CHAPTER THREE- VENTRE UNO DEVUNTO

85 8 2
                                    

CLOVER

1 month 

Nakangiti kong pinagmamasdan ang bawat pag-agos ng tubig. Nakaupo ako sa isang malaking bato habang hinihimas ang medyo may kalakihan kong tiyan. Napakagandang pagmasdan ng malinaw at malinis na tubig, kumikintab pa ito na parang sariwang-sariwa sa yamang dagat, unti-unti nang bumaba ang araw, naghalo ang kulay pula, dilaw, orange na mga ulap habang napapalibutan nito ang araw na malinaw na nakikita ang reflection sa dagat, marami ring nagliliparang ibon sa himpapawid, at napakasarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Kung dito siguro ako titira ay walang problema, napakaganda at hindi ako magsasawang pagmsdan ang sunset tuwing hapon. Best feeling, ang ginahawa sa pakiramdam at napakapayapa. Ito yong pakiramdam na parang nakikipag-usap ka sa dagat, na naiintindihan mo ang bawat hampas ng alon, ang haplos ng hangin, ang tunog ng mga nagsasayawang puno sa paligid, at ang araw na parang pinagmamasdan ka. Ang weird ko siguro sa paningin ng iba pero ganito kase ako mag-isip, para sakin ay may buhay ang lahat ng bagay sa mundo kung matutunan mo itong intindihin.  Huminga ako ng malalim at dinama ang malakas na simoy ng hangin at tumingin sa tyan ko.

Magiging unfair ba' ko kung sasabihin kong hindi ako masaya sa pagsilang ng magiging anak ko? Kung sasabihin kong masaya ako, niloloko ko lang ang sarili ko. Alam ko sa sarili kong una pa lang ay hindi ko pinangarap mag kaanak pero wala na' kong magagawa dahil may laman na ang tiyan ko.

Ang unfair ko . . .

Yon siguro yong dahilan kaya ayukong magkaanak dahil alam ko sa sarili kong hindi ako magiging mabuting Ina, na sisirain ko lang ang buhay ng magiging anak ko. Muli akong tumingin sa palubog na araw at ngumiti ng tipid.

"Kailangan ko lang intindihin . . . Balaw araw ay matatanggap ko rin . . . at kapag dumating ang araw na yon ay pagmamasdan kita katulad ng kung paano ko pagmasdan ang kalikasan"

LUMIPAS pa ang mga araw na malapit na kong manganak. Si Jake ang sumasama sakin sa pagpapacheck up, si Lola naman ay binibigay lahat ng gusto ko dahil naglilihi ako, at si Lolo naman ay palaging sinisecure na okay ako sa takot na baka makunan ako, yon bang baka ginto na naging bato pa.

Dinalaw rin ako ni mama at ate na may mga dalang gamit ng baby. Pero ang inaasahan kong dumating ay wala, si dad. Napailing na lang ako at mabilis na binura ang kalungkutan.

Habang nalalapit ang panganganak ko ay mas excited pa ang pamilya ko. Nakapa x-ray na ko at lalaki ang anak ko. Sa pangalan pa lang ay mukhang nakapagdecide na sila, wala narin akong kailangang gastusin para sa gamit ni baby dahil sunod-sunod ang pagpapadala ng mga relatives ko, pagbili nina mama at ate gg gamit, si Lola naman ay nagsimula ng magtahi ng kung ano-ano para sa gamit ni baby, si Lolo ay nagpagawa na ng isa pang kuwarto para kay baby, habang si Jake ay nagpresintang maging babysitter nalang daw tutal ay nabili na lahat ng pangangailangan ng baby.

Mukhang wala na' kong dapat problemahin maliban na lang sa panganganak. Sana lang ay kaya kong ipasa ang sakit kapag lumabas na si baby, Sabi ni Lola subrang sakit daw nun.

Matapos ang isang linggo ay umuwi rin sina mama at ate, babalik raw sila sa araw ng panganganak ko. 

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa veranda ng kuwarto at nanlaki ang mga mata ko nang sa muling pagkakataon ay nasilayan ko ang guwapo niyang mukha. Muntik pa kong atakihin sa puso dahil sinong mag-aakalang makikita ko siya rito? I mean nasa pinas siya, napakalayo ng mundong ginagalawan naming dalawa, at hindi niya naman alam ang address ko. Maliban na lang kung bigla siyang nag ka interest sa akin at pinaimbistigahan ako.

Pero impossible!

Nakasuot siya ng cap, white shirt at pantalon, habang may kulay gray blazer na nakasabit sa balikat niya. Blangko ang kaniyang mukha at deretyo lang ang tingin sakin.

HOLDING YOU IN MY ARMSWhere stories live. Discover now