I wonder kung galing na kaya si Thad?

Sakto namang papasok na lang ako ng bahay nang makita nga si Thad na lumabas. Bumalikwas ako at masayang binati ito.

"Good morning! Kumusta na? Galing ka na?"

"Good morning. Medyo ayos na. Kaunting panghihina na lang."

Mataman kong tinitigan ang kanyang mukha. Medyo maputla pa rin iyong tingnan, pero walang dudang gwapo pa rin talaga. Parang asawa ko lang. Kahit pa bagong gising ay walang kasing gwapo!

"Nag-umagahan ka na? Mayroon akong nilutong sopas. Gusto mo?"

"Nakahihiya na, Eren. Ayos lang ako. Makagagalaw naman na ako sa kusina. Salamat sa pag-aalala."

"Maliit na bagay."

"Nandiyan pa ang husband mo?" sabay nguso sa bahay.

Maagap akong umiling at mapaklang ngumiti.

"Maagang umalis. Marami raw trabaho sa opisina. Kahit may sakit, ayaw magpaawat naman talaga."

"Ganoon yata talaga. Kahit naman ako ay ganoon din."

"But seriously, marami naman ang niluto ko."

"No, Eren—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Dali-dali akong dumiretso sa kusina at sumandok ng sopas sa mangkok. Nang makatapos ay agad na rin akong lumabas at naabutan pa rin naman si Thad na naghihintay doon.

"Nakahihiya na..." nakangiwing aniya habang nagkakamot ng ulo.

Umiling ako at inabot sa kanya ang bowl ng sopas. "Kainin mo na habang mainit pa."

"Ang dami ko ng utang sa 'yo. Salamat dito, a," aniya habang inaabot ang bowl.

Nakangiti akong umiling. "Don't mention it. Sige na, kainin mo na."

"Thank you."

Kumaway ako at agad na ring tumalikod. Ayoko namang makaabala nang husto sa kanya.

Natapos ang aking buong maghapon na parang wala lang. Kung papaanong tinagalan ko ang ganitong buhay sa napakatagal na panahon ay hindi ko rin alam ang sagot. Basta ang sigurado ko lang, tinitiis ko lahat para sa asawa ko.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at muling pinahaba ang leeg habang nakatanaw sa balcony. Madilim na at tanging mga ilaw na lang sa kalye ang natatanaw ko. Hindi pa rin sumasagot si Christoff sa tawag ko kung kaya 'di ko malaman kung kakain na ba ako o papaano. Mukhang mag-isa na naman akong kakain kapag nagkataon.

"Hey... Wala pa ang asawa mo?"

Halos mapatalon ako sa boses na iyon. Hinaplos ko ang tapat ng aking dibdib at pinandilatan si Thad na noo'y nasa balcony rin.

"Ginulat mo naman ako!"

"Oh, sorry..." natatawa pang aniya. "Hindi ko sinasadya. Kumain ka na?"

Umiling ako. "Hindi pa nga, e. Hinihintay ko ang asawa ko pero mukhang gagabihin na naman, e," malungkot kong sagot. "Ikaw ba?"

"Malungkot kumain mag-isa kaya wala pa akong gana," mapait pa niyang sagot sabay buntonghininga.

"Naku, may sakit ka. Dapat kumakain ka sa oras para makainom din agad ng gamot."

Ngumiwi siya at nagkamot ng ulo. "Mahigpit ka pang magbilin sa asawa ko."

Humalakhak ako. "Naku, kung ako ang asawa mo, batok sa ulo ang mapapala mo!"

Tumawa siya at tumango-tango. "Buti na lang at hindi ikaw ang asawa ko. Nakatatakot ka pala!"

Ngumuso ako at umirap. "Parte ng pag-aalaga 'yon, 'no!"

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon