"Tsskk!! Ayaw mo akong magkasakit? HAHA seryuso ka?"

Alam kung nasasaktan sya. Kaya nasasaktan din ako. Ayuko nang makita sya nang ganito dahil sobrang sakit din nang nararamdaman ko.

"Sorry. Yong nakita mo-."

"Ba't ba ang daling sabihin sa inyo nang sorry. Yong nakita ko kanina ok na'yon, salamat nalang sa inyo huh? Kasi ito ako. Basa sa ulan dahil sa kalandian nyo. Kahit nasasaktan ako. Kita mo 'to?"tinuro nya ang puso nya.

"Sobrang masakit dito, alam mo kung bakit? Kasi gusto kita mahal kita. Pero yong pagmamahal na'yon ang nagtulak sa'kin na masaktan ako."

Gusto ko syang lapitan at yakapin. Tapus punasan ang luha nya na kanina pa tulo nang tulo.

"My-mystein?"

"Bakit kyle? May ginawa ba ako sa'yu para paglaruan mo ako?Pinaglaruan mo ako dahil sa ugali ko tama ba? Pinaglaruan mo ako para masaktan ako tama ba?"


"No!"


"Then why? Ba't mo ginawa sa'kin to? Bat mo ako sinasaktan nang ganito. Ikaw ang sandalan ko sa tuwing napapagod ako kyle.. Pero hindi kuna alam. Sana pala?? Sana pala di nalang kita nakilala noh? Kasi sobrang sakit dito. Alam mo ba... Alam mo ba sinabi ko sa sarili ko.. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal nang iba kasi ikaw lang ang nasa puso ko. Nagtataka nga ako eh alam mo 'yon?"

Nanatili akong nakatitig sa kanya , dahil kahit pati ako naiiyak nadin. Ganito pala ang feeling na makita mo 'yong taong mahal mo sa gitna nang ulan. Sobrang sakit pala kung ano 'yong sakit na nararamdaman nya. Ganon din ang sakit na nararamdaman ko. Nguniti sya saka pinunasan ang luha nya.


"Alam mo ba kung ba't ako umiiyak? Kasi pakiramdam ko talo ako. Talo ako sa laban na hindi ko alam kung nag simula na. Ginawa ko naman ang lahat eh. Pero ba't di padin naman sapat.. Hindi ko matanggap eh nasa kabila nang pagiging matapang ko deep inside duwag pala. Na sa kabila nang pagiging cold ko deep inside marupok pala. Na sa kabila nang pagiging tahimik ko deep inside nasasaktan na pala."


"Pw-pwede bang pakinggan mo nuna ako?"

"Umalis kana, nasabi kuna lahat ang pwede kung sabihin. Nasabi kuna lahat kyle kaya hayaan muna ako dito paki-

Binitiwan ko ang dala kung payong saka lumapit sa kanya at hinalikan ito. Dahilan para madinig ko ang hiyawan nang lahat kahit umuulan

Pero habang hinahalikan ko sya m nararamdaman ko yong lasa nang mga luha nya. Umiiyak padin sya hanggang ngayon.

Napapikit ako nang maramdamang tumugon ito sa mga halik ko. Hinawakan ko sya sa beywang at naramdaman kung nasa batok ko ang mga kamay nya.

Sobrang lambot nang mga labi nya. This is not my first kiss. Pero ito ang unang halik na may halong pagmamahal. At sobrang hindi ko ito pinagsisisihan.

Pareho kaming napabitaw nang pareho kaming mawalan nang hininga.

Hinawakan ko sya sa mukha.

"Gusto kita ay hindi pala, mahal na mahal kita at kung sa tingin mo niloloko kita hindi totoo iyon. Yong nakita mo kanina ginawa kulang yon para layuan na ako ni alex. Kaya makinig ka sa'kin ikaw ang mahal ko ok? Mahal na mahal kita."

Saad ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ako pero biglang dumating si mr Briosos ang assestant dean.

"Dalawang araw kang tatayo dito ms Valdez order nang principal."

"What!"
Gulat at may halong galit na tinanong ko iyon dito.

"Dalawang beses kang nakipaghalikan sa King na pagmamay-ari nang queen. Kaya naman doble ang parusa mo. At ikaw naman Mr salvador di kaba nag iisip?"

Napakunot noo ako.

"Hindi mo ba iniisip na dahil sa'yu pwede tuluyang mapahamak ang babaeng minamahal mo. She's highest supreme sabihin na nating protektado ka nya kaya di ka napapahamak. Pero mr Salvador sigurado kabang hindi sya mapahamak dahil sa'yu?"

Napatingin ako kay mystein. Saka hinawakan ang kamay nya.

"Proprotektahan namin ang isa't isa. Kaya paki usap huwag na sanang umabot na pati kayo pipigilan kaming dalawa."
Saad ko.

"Hindi ko ugali yan Mr, gusto kulang kayo maligtas pero kung yan ang disisyon nyo it's ok. Sige una na ko."

Tinitikan ko ito hanggang sa makaalis. At binalik ang tingin kay mystein na may halong pag aalala.

"Ayos lang ako. Umalis kana at mag bihis baka lagnatin ka."
She said.

Nag aalanganin akong umalis dahil ayukong iwan sya mag isa don. But Yes,  umalis padin ako kasi utos nya.

____

A|N: Hintay tintay lang sa update mga Skies. Busy na ako at ang chapter 45 na type kuna pero di kupa iuupdate sa ngayon thank you and goodbless.

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon