II-Today Was a Fairy Tale

14K 88 3
                                    

Fast forward na tayo...

After almost five months ng panunuyo ni Ethan sa akin ay naging kami. Sinagot ko sya nung minsang lumabas kami para mag-date sa ice cream shop.

Wala naman kasi sigurong masama dahil ever since nagkakilala kami, wala syang ginawa kundi pangitiin at pakiligin ako.

Never syang nakipagmeet at nakipagdate sa kin nang walang dalang surprises like flowers or kahit chocolates man lang. Nararamdaman ko na ngang nadadagdagan ang timbang ko kakabigay nya ng pagkain kaya sinabihan ko sya na okay lang kahit wag nya na akong bigyan ng kahit na ano sa tuwing lalabas kami pero wala eh. Makulit. Nagdadala pa rin sya at minsan pinapadala pa sa akin sa class room ko.

Sweet di ba? Kaya nga napagdesisyunan kong sagutin na sya. Syempre, dahil na rin sa umpisa pa lang eh may naramdaman na talaga ako sa kanya.

-

-

-

Araw ng Linggo... Second monthsary na namin...

Sa sobrang puyat ko nung Sabado ng gabi kakasagot sa take home exams namin sa Philo eh tanghali na ako nagising. Bandang alas onse ng umaga ay naalimpungatan ako sa kalabog sa pinto ng kwarto ko.

"Sunoooooooooog!"

P*tangina! ._.

Dali-dali akong nagsuot ng damit dahil naka-underwear lang ako kung matulog. Di ko na alam kung tama ba ang pagkakasuot ko at kung malinis ba ang nasuot ko. Nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa mga mutang namuo kaya hindi ko maidilat nang tuluyan ang nga mata ko. T*ngina! Kapag minamalas ka nga naman oh!

Pagkasuot ko ng damit ay kumaripas ako ng takbo sa pinto ng kwarto ko at dali-dali kong binuksan.

Bumungad sa pintuan ko ang magaling kong nanay na nakangiti nang nakakaloko.

"Buti naman at nagising ka na rin sa wakas?" Sabi ni Mama na may kahalong tawa.

"Ano?!" Halos pabulyaw na sabi ko.

"Aba kanina pa kita ginigising wa epek pa rin. Sinundot ko na pwet mo't lahat eh humihilik ka pa din. Hahahaha" -Mama

"Bwiset" -_________-

"May sinasabi ka?" -Mama

"Wala pooooooo!"

Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako habang dahan-dahang hinihila ang door knob para isara ang pinto nang pigilan ni Mama ang pagsara ko nito.

"Ano na naman ba, Ma?"

"Nakalimutan kong sabihin sa 'yo. May bisita ka nga pala."

May narinig akong mahinang tawa at biglang tumabi si Mama at nun ko lang napansin na may tao pala sa likod nya. Si Ethan.

._____________.

Blaaaaaaag!

Biglaan kong sinara ang pinto. T*ngina nakakahiya!

Nakita nya akong mukhang tanga.

Tumakbo ako sa CR ng kwarto ko at dagling naghilamos. Tiningnan ko ang suot ko. Bali-baligtad na shorts na hindi ko naisara sa sobrang pagmamadali at sa pantaas naman ay mistulang fish net na pamatong na ginagamit ko pag pupunta ng beach. Litaw ang bra kong kulay purple.

P*tangina

Wala na talaga akong ibang masabi kundi, p*tangina.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Having Sex With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon