Biglang tumahimik ang lahat at tanging mga yabag lang ng sapatos ang naririnig ni Alondra.
Pakiramdam niya merong multo na dumaan na lahat ay natahimik.Nang sa tingin niya nakalampas na ang mga dumaan na tao nagtaas na siya ng kanyang ulo.Tanging mga likod nalang ang nakikita niya.Limang lalaki at mukhang mga macho at isang babae ang nakikita niya.

"Hay salamat at nakalampas na sina Boss Z pwedi na tayo huminga",pabutunghininga na sabi ng babae sa gilid ni Alondra.

"Bakit?Iyong Boss Z ba ang may ari ng hangin na ihihinga mo kung makapagsabi ka diyan ha libre kaya ang hangin dahil gawa iyon ng kalikasan",mataray na sagot ni Alondra sa babae.

"Hindi naman kaso lang parang ang hirap huminga kapag andito si Boss Z awra palang nakakatahimik na bukod sa sobrang gwapo nito strict din siya sa mga tao dito lalo na kung ang usapan ay trabaho",pabulong na sabi ng babae sa kanya.

Napataas tuloy ng kilay si Alondra grabe naman pala ang Boss Z na iyon.Naku nakalimutan na ni Alondra na unang araw niya ngayon at kailangan niya pumunta sa opisina ng anak ni Don Manuel.

"Ahh Miss pwedi ba ako magtanong sa iyo?Saan dito ang opisina ng anak ni Don Manuel kailangan ko kasi pumunta dun eh",tanong ni Alondra sa babae.

"Hindi kami allowed magbigay ng ganyang info ma'am eh.May appointments po ba kayo?"magalang na sabi ng babae dito.

"Wala eh sabi kasi punta lang ako dito sa building at magtanong sa receptionist at saka dito daw si Miss Karen para gabayan ako",dagdag na sabi ni Alondra.

Tiningnan siya ng babae pataas at pababa.
"Naku Ma'am ang ganda niyo naman pala ikaw ba ang sinabi ni Don Manuel na magiging bagong secretary ni Boss Z ",namamanghang sabi ng babae pero napangiwi ng binanggit ang pangalan ng boss.

"Opo,Miss ako pala si Alondra Tiongco ikaw ano name mo mukhang magkakasundo tayong dalawa",nakangiti nitong sabi.

"I'm Sasha Kyah Manalastas the one and only pretty receptionist of Del Mundo Shipping Industries charr lang hehehe",pakilala ni Sasha kay Alondra.

Napakabibong babae magkatulad silang dalawa masayahin at madaldal mukhang magkakasundo talaga silang dalawa.

"Don't worry Miss Alondra na inform na sa amin ni Don Manuel ang pagpunta mo rito kaya sasamahan na kita papunta sa opisina ni Boss Z",seryosong sabi ni Sasha sa kanya.

"Salamat ha",sagot ni Alondra.

Habang naglalakad sila papuntang elevator pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid nila.Sino naman ang hindi mapapatingin sa dalawang babae na namumukadkad sa ganda at akala mo mga model kung maglakad kahit sa simpleng kasuotan lang litaw ang mga kurba ng katawan.Naconscious tuloy si Alondra samantala si Sasha parang wala lang itong pakialam.

"Miss Sasha ganito ba talaga ang mga tao dito tingin ng tingin nakakailang naman lalo na ang mga lalaki",tanong ni Alondra.

"Huwag mo na silang pansinin ganyan talaga sila lalo na kung may mga bagong mukha sila nakikita mas lalo pa kung malaman nila na ikaw ang maging bagong secretary ng boss",sagot nito kay Alondra habang patuloy na naglalakad na parang wala lang sa kanya ang mga tingin ng mga tao at pagbulung bulungan ng mga lalaki.

Napangiwi si Alondra ng marinig ang dalawang babae na nagbulungan at sa kanya nakatingin.Narining niya pa ang sabi nito na baka daw hindi siya magtagal ng isang araw at susuko na siya.Out of curiosity nagtanong uli si Alondra kay Sasha tamang tama naman na bumukas ang elevator kaya pumasok na silang dalawa.

"Kayah pwedi ba iyan nalang tawag ko sayo parang hindi naman yata nagkakalayo ang edad natin eh", feeling close na sabi ni Alondra."Nakakatakot ba talaga ang maging boss ko bakit sabi ni Don Manuel mabait naman ang anak niya topakin lang kung minsan", seryosong tanong ni Alondra.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon