CHAPTER 6

582 45 0
                                    

ABBY'S POV


Nagising ako dahil naramdaman kong wala na akong katabi. Tinignan ko naman ang oras sa wall clock at napabalikwas ako dahil anong oras na. 


Tsk, di man lang ako ginising nung dalawa.


Bumangon na ako at naghilamos ng mukha, inayos ko na rin ang higaan saka lumabas ng kwarto at bumaba.


Nasa hagdan palang ako ay rinig ko na ang hagigik ni Coco. Ano kayang ginagawa ng mga yun? Kaya dali dali na akong bumaba at nagtungo kung saan nanggagaling ang hagikgik.


Nakita ko silang masayang nagbabatuhan ng harina. Para silang mag nanay..........tapos ako yung tatay......yiieeeee.


"Good morning" Bati ko at napatigil naman sila sa pagbabatuhan at tumingin sa gawi ko. Oh diba sabay pa nga


"Good morning" Sabay nilang sabi at nagpatuloy sa ginagawa


Lumapit ako kay Sela at nagback hug sakanya saka ko hinalikan sa pisngi


"Wow sarap naman nyan" Sabi ko dahil nagluluto sila ng pancake


"Patapos na to kaya maghugas ka na ng kamay dahil kakain na tayo. Hugasan mo na rin yung kamay ni Coco" Sabi nito


After namin maghugas ng kamay ay kumain na kami.


"Hmm yummy...your pancake is the best mommy Sela. Right ate Abby? Coco


"Opo kaya bilisan na natin dahil may pupuntahan tayo" Ako


"San tayo pupunta?" Tanong ni Sela


"Mag ra rides. Lilibutin natin tong buong village, boring namang kasi kung dito lang tayo sa bahay" Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.


After namin kumain ako na ang naghugas ng mga dapat hugasan dahil naliligo na yung dalawa. Pagkatapos ko maghugas ay naligo na rin ako.




























FF


"ABELAAAIIINEE!!!" Sigaw ni Sela habang mahigpit na naka kapit sa bewang ko


"Relax lang love" Pagpapakalma ko naman sakanya. Pano kasi kala mo naman mahuhulog sa motor. Pag kami sumemplang dito nako


"Bagalan mo lang kasi pagpapatakbo mo" Inis na saad nito at kinurot pa ako sa tagiliran. Awts gege.


"Oo na, tsaka ansakit nun ahh" Kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko ng motor. (Kasing bilis ng ex mong nakahanap ng kapalit mo charrr)


Wala naman kaming nakakasalubong na sasakyan kaya okay lang. Pero need parin ng pag iingat. (Gaya ng pag iingat nya sayo sa umpisa). Enjoy na enjoy naman ang kasama naming bata pero ewan ko nalang sa isa jan. HAHAHAHA sigaw pa, sana di ka mapaos.


Namasyal pa kami kung saan saan dahil nga amboring kung uuwi kami agad.


Hapon na nang maka uwi kami. Dahil sa sobrang pagod ay humilata kaming tatlo sa sofa. Sofa bed namang ito kaya kasyang kasya kami. Di ko namalayan na tulog na pala yung dalawa, kaya natulog na rin ako dahil napagod din naman ako sa pamamasyal.


























SELA'S POV


Nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pagkabangon ko napansin kong wala si Coco sa tabi namin kaya dali dali ko syang hinanap hanggang sa mapadpad ako sa kusina. 


I saw her making her own milk sa feeding bottle nya habang nakatungtong sa maliit na upuan.


"Are you hungry?" Tanong ko, tumango naman ito at mukhang antok pa ang naknak ko dahil nagkukusot pa ng mata.


"Okay let me do that and wait me nalang sa room mo" Sabi ko at sumunod naman ito sa sinabi ko


Pagkatapos kong timplahin ang gatas at uminom ng tubig ay kinumutan ko muna si Abby bago ako umakyat at magtungo sa kwarto ni Coleen.


Pagpasok ko ay naabutan ko itong naglalaro at kumakanta ng cocomelon song.


"Here" Sabi ko at iniabot sakanya ang dede. Nahiga naman ito sa kama nya kaya tinabihan ko to.


"Big girl na ikaw kaya wag ka na mag dede otey?" Sabi ko pero ang batang ito ay nginisihan lang ako habang dumedede


"Di na ako magdedede if I'm going to school na. Kasi mama told me that bawal ang dede sa school" Conyong sabi nito kaya bahagya ako napangiti.


"Did mama told you that you are going to school na this august?" Umiling naman ito sa tanong ko


Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap nang biglang bumukas ang pinto nitong kwarto kaya napatingin ako dito.


"Di ba kayo nagugutom?" Tanong ni Abby na nakasilip sa amin


"Bakit gutom ka?" Tanong ko kaya tumango ito


"Okay mag papadeliver nalang ako dahil matatagalan pa pag nagluto ako. Tsaka tinatamad akong magluto" Sabi ko at nagpadeliver na ng food.


Ilang minuto ang nakalipas nang dumating ang inorder naming food kaya si Abby na ang kumuha nito sa labas dahil nakatulog si Coco sa dibdib ko.


Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog nito ay inayos ko na sya ng higa saka ako bumaba para kumain.






ABBY'S POV


2 months na kami ni Sela next week kaya naisipan kong ayain sya mag date. Kaya tinext ko si Sheki para sabihin na sila muna ang magbantay kay Coleen habang wala kami and after ng date namin saka kami mag iinuman dito sa bahay.


"Oh bakit di ka pa kumakain?" Tanong ni Sela pagkababa nya na ikinagulat ko. Syempre di ko ipinahalata na nagulat ako


"Hinihintay kasi kita. Ang lungkot naman kasi kumain mag isa HAHAHA" Sagot ko


"Lika na kain na tayo" Sabi ko at ipinaghila sya ng upuan saka ako umupo sa harap nito at kumain na kaming dalawa.


After namin kumain napagdesisyunan naming manood nalang ng movies sa sala at dun nalang din matulog.














































The Couple GuardianWhere stories live. Discover now