Chapter 1

2 1 0
                                    

"Ate, ito po 'yong tuition ko ngayong pasukan." iniabot sa akin ni Kendra ang registration form niya.

Mataman ko itong tinitigan. Tumango lang ako bilang tugon.

"Ah, ate, kasi, may balance pa po ako noong nakaraang semester ate."

Napalingon akong muli dito. "May balance ka pa? Akala ko nabayaran na natin 'yon bago matapos ang klase?"

"Ginamit ko po kasi sa final project namin 'yong binigay mong pera. Saka binigyan ko rin si Kian ng pambayad niya sa miscellaneous fee niya." dahilan nito sa akin.

"Opo ate, hindi pa rin kasi natin nabayaran yung miscellaneous ko, ayaw po akong bigyan ng final exam. Kaya lumapit na ko kay Ate Ken."

"Oh sige. Hanggang kailan ba 'yan, Ken?"

"Hanggang sa Biyernes na lang po, ate." tila nahihiyang sagot nito sa akin.

"Sige. Ibibigay ko sa'yo mamaya pagkauwi ko."

Pinagpatuloy ko na ang aayos ng lunch ng mga kapatid ko sa eskwela. Si Kendra ay first year college na. Si Kian naman ay Grade 11 at si Katie naman ay Grade 6. Simula nang namatay si Mama ay ako na ang naiwang nag-aasikaso sa kanila.

"Ate, payagan mo na kasi akong magtrabaho para makabawas sa mga gastusin natin."

"Napag-usapan na natin yan, Kendra 'di ba?"

"Kaya lang ate, sobrang dami mo nang inaalala. Madali lang naman 'yong trabaho na inaalok sa akin ni Mica."

"Huwag na. Hindi mo kailangang magtrabaho. Babayaran natin 'yong balance at tuition mo bukas."

Wala na itong nagawa sa usapan namin. Ayaw ko lang naman na maranasan nila ang hirap na dinanas ko noong nag-aaral ako habang nagtatrabaho. Gusto kong magfocus sila sa pag-aaral nila.

Nang makaalis ang mga kapatid ko, nagbasta naman ako para makapasok na rin.

"Hija." Tawag sa akin ng aking ama na nakahiga sa sofa. Masama na naman ang pakiramdam nito. Matagal na itong retiro sa pagtatrabaho bilang driver sa pinapasukan kong kompanya ngayon. Personal Driver siya ng ni Mr. C noong kabataan nito kaya naman, nagbakasakali na rin akong mag-apply noong nabalitaan kong may mga vacant positions sa kompanya.

Sa ngayon, walong buwan na akong nagtatrabaho bilang personal assistant ni Mr. Caleb Henriquez III o Mr. C, ang dating boss ng aking ama.

"Po?"

"Heto ang aking ATM, i-withdraw mo ang laman para makadagdag sa panggastos natin."

"Huwag na po, Pa! Huwag niyo pong alalahanin ang mga gastos natin. Magpagaling lang po kayo. Pambili mo iyan ng gamot."

Tinitigan ako sa mga mata. Tila may nais na sabihin, "Salamat, anak."

Hinawakan ko ang kamay nito. Matagal rin naman siyang nagtrabaho para sa amin. Nakita ko ang hirap niya noong mag isa na lang siya na binubuhay kaming apat niyang anak.

Mahigit sampung taon na rin mula nang nagretiro ang aking ama sa trabaho. Nakatanggap siya ng malaking halaga bilang retirement pay at dahil na rin sa mahabang taon ng serbisyon niya rito. Malaking tulong ang natanggap niya upang mabili ang lupang kinatitirikan nitong bahay namin ngayon. Matrikula lang talaga ng mga kapatid ko ang pinagkakagastusan ko, pagkain sa bahay at utilities.

Sa katunayan, nakatabi pa ang perang ibinigay sa akin ni papa noong nagretire siya. Kapag nagigipit kami, o kaya may emergency may nadudukot akong pera. Mas maluwag na rin naman kami sa pera simula noong magkaroon ako ng trabaho sa Henriquez Group of Companies.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now