01.

720 34 2
                                    

• Year 2021 •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Year 2021 •

Kenjie🥴

Hoy pre, taena, nasan kana?!

Sige, isa pang seen dyan!

Gagi, uyy, puta pre report
naten ngayon.

Nilalagnat ako, sagot
mo muna.

Putanginang lagnat na yan,
na-timing?!

Basta pre bahala ka
muna dyan.

Porke ikaw bumili ng
manila paper, ganyanan
na.

Basta masama lang talaga
pakiramdam ko ngayon

Off muna ko, pre. 

~

Mrs. Mendoza

Mr. Santos, I'd like to see you
in my office.

.
.
.
.

Minsan talaga, kahit bespren mo ilalaglag ka eh noh.

" Someone told me that you are skipping my history classes on purpose." Di ako makasalita sa takot at kaba. Wala ngang kasinungalingang di nabubunyag.

" Your report, please?" Inangat nya ang kanyang mga braso na para bang may hinihintay siyang i-abot sa kanya.

" Eh, yung report po, ma'am kase ung re – Naiwan ko po sa bahay namin."

" Naiwan or wala naman talagang ipapasa?" Napayuko na lang ako habang humihigpit ang hawak sa strap ng bag ko.

Narinig ko ang pagbugtong-hininga ni mam Mendoza sabay hagod ng maputi niyang buhok palikod.

" You're a diligent student, Mr. Santos, for all I know. Kaya ka nga nakapasok ng UST, hindi ba. But I never knew na may ganito kang ugali."

Nabalot ng katahimikan ang kwarto. Di ko alam pero nasaktan ako kahit papaano sa mga salitang nabitawan ni Mam.

" For that, I'll give you a special assignment."

Malutong akong napamura mentally. Assignment na nga ang dahilan ng pagkakapatawag ko dito 'tas balak pa nila akong parusahan using the same thing.

For fuck's sake.

May kinuha syang kapiraso ng papel at may kung anong sinulat roon.

" I want you to do a research about what truly happened to Captain De Dios and why was he proclaimed as one of our national heroes. " she handed me the piece of paper. Nakasulat roon ang mga topic na kailangan kong punan ng info. "I'm giving you exactly one month to finish this task."

Napanganga na lang ako sa mga sinabi nya.

"Captain De Dios? Pero mam, kahit mga historians nga po di alam kung anong nangyari sa kanya –"

" Kaya nga research, hindi ba, Mr. Santos? Why would I ask you to do a research sa bagay na alam mo naman, right? It's either you finish this task or I will give you a failing grade this sem."

Seryoso?

Wala talaga akong alam tungkol sa kanya, besides na sa saksakan siya ng kagwapuhan.

Hep!!

Don't judge me, nakita ko lang sa museum yung painting niya.

" Pero mam –"

" No more buts. Kung hindi mo lang sana pinabayaan si Mr. Suson na i-report ng mag-isa ang World War II, edi sana wala tayo dito ngayon. You may leave."

Tinanggap ko na lang ang parusa tutal wala na rin naman akong magagawa.

Lumabas na ko ng opisina niya at naabutan kong nakasandal sa pader sa may tabi ng pinto si Ken – malamang pinakikinggan usapan namin sa loob.

" Uy, Josh pre – "

" Tangina, wag na tayo magplastikan pa. Ikaw nagsumbong sakin, noh?!" Nanggigigil kong bunton sa kanya.

Biglang naging seryoso ang itsura niya. "Di kase pwedeng laging ganun."

"Look who's talking. Parang di rin kita pinagtakpan noon ah. When I did your research outline kasi you're so busy sniffing around Mira kasi feeling mo may pag-asa pa kayo!!"

Sarkastiko akong natawa at dumistansya sa kanya. "Dahil sa kagagawan mo, pwede akong di makagraduate this year!"

Ramdam ko na pinagtititigan na kami ngayon pero wala akong pake. Galit ako sa kanya at kung pwede lang sana kanina ko pa sana sya sinapak.

" Di ko alam kung kaibigan ba talaga kita."

" Ngayon pati yun kinukwestyon mo na? Ayoko lang masanay ka sa ganyan, kaya nagsalita na ko."

" Kung totoo ngang magkaibigan tayo, di mo ko basta ilalaglag ng ganito."

Binato ko sa kanya yung papel na binigay ni Mam Mendoza kanina sabay lakad paalis.

Piste ka, Ken Suson.

Captain De Dios; Since 1892 | JoshTin AUWhere stories live. Discover now