Ch.? 3/5

1.7K 41 8
                                    

.

.

.

Hanggang ngayon di pa rin niya ako pinapansin. Kahit text, wala na akong natatanggap. Ganun na ba talaga siya nagpapaniwala sa babaeng yun? Ganun na pala kabato ang puso niya ngayon? E hindi pa nga niya napapakinggan ang side ko e. Nakakainis din naman kasi yung Andreang yun, malakas ang kutob kong ginagawa niya 'to para maghiwalay kami ni Ranz. Basta! Gagawin ko ang lahat, mapabalik lang ang tiwala ni Ranz sakin.

Nasa tabi ko lang siya ngayon pero parang wala naman akong katabi...para bang invisible? .. Parang bumabalik yung dating siya, yung time na di pa kami close.

" .. tol, tara kumain sa labas! ...sama ka na rin Charlie.." nung sinabi 'to ni Owy samin, napatingin ako kay Ranz. Di ko maexplain ang itsura niya ngayon, para siyang nagdadalawang isip pa.

" .. may lakad kasi kami ni Andrea e, kung saan pwedeng mawala ang problema ...pasensya na ha? .." sabi niya kay Owy at lumabas na siya ng room.

Napatingin sakin si Owy nung sabihin ni Ranz yun. Nagtataka rin siguro.

" ...a-ayos lang yan Charlie.. babalik din sa dati yang si Ranz.." sabi niya habang tinatapik ang likod ko.

" .. ayos lang naman ako ah!.. ikaw talaga!!! .." palusot ko sabay hampas sa braso niya. Pero sa loob loob ko, gusto ko nang umiyak. Ngayon ko lang napansin na di na pala ako sanay nang wala siya.

--

After naming kumain sa labas ay nakasalubong namin si Andrea at Ranz na mukhang papasok sa restaurant na kinainan namin. Pero sa halip na magpansinan, dinedma lang niya kami pati mga kaibigan niya at inakbayan pa si Andrea.

Pagkalagpas nila ay naramdaman ko na lang ang tapik ng kamay ni Owy sa likod ko.

" .. kunwari wala kang nakita ha? ....kunwari di mo sila kilala.. " sabi niya habang pinipigilan ko ang paglabas ng luha sa mata ko.

" ...lilipas din yan ...kung kinakailangan naming i-ambush si Andrea, gagawin namin para lang di ka na malungkot..." sabi sakin ni Heidi.

Napatawa naman ako sa sinabi nila. Kahit na merong nagpapalungkot sakin, di pa rin nawawala yung mga taong nagpapagaan ng loob ko.

" .. wag naman! ..ayos lang kaya ako.. tingnan mo, ngumingiti pa ako ..." sabi ko at ipinakita ko ang pilit kong ngiti. SMILE :'(

" .. Tara na nga!! .." yaya ni Oliver samin. Wow! kasama pala namin siya? ..kanina pa kasi yang walang imik e.

.

.

.

.

.

Andrea's POV

Ang sarap pala ng feeling ng ganito. Mukhang mabubuo na uli ang lovelife ko. Pero bakit ganun, may time na nakakaramdam ako pangongonsensya? Kahit kailan di pa ako nakakaramdam ng mga ganitong bagay, pero yung ngayon, iba e! ang sama sa pakiramdam.

Di porket nagawa ko na ang plano ko, titigil na ako. Habang di ko pa tuluyang naalis sa isip ni Ranz ang Charlie na yun, tuloy tuloy pa rin ang plano. Ginusto ko 'to kaya itutuloy ko.

" .. ano? tapos na ba ang deal natin? pwede ko na bang makuha ang prize ko? .." sunod sunod na tanong ni Xander sakin habang naglalakad ako sa hallway.

" .. di pa tapos! .. kita mo nang di ko pa silang nakikitang nag-aaway.. kailangan ko munang makita yun at kailangan kong makitang umiiyak si Charlie.. kaya pwede ba wag ka munang magpakita sakin baka mahuli pa tayo ni Ranz.." sabi ko.

" .. ano ba yan? akala ko naman, tapos na yung plano.. sige aalis muna ako at baka ako pa ang maging dahilan sa pagkapalpak ng plano mo.." sabi nito at naglakad na papalayo sakin. Pero tumingin ulit ito sakin at nag-wink.

Psh. Bahala ka.. Kung alam mo lang...

--

Ranz POV

Nandidito ako ngayon sa loob ng Science Lab ng biglang may nagbukas ng pintuan.

Napatingin ako sa taong pumasok at umistorbo sakin. Nakita ko ang nakakunot niyang noo na para bang pasan pasan ang mundo.

" .. Ranz, can we talk? .." sabi niya at isinarado ang pintuan sabay lock.

" .. bakit ba? ..ano bang kailangan nating pag-usapan at kailangan mo pang ilock ang pintuan?? ..a buksan mo nga! ..." sabi ko at tumayo ako para buksan ang pintuan.

" ...bakit Ranz? .. bakit ba ayaw mo kong pakinggan? .." tanong niya habang pinipigilan niya ang kamay ko sa pagbukas. Halata sa boses niya ang lungkot na para bang paiyak na.

".. ano bang kailangan ko pang pakinggan mula sayo? ..wala ka ng kailangang sabihin kaya pwede ba.. bigyan mo na ako ng kalayaan.." sabi ko at inalis ko ang kamay ko na hawak niya.

Hindi ko pinag-iisipan 'tong mga sinabi ko, sadyang ito lang ang lumabas sa bibig ko. Kalayaan? Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, nakakaramdam ako ng inis.. di ko alam kung sa kanya o sa sarili ko ako naiinis.

" .. wala ka na ba talagang pakialam sakin?! . nakalimutan mo na ba lahat ng pinagsamahan natin?! .." nangangatal na sabi niya sakin.

Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita pero ayaw ng bibig ko. Ang dami kong gustong gawin sa kanya, gusto kong .....

" .. ano? sumagot ka!! .. wala ka na bang pakealam sakin?! .. wala na ba talaga? .. may iba ka na ba!! .. MAHAL MO NA BA SIYA?!! .."

Palibhasa kasi wala ka sa posisyon ko. Ikaw kaya, kung makita mo kong may ibang babae, magagalit ka diba? .. Normal lang naman yung sinabi ko ah, masama bang magtampo? masama bang magselos?

" .. Oo, gusto ko na.." sabi ko habang nakayuko. Napatahimik siya ng ilang segundo sa sinabi ko.

"..ku-kung wala ka ng nararamdaman, hindi ka magkakaganyan... "

Ito yung sinabi niya bago siya yumuko at nakarinig ng mahinang iyak. Pero maya-maya ay humarap siya sakin na puno ng luha ang pisngi niya.

" ...Ranz, maibabalik pa naman natin 'to sa dati ah.. pwede pa 'tong maayos.. wag ka ng magalit.." sabi niya at napasandal siya sa pintuan habang pinupunasan ang luha.

Sa totoo, ayokong nakikita siyang ganito e. Ayokong nakikita siyang umiiyak, nasasaktan. Pero bakit ganito ang ginagawa ko sa kanya? Bakit ayaw lumabas sa bibig ko ang salitang " sorry, tahan na.."

--

Charlie's POV

.

.

.

.

Ayaw na niya ako. Ayaw na niya sakin. Ano bang meron sa babaeng yun at napaniwala niya agad ang uto-utong Ranz na ito?

Habang nagsasalita siya ay naramdaman ko na lang na may tumulong luha dito sa pisngi ko.

" ..Ranz, wag ka ng magalit! .. pagbigyan mo na ako.." pagmamakaawa ko sa kanya. Ewan ko kung bakit nagkaganito ako sa kanya, bakit ako pa ang nagmamakaawa?

Pagkatapos kong sabihin yun ay lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko at tiningnan ako sa mata ko.

" .. uuwi na ako, wala ng sense ang usapan natin.."

__________________________________

to be continued.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon