just another chapter

7 0 0
                                        

time travel, last updated: april 16, 2016


Panimula


November 18, 2024

6:15am

Mabagal ang pagkumpas ng kamay ng orasan

Sa bawat segundong dinadaanan nito.

Dinaramdam ang bawat sandali.

Hinihimay.

Nilalasap.

Tik. Tak.

Marahan niyang kinulayan ang kaniyang labi gamit ang pulang lipstick. Matapos itong gawin ay tinitigan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Hinawi ang hibla ng mahaba niyang buhok na tumabing sa kanyang pisngi at nang masigurong handa na ay agad siyang tumayo at binitbit ang Louis Vuitton na bag.

9:00am

Patuloy ang mga kamay ng orasan sa pagkumpas.

Hindi iniinda ang bawat kilos ng mga tao.

Dire-diretso.

Walang pakialam.

Tik. Tak.

Sunod sunod ang paglapat ng kanyang mga daliri sa keyboard habang ang mga mata ay matamang nakatingin sa monitor upang siguraduhin ang bawat numerong kanyang tinitipa. Sa gilid niya ay makikita ang isang tasa ng malamig na kape at cellphone na maya't maya kung mag-vibrate.

12:55pm

Mabilis ang pagtakbo ng oras.

Unti unting nang-iiwan.

Unti unting nawawala.

Tik. Tak.

Isang subo sa kutsarang naglalaman ng mamahaling pagkain. Sa loob ng isang sikat at kilalang restaurant. Sa isang mesa. Mag-isang kumakain.

3:06pm

Sandali.

Hintay.

Teka lang.

Ang oras ay tumigil.

Tik.

Puro preno at reklamo mula sa mga pasehero ng pampublikong sasakyan ang maririnig. Mataas ang sikat ng araw.

Tak.

Itinaas niya ang kaliwang braso at tiningnan ang relo. 3:06pm

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata kasabay ng isang buntong hininga. Tinitigang muli ang kahabaan ng mga sasakyan mula sa bintana ng sasakyan. Matapos ang ilang Segundo ay kinuha niya ang kanyang bag at agad na binuksan ang pintuan.

"I'll go now. Just bring the car in the office. " tungo lamang ang itinugon ng kanyang driver bago niya tuluyang isara ang pinto.

Tik. Tak.

Agad na pumaso sa kanyang balat ang init ng araw pero ininda na lamang niya iyon. Ilang gusali na lamang ang layo ng kanyang opisina kaya naman nagsimula na nyang lakarin ang kahabaan ng kalsada. Nilagpasan ang bawat sasakya at taong nadaraanan habang patuloy sa pagtingin sa relo.

3:06pm

..5..

..4..

Agad niyang tinahak ang tawiran ng marating niya ito.

draftsStories to obsess over. Discover now