C H A P T E R 27

22 4 3
                                    

Gina's POV

Andito kami sa Salon ngayon ni Kimmy, and hindi ko alam kung ikukuwento ko paba sa kaibigan ko yung tungkol kay Xander e hindi pa naman niya kilala iyon

“Miss Gina, natural lang yung ganda mo noh? Infairness hindi na kailangan ng make up, effortless na yung kagandahan mo e.” ani ni Ginger

Awkward smile lang ang sinukli ko sa mga papuri niya. Nakakahiya e

“That's true Ginger, my bff's beauty are so natural. Nakaka lesbi hahaha”

Nanlaki yung mata ko sa sinabe ng kaibigan ko, yung babaeng yun talaga akala mo walang boyfriend

“Kung wala lang akong boyfriend, I will court you talaga Gina girl kaso I have boyfriend na e hahaha.”

“Che! Hahaha umayos ka nga Kimmy. Kukurutin na talaga kita.”

“Oh btw Gina girl, you told me kanina diba na you'll kuwento it to me now. Tungkol saan ba yun? Boys problem ba yan? Uuuuuuy hahaha”

“No, no. I mean, it's not what you think okay?”

Sasabihin ko ba o hindi? Aish!

“Sabihin mo na kase Gina girl”

“Oo na. Ganito kase yun Kimmy. Nung nakaraan lang, may isang lalake na naligaw malapit sa bahay and sinama talaga siya ni papa sa amin. So ayun. Nung una e napagbintangan ko siyang magnanakaw or masamang tao and ala--”

“Wait, whaaaaat? Why so mean Gina girl hahaha” pagputol ng kaibigan ko

“Hindi ko naman sinasadya, alam ko nagkamali ako kase ano e...”

“What???” pag aantay ng kaibigan ko. Excited yarn?

“Mabait naman pala siya, matulungin and maunawain. Sa bahay na rin muna siya namalagi ng ilang araw kase inaayos pa yung sasakyan niya, nasira kase ata.”

“So pano naman siya napadpad sa lugar natin? Sinabe ba niya sa inyo Gina girl?”

“Hindi ko maalala kung nakuwento ba niya yung reason bat napunta siya dito sa'tin...”

“Oh sayang naman. So pag naayos na yung car niya, aalis na siya nun?”

“Hmm. Ganun na nga...” natahimik ako saglit. Hindi ko alam pero parang apektado ako sa pag alis ni Xander

“So what's his name again? Oh wait, are you sad Gina girl? You looked sad kase e”

“He's Xander... Ha? Hindi ah. Ano kase--”

“Oops! Nah uh. Don't speak na. I already knew it. Alam ko na kung bat ka sad hahaha ikaw ah ayieeeee”

“It's not what you think Kimmy...it just, napalapit na kase siya kay papa..”

“And sayo hahaha sus hindi mo pa sinabeng “napalapit na kase siya SA AMIN” you're so obvious Gina girl. Aminin, do you like him na ba?”

Hindi ako maka sagot. Kase mismong ako, hindi ko rin talaga alam yung sagot sa tanong ng kaibigan ko

“So I'll take that as a YES. Silence means yes and you know that Gina girl hahaha. Ikaw ah--”

“Okay pretty ladies, all done now. Tumpak yung ganda niyo mga madam ha. Pati ako nale lesbi OMG hahaha” Ginger said.

“Oh thank you Ginger. Gina Girl you're so preeeeeetty”

Napa tingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng Salon. Ako ba 'to? Bat ang ganda ko

“Damn girl, we need to go home na. I want to see that guy we talked about. I also want to see his reaction about your looks right now hahaha I can't waait na Gina girl.”

“Ha? Nooo. Ayoko pa umuwi. Nahihiya ako sa itsura ko Kimmy.”

“what? Ikakahiya mo ba yung gandang meron ka. Sobrang ganda mo nga Gina girl my goodness.”

“Tama si Miss Kimmy, Miss Gina.” pagsang-ayon ni Ginger sa sinabe ng kaibigan ko

“Let's go na daliiii. Ginger balik kami soon okay.”

“No problem pretty ladies. Balik kayo anytime you want. Ingat kayo and thanks for visiting.”

“Thank you, Ginger--” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kase hinila na ako ng kaibigan ko palabas ng Salon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Totally Inlove With My OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon