“Saan ba tayo pupunta Mama” Pang ilang beses ko ng tanong sa aking ina na abala sa pag impake ng aking gamit. Ni hindi man lang ako nagawang sagotin o pansinin man lang.
Kanina pa siyang aligaga kung kumilos. Mukha din siyang nag mamadali sa hindi ko alam na kadahilanan.
Napapabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa palagid at parang hindi mapakali si Mama.
“Mama, kumalma ka nga kanina ka pa hindi mapakali sa ginagawa mo, e.” Naitikom ko agad ang bibig ko ng bigla itong humarap sa'kin at halos liparin niya ang agwat naming dalawa.
Dahil sa gulat ay hindi agad ako nakapag react agad.
“Makinig ka, Athena. Pupunta ka sa tiyahin mo at doon ka muna pansamantalang maninirahan–”
“Teka…” Agad na putol ko sa kaniyang susunod na sasabihin. “Ano bang sinasabi niyo, Ma? Ano bang nangyayari?”
Bakas sa mukha ni Mama na nahihirapan siyang sabihin kung ano man ang sasabihan niya sa'kin. “Makinig ka na lang sa'kin, nak.”
“Mama, I need an explanation as to why you are sending me to my aunt Norma.”
“May trabaho ako sa ibang bansa, kaya kay tiya Norma mo muna ang mag babantay sa'yo.”
Nagulat ako sakaniyang sinabi. Bakit ngayon ko lang nalaman na mag iibang bansa si Mama.
Nang hindi ako sumagot ay bumalik na naman sa pag iimapake si Mama ng gamit ko. Hindi pa rin ako kumikibo at nakatingin lang sa likuran ng aking ina na abala sa pagaasikaso ng kagamitan ko.
Ilang minuto pa ang nag daan bago ako tuluyang nakapag salita.
“Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin ang tungkol dito, Ma?” Nakita kong napahinto si Mama sa pag lalagay ng damit ko sa maleta ko.
Hindi ito nag salita at pinag patuloy na muli ang pag lalagay ng damit sa maleta. Dahil doon ay nakaramdam ako ng pagkainis.
“Mama, bakit hindi mo ako sinasagot–”
“Pwede bang 'wag ka ng maraming tanong!” Hindi ko inaasahan ang pag sigaw nito. Ito ang unang beses na nasigawan niya ako at talagang galit na galit ang mukha niya.
Kilalang-kilala ko si Mama, pero hindi ko kilala ang nasa harapan ko ngayon.
Nahalata siguro ni Mama ang naging reaksiyon ko kaya huminga ito ng malalim at tinalikuran na muli ako.
Nang muli siyang mag salita ay bumalik na muli sa kalmado ang boses niya.
“Hindi ko na nasabi sa'yo agad dahil biglaan rin ang pagiibang bansa ko,” Tahimik lamang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. “Pasensiya na at nasigawan kita, sana maintindihan mo ko anak.”
Humarap ito sa'kin at doon ko tinitigan ang mata niya. “How about me? I'm your only daughter, tapos iiwan mo pa ako.”
“Kaya nga ipapabantay kita sa tiya Norma mo, tiyak akong miss na miss ka na no'n lalo na ang pinsan mo.”
“Ibig sabihin doon din ako mag aaral?”
“Gano'n na nga, 'wag na 'wag mong pababayaan ang pag aaral mo don.” Paalala nito sa'kin. “At wala munang boyfriend hanggat 'di ka nakakapag tapos ng kolehiyo, graduated ka na next year.”
“Does that mean I can have a boyfriend when I graduate from college?”
Napabuntonghininga si Mama dahil sa sinabi ko. “Basta't hindi ka sasaktan ng magiging nobyo mo,”
YOU ARE READING
Under The Full Moon
FanfictionVampire Tales Series #1 What if you end up somewhere not very well known in the World? What if you are not one of them and you are not aware that you are what they want to eat? Your fresh blood that clings to you... What would Athena do if she foun...
