"Oo naman. Bakit?" Nagtataka kong tanong

"STRESS, Allihza. STRESS ang trigger para makabalik si Vester, wag siya masyadong mag overthink about sa past traumas niya. Kasi there is a big chance na baka biglang bumalik si Vester!" Sagot ni Maxine

Stress? All this time? STRESS?

"Sige, tatandaan ko yan.." Tango ko

"Kung bumalik man si Vester, pagpasensiyahan mo nlang ang gago na yun!" Iling na saad ni Maxine kaya tumango nlang ako "Mabait naman sana si Vester eh! Kung hindi lang siraulo.. Hayss!" Puna pa nito

"Ewan ko ba dun! Masyadong lapitin sa gulo!" Kibit balikat nito

Tama si Maxine, MABAIT si Vester kung hindi lang SIRAULO

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊
𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
"I think Maxine is right!" Sang ayon ni Steph "Stress, can make Stell trigger to Vester!" Dagdag nito

"Oh, ilayo mo sa stress si Stell kung ayaw mo maging Vester uli yan!" Payo ni Stephanie "Unless, you want Vester back?"

"What? That's nonsense Stephanie! Why would I rather make Vester comeback?" Tanong ko

"Baka kasi nagkaka-feelings ka na?" Usisa nito

"Tss, that's crazy!" Puna ko

"Oh bakit? Anong masama magka-gusto kay Vester?" Nanga-asar na tanong ni Stephanie

"Kasi may boyfriend ako?" Alinlangan kong sagot

"If that's your reason, walang masama! Kasi si Vester.. ALTER lang yan! ALTER! Which means...sila Stell at Vester ay iisa!" Dada ni nito

"Dami mong alam!" Puna ko

"Mahal? Nandiyan ka na pala!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Stell galing sa kusina at papunta siya sa gawi ki kaya sinamaan ko ng tingin si Stephanie

Kinabahan ako baka narinig niya yung usapan namin, lagot na!

"Anong pinagu-usapan niyo? Ba't parang gulat na gulat ka?" Tanong ni Stell kaya napaubo si Stephanie

Kinurot ko ang tagiliran nito para tumigil siya sa kung ano mang trip niya!

"Wala lang yun Stell!" Sabat ni Stephanie "Friendship goals!" Dagdag nito

May pa friendship goals pang nalalaman, halata namang ipapahamak ako!

"Saan ka galing Mahal?" Tanong ni Stell kaya nagisip ako ng palusot ko

"Ah, may nilakad lang!" Pagpa-palusot ko

"Dapat nagpa-alam ka sakin para di ako mag-alala!" Saad ni Stell

"Oh, maiwan ko muna kayo dito! Baka maka-abala pa ako sainyo eh!" Pamamaalam ni Steph at umakyat sa taas kaya naiwan kami ni Stell sa baba

"Mahal" Sambit ko "Kung may problema ka, wag ka mahiyang mag open up sakin ha?" Payo ko kaya tumango si Stell

"Opo.." Tangi sagot nito at hinalikan ako

Kailangang ilayo natin si Stell sa stress! Yun na yun...

𝐒𝐭𝐞𝐩𝐡𝐚𝐧𝐢𝐞'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Edi sila na may jowa!

Tanggap ko! Isa ako sa makiki SANA ALL nyeta!

Ako na tong umaasa na magkakagusto sakin yung gamer na si JoshCullen!

Di kaya destined together talaga kami ni Ha Yoon Chul? AWIEEEE!

Teka, kaka kdrama ko na toh!

Pagsapit ng gabi, around 11:30... Nanonood pa din ako ng kdrama. Walang tulugan toh mga mare!

"Last episode nlang ito pramis!" Saad ko sa sarili ko

Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Halos mabingi na ako sa sobrang tahimik ng sala!

Pagdating ko sa kusina halos mamatay ako sa gulat nang makita kong may tao doon!

Si Stell lang pala jusq!

"Stell! Jusq ka, ikaw lang pala!" Sambit ko

"Ayy, sorry kung nagulat kita!" Saad nito kaya tumango ako at kumuha ng tubig

"Ba't gising ka pa?" Tanong ni Stell at tiningnan ako

"Ah, may pinapanood pa ako!" Saad ko

"Wag ka magpuyat, lalo na't maling tao pa ang pinagpupuyatan mo!" Puna ni Stell

"Lah, kailan ka pa natutong humugot sa buhay mo Stell?" Biro ko kaya natawa na lamang ito

"Ikaw? Ba't gising ka pa? Atsaka anong ginagawa mo?" Sunod sunod na tanong ko rito

"Ah, gusto ko lang magkape!" Sagot nito

Gabing gabi? Nagkakape? Makatulog kaya siya niyan?

"Ah, sige sige.. Akyat na ulit ako---" Saad ko at tinalikuran siya pero napagtanto ko na...

"Stell, nagkakape ka pala?" Gulat kong tanong at humarap uli sa kanya 

Humarap ito sakin at nabalot kami ng katahimikan

Knowing Stell, hindi ito umiinom ng kape! I know hindi niya habit ang magkape, hindi siya nagkakape!

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟓

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now