The coast is clear.

Nilapitan kong muli ang pader na may nakasulat na code. Lumuhod at pinindot ang button. Nag teleport na naman ako doon . Kahit talaga nakapunta na ako dito noon. Nakakamangha pa rin ang itsura ng secret library room na toh.

Mabuti walang tao dito kundi patay ako. Hihi.

Inikot ko na ang aking paningin sa mga nagliliwanag na libro para hanapin ang librong kailangan ko.

Wala dito . Wala rin dito .

Napanguso ako ng walang kahit isang libro ang tungkol sa Shadow Kingdom .

Bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ang librong tungkol sa Guardians . Matapos kunin yun ay mabilis na akong nag teleport pabalik .

Phew. Mabuti na lang walang napunta sa parteng ito ng library.

Lumabas na kaagad ako ng library pero napahinto ako ng may humila sa akin.

"Hey Winter mukhang okay ka naman na, pwede na ba tayong mag-dinner together?" sambit ng taong humila sa akin walang iba kundi si Dunnie habang nakanguso ang mukha sa akin.

I giggle at her cuteness.

"Oo naman pero bat mo ba ako hinila?" tanong ko.

She just laughed .

"Yah I knew it! You pulled her that's cheating!" biglang sigaw ng papalapit na si Tim.

"Ehh?! How is that cheating?! " sigaw pabalik ni Dunnie at nagtitigan sila ng masama.

"Hey , hey guys ah tama na yan dinner na tayo tara?" pag pigil ko sa kanila .

Sabay silang tumingin sa akin at sumimangot .

"Hmph ok , so where are we going to eat?" tanong ni Tim.

Oo nga noh saan kami kakain? Ayoko sana sa maraming tao. Hindi ko naman sila kinakahiya bagkus nahihiya akong makita na kasama nila ako.

"Ahm pede ba tayong kumain dun sa walang makakita sa atin?" mahinang sambit ko.

"Why are you embarrassed to be seen with us??" mala batang sambit ni Dunnie.

"Hindi! Hindi ano nahihiya lang ako sa atensyon." pag alo ko kaagad.

"Hey, its okay we understand." mabilis na sambit ni Tim.

"W-what if ?  Let's eat at your dormitory room?!" biglang na eexcite na sambit ni Dunnie.

Agad kaming nagkatinginan ni Tim.

"Yah Dunnie your being unfair! You know I can't go there!" mala bata ring reklamo ni Tim.

Wow. Both of them are so childish.

"Well your the prince of the eastern kingdom . Can't you use your identity sometimes. Just this time. Wala ka namang masamang gagawin dun eh!" sambit ni Dunnie.

~♥~~♥~

And here we are awkward na nakaupo sa harap ng pagkaing niluto ni Rai.

Nagulat yung dalawa ni Rai at Ara ng makitang kasama ko ang dalawa sa royals.

"Hey aren't we going to eat?" basag ni Dunnie sa katahimikan.

"Shut up Dunnie." sambit ni Tim.

"What?!" sigaw nito pabalik.

I cleared my throat.

"Uhmm kain na tayo . Sorry talaga Rai hindi kita nasabihan." sambit ko.

"O-okay lang Win , kain na kayo Pr-Dunnie at T-tim." utal niyang sambit.

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now