"P-pa, one night stand po yong nangyar–"

"TANG-ina...! Sege ituloy mo"

Gustong-gusto na' kong sigwan ni Dad pero pinipigilan niya lang.

"Naalala niyo po nung pinipilit niyo kong sumama kay ate sa bar. Nalasing po ako at sumama sa isang lalaki. Nung magising ako ay wala na . . . . S-sa subrang takot ko ay hindi ko na nilingon ang mukha ng lalaki at agad na' kong umuwi"

Ayukong pagmukhaing sila yong may kasalanan. Pero ganun naman talaga ang nangyari, medyo binago ko lang ng kunti.

Natahimik silang lahat kaya muli akong humarap kay Dad.

"D-dad I'm sorry"

"Matanda kana Clover.... 20 ka nung mangyari yun . . . Hindi kana kailangang bantayan, pinaaalahanan, at pinagsasabihan....! Kung nasa matino kang pag-iisip ay hindi mo hahayaang mangyari yon . . . . Mataas ang pangarap ko para sayo at sinara mo yon!!"

Mabilis akong napatayo at hinawakan ang nakakuyom niyang kamao.

"Dad I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Patawarin mo' ko Dad! Please I'm so sorry dad!"

Umiiyak kong pagsosorry pero tinabig niya lang yung kamay ko at mabilis na lumabas ng kuwarto kaya wala kong nagawa kundi ang mapaupo sa sahig. Agad akong inalo ni mama at ate saka pinatayo at dinala sa kama.

"M-mom, ate I'm sorry... I'm sorry. I'm so sorry..... Hindi ko sinasadya..."
Paulit-ulit akong nagsorry habang walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.

"Aaminin kong galit ako pero nandiyan na yan eh. Hindi na mawawala yan. Hindi mo ginusto ang nangyari" Pag-aalo ni mama.

"Sis I'm sorry. Kung hindi sana kita iniwan ng mag-isa dun sa bar, hindi sana nangyari yan sayo"
Niyakap ako ni ate at nakisabay sa pag-iyak ko.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil may mga tao paring nandiyan na handa akong gabayan at intindihin. Pero hindi nun mababago ang katotohanang buntis ako, isang bagay na hindi ko matanggap. Palagi kong sinasabi na kahit anong mangyari ay hindi ako mag-aasawa. Ayuko sa lahat ay yong dumedepende, yong gigising ng umaga para pagsilbihan ang asawa, mag-aalaga ng anak, at maging taong-bahay. Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan kapag nangyari yon. Wala naman kaseng ibang mas mahalaga sa' kin kundi ang sarili ko, kaligayahan ko, at ang kalayaan ko. Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at business, maging mayamang single na walang ginawa kundi ang magpasarap sa buhay. Para sa' kin kase ay sakit lang sa ulo ang mga lalaki. Pero mukhang sa isang iglap ay magbabago ang kapalarang akala ko ay kaya kong kontrolin.

Napahawak ako sa tiyan ko at marahan yong hinimas. Hindi pa naman malaki pero ramdam kong may laman na.

"Sis, may dala nga pala akong mga damit. Mag-ayos kana"

"Uuwi naba tayo?"

Tumayo ako at hinalungkat ang dala niyang bag pero napahinto ako nang bigla niya kong hawakan sa kamay upang pigilan. Kumunot ang noo ko nang makitang nanginginig  ang kamay niya.

"A-ate"

Bigla siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Sumali narin si mama at sabay silang napahagulgol ng iyak.

"May problema ba ate? Ma? Bakit kayo umiiyak?"

Medyo napipiyok na rin yong boses ko sa muling pagpipigil ng iyak. Kahit na hindi ko naman alam ang dahilan a
ng bigla nilang pagdadrama, sure ako na hindi ang pagiging buntis ko ang dahilan.

"Anak . . . Sinubukan kong pigilan ang daddy mo pero buo na ang desesiyon niya"

"Sis, I'm sorry, nakahanda na ang mga gamit mo, hinihintay ka na ni Jake sa airport. Gusto ni dad na sa U.S ka manganak upang ilihim sa mga tao ang pagbubuntis mo"

HOLDING YOU IN MY ARMSWhere stories live. Discover now