"Sama ako ah!" Pamimilit ni Mitch sa'kin. Nasa gitna kami ng trabaho ngayon at narinig niyang balak namin na pumunta sa bar mamaya pag tapos ng shift ko.

"May magagawa ba ako?" Sagot ko sa kaniya.

She grinned at me. "Kung hindi niyo natatanong, suki ako ng Bar house 'no!"

"Alam ko."

Madalas ko nga siyang nakikita ro'n. Pero tuwing naaabutan ko siya, palagi siyang may kayapusan na lalaki. Minsan naman may kahalikan. Kaya naman, tuwing nakikita ko siya ro'n, hindi ko nalang siya pinapansin.

"Marami akong mga kakilala ro'n! Panigurado mabibigyan kita!"

"No. Thanks."

"Kailangan may reserba ka. Hindi 'yang Paul lang na 'yan." Pag turo niya sa lamesa nila Paul gamit ang bibig niya.

I rolled my eyes. Palagi niya akong binibiro kay Paul. Sinabi ko naman na sa kaniya na walang namamagitan sa'min ni Paul dahil focus nga raw si Paul sa mga ginagawa niya. At gano'n din ako.

"Huwag ka nalang kaya sumama?" Mataray kong sabi kay Mitch.

Agad siyang nag peace sign sa akin at gumawa na ng mga kailangan niyang gawin.

May paminsan minsan na naiiilang ako sa pagtratrabaho dahil tinatawag ako nila Louisa. Pero, hindi rin nag tagal, natapos din kami.

Nag madali silang mag ayos para makapunta na kami sa Bar house.

And like what Mitch said, nasa labas palang kami, marami ng mga lalaki ang tumatawag sa kaniya.

"Palagi ka ba talaga rito?" Bulong ko kay Mitch.

Minsan lang ako sumasama kila Louisa pag pumupunta rito. At sa minsan na 'yon, maraming mga pagkakataon na nakikita ko si Mitch.

She chuckled. "Not really. Siguro nagpapahinga naman ako ng mga dalawang araw sa isang linggo."

Humalakhak si Louisa na nasa kabilang gilid ko. Narinig niya yata ang sagot sa'kin ni Mitch.

"Ipakilala mo ako sa mga boylet mo, huh." Si Louisa.

Kita ko ang pag kunot ng noo ni Mitch. "Huh? Hindi mo ba boyfriend si Waylon?"

"Kilala mo si Waylon?"

Agad na tumango si Mitch.

"Oo.. rati kasi pumupunta sila sa coffee shop." Sagot ko kay Louisa.

"Ahh.. hindi ko boyfriend 'yon Mitch."

Tumango si Mitch at ngumisi. "Talaga? Gustong gusto 'yon no'ng minsang nakakasama ko rito sa bar. Hindi niya lang malapitlapitan kasi nasayo ang paningin."

Agad nanlaki ang mga mata ko. Alam kong may kung anong namamagitan kay Waylon at Louisa pero hindi ko alam na minsan din palang nandito si Waylon.

Kita ko ang pag pula ng mukha ni Louisa dahil sa sinabi ni Mitch. Agad naman siyang nag lakad papunta kay Anthony na nakahanap na ng lamesa namin.

Medyo maayos naman ang naging nangyari sa gabi naming iyon. Gaya ng dati, umuupo lang ako roon sa couch kasama si Paul at minsan namang nakikipagusap sa mga ilang lumalapit. Pero kapag napapansin ni Paul na hindi maayos ang kausap ko, agad niyang kinukuha ang atensyon ko.

"Are you tired?" Bulong ni Paul sa'kin para marinig ko ang sasabihin niya.

Halos mag iisang oras na kami rito sa bar house. Si Louisa at Mitch nando'n na sa dance floor. Medyo napagod ako kahit sila naman ang nakikita kong natalon at nasayaw sa gitna.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now