Chapter Nineteen

269 5 2
                                    

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
"I am the main persona and Stell was my alter" Saad ni Vester kaya napaurong ako

"H-how?" Tanong ko

"Di ka ba makapaniwala?" Tanong ni Vester

"This can't be!" Umiiling kong saad

"Maybe it's time to open up. Dito ka.." Saad ni Vester kaya tumabi ako sa kanya

Things are getting complicated!

"Si Stell, kakambal ko yan actually! I will admit na may kakambal nga ako..." Panimula ni Vester

"Eh nasan siya?" Tanong ko rito

"Wala na siya eh. Maaga siyang nawala!" Sagot nito kaya napayuko ako

"I'm sorry to hear that from you Vester.." Nakayuko kong saad "Pero saan mo nakuha ang DID mo?" Tanong ko

"May childhood trauma kasi ako. Just like Stell, kung may nakuwento man siya sayo. Palagi kaming sinasaktan ng tatay namin!" Sagot ni Vester

Now I know kung ba't naligaw ng landas ang lalaking ito!

"Kaya ba naging ganyan ka?" Tanong ko rito at nag-angat ng tingin

"Wag ka na magtaka!" Sagot nito kaya natawa ako

"Mabuti naman alam mo!" Saad ko

𝐒𝐭𝐞𝐩𝐡𝐚𝐧𝐢𝐞'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nandito ako sa sala ngayon nakaupo nang bumaba si Allihza

"Oh, kumusta? Si Stell pa rin ba yung nakausap mo?" Sunod sunod na tanong ko dito nang tumabi siya sakin

"Confirmed... Si Vester na nga siya" Sagot nito

"Kailan pa?!" Gulat na tanong ko

"Mula nung nahuli mo siya sa kusina na nagka-kape!" Sagot nito

Vester na siya nun?

"Di kaya natrigger siya sa black coffee na yun?" Tanong ko rito

"Hindi malabo!" Sang ayon ni Allihza. Napansin kong natulala siya bigla

"Bes?" Saad ko

"Steph, hindi si Stell ang main persona" Sagot nito kaya nanlaki ang mata ko

"Ano?!" Gulat na saad ko

"Sabi ni Vester sakin dala dala niya daw ang DID since childhood niya.. And Stell was his alter" Sagot nito

Haluh siya!

"Seryuso?!" Gulat kong tanong pero tumango lang si Allihza bilang sagot

"Things are getting complicated already" Umiiling kong saad

"I know right! Ayaw natin na bumalik si Vester, without knowing na siya pala ang main persona!" Sang ayon ni Allihza

"Pero meron siyang kilalang Stell?" Tanong ko rito

"Oo, nagkuwento si Vester sakin kanina! May kakambal siya, Stell ang pangalan" Sagot nito

"Malamang hinalintulad ni Vester si Stell nang ginawa niya ang alter niya.." Singit ko

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nang sumapit ang gabi, naisipan kong lumamon muna dahil nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang oras at past 11 na din!

Nasa kusina ako ngayon nang marinig kong magbukas ang pinto sa labas kaya sumilip ako. Napahinga ako ng maluwag nang makita kong si Vester lang pala...

Pero lasing ito!

"Vester? Lasing ka uli?!" Saad ko at nilapitan ito

Akala ko pa naman magba-bagong buhay na!

Aalalayan ko sana siya nang kinulong ako nito sa mga bisig niya

"Vester?" Saad ko at sinusubukan kong kumawala sa mga bisig niya pero sadyang malakas siya kaya nanghina ako

"Ba't mo pa hinahanap ang isang tao na hindi naman nage-exist sa mata ng mga psychologist?" Seryusong tanong ni Vester kaya napalunok ako

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko

"You know what I'm talking about Allihza!" Saad ni Vester

Nabalot kami ng katahimikan at kasalukuyan akong nakikipagtitigan kay Vester. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng ilang

"Ba't mo pa hinahanap si Stell kung nandito naman ako?"

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟗

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now