pa siya nasisiraan ng bait. Baka kinabahan lang talaga akong makita ang mukha ni Nolan. Iyon!

            “Bianche! O, hindi na kita tinawag sa nickname mo ha? Peace out?” Iwiniwagayway nito sa harap niya ang bulaklak na obvious na pinitas lang nito sa kung saan.

            Tinanggap niya iyon. “Alam mo, marami na ring lalaki ang nagbigay ng mga bulaklak sa akin. At bouquet pa, kaya kung bibigyan mo man lang din ako ng bulaklak, iyong presentable naman okay? Tingnan mo nga iyan? Tuyot.”

            Walang sabi-sabi itong lumapit sa isang schoolmate din nila na naroroon. Nag-usap ang mga ito sandali at binigay nito kay Nolan ang hawak nitong bouquet. Sa nalalaman niya, may girlfriend ito at sigurado siyang para sa girlfriend nito ang bouquet na iyon.

            “Here.” Inilahad ni Nolan ang bouquet sa kanya.

            “Sira-ulo ka talaga ano?”

            “The last time I checked, nope. In love lang.”

            “Hoy! Tigilan mo ako ha at baka….naku! Ewan ko sa iyo.” Tumalikod na siya nang natigilan siya dahil hinawakan nito angkamay niya.

            “Do you think I would let you go that easy after I made a deal with that guy just to give that bouquet to you?”

            Tinanggal niya ang kamay niya na hawak nito. “Ewan ko. Hindi naman kasi kita inutusang nakawin mo ang bouquet na ito para lang ibigay sa akin, noh.Haller?”

            “Why are you so hard to me?”

            “Dahil galit ako sa iyo at malaki ang atraso mo sa akin?”

            Ngumisi ito. “Would you be my date or not?”

            “Pikon ka na ba?”

            “Nope.”

            “So..no, I won’t go out with you.”

            “Pwede bang pag-isipan mo muna bago mo ako i-reject?”

            “Hmm…okay, baka umiyak ka pa, eh.” Tinalikuran na niya ito saka siya naglakad palayo.

NASA classroom siya nang mga oras na iyon nang bigla na lang pinukpok ni Eeme ang ulo niya ng ballpen.

            “Hoy babae! Milagro yata at hindi mo pinarada sa canteen iyang so-called ganda mo ngayon? Forever alone ang drama?”

            “Ow! Nakalimutan koEms, sorry.Kanina ka pa ba naghintay sa akin sa canteen?”

Nolan Moire Villazapanta (A PHR Stallion Series )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن