Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpatianod na lang ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa kotse n'ya. Marahan n'ya akong iginiya papasok sa loob ng kotse saka agad ding umikot at sumakay.

Nanatiling tahimik na lang si Eric saka nagsimula ng magmaneho. Hindi na lang din ako nagsalita habang patuoy na lumuluha. Natigilan lang ako nang makitang inabutan ako ng panyo ni Eric.

"Mamaya na kita kakausapin. Umiyak ka na lang muna kung gusto mo," sabi nito habang nasa daan pa rin ang tingin.

I took it from him even though I was hesitating at first. Eric is my long-time friend but I don't want him to see me like this. Si Pirius lang ang nakakakita ng ganitong side ko... kay Pirius lang ako nasanay.

"We're here," anunsyo ni Eric saka agad na bumaba ng kotse n'ya.

"W-Where are we?" I asked as I roamed my eyes around the place.

"My house... So, let's go?" he asked and held my wrist.

I just let him pull me inside. Nanghihina na rin naman ako. Pakiramdam ko naiwan ko ang lahat ng lakas na natitira sa akin sa kompanya ni Pirius... Inubos ng eksenang nakita ko kanina ang natitirang lakas ko.

"Sit here... Ikukuha kita ng tubig," sabi ni Eric saka pinaupo ako sa couch.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya. Malamlam ang mga mata na nilibot ko ng tingin ang bahay ni Eric. Mukhang bago lang ang bahay na 'to dahil kaunti pa lang ang gamit. Simple lang din ang disenyo at maaliwalas naman tingnan.

"Here's your water."

Napatingin ako kay Eric. Umupo siya sa tabi ko saka inabot sa akin ang tubig. Kinuha ko na lang 'yon saka napaiwas ng tingin sa kan'ya.

"Now, tell me what happened," seryosong sabi nito.

Napahawak ako nang mahigpit sa baso at napatitig sa tubig. Muling bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko ang tagpong bumungad sa akin kanina.

"Nanlalamig na sa 'kin si Pirius... P-Pakiramdam ko, hindi na n'ya 'ko mahal. M-May iba ng nagpapangiti sa kan'ya ngayon. Wala na siyang interes sa akin. W-Wala na 'yung dating pagmamahal n'ya sa 'kin."

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko sa muling pagluha. Nanginginig na naman ako at natatakot akong mabitiwan ko ang baso. Mukhang naramdaman naman 'yon ni Eric kaya kinuha n'ya iyon mula sa akin saka inilapag sa mini table.

"A-Ano'ng gagawin ko, Eric? Sinasampal na sa akin na hindi na 'ko mahal ni Pirius. Sinasampal na sa mukha ko na may iba na siya... na hindi na ako. P-Pero natatakot ako na mawala siya sa 'kin dahil hindi ko kaya. Hindi ko talaga kakayanin, Etic... Alam kong ang tanga tanga ko sa paningin mo ngayon... pero iyon ang totoo. H-Handa akong gawin lahat para lang mahalin n'ya ulit ako. Handa akong magpakatanga, Eric. G-Gano'n ko siya kamahal."

Hindi ko na nakontrol pa ang mga luhang nag-uunahang kumawala mula sa mga mata ko... I'm scared of my own words. I'm scared because I know it's true. I don't care if I lose everything I have, even my pride... but not Rius. I don't want to imagine my life without him.

He's my whole life... He's everything to me.

"Tangina... Ang tanga naman n'ya kung ipagpapalit ka pa n'ya sa iba," mahinang usal ni Eric saka marahang hinaplos ang buhok ko.

Hindi ako nagsalita. Patuloy lang akong lumuluha habang nakatitig sa sahig. Pakiramdam ko wala ng kahit anong pumapasok sa isip ko sa mga oras na 'to... Nangingibabaw ang sakit at takot sa sistema ko. Parang wala na 'kong ibang naiintindihan pa.

"Faith... look at me," Eric muttered and held my shoulder. He made me face him and stared at me. "Tatanungin kita... Sa tingin mo ba talaga hindi ka na n'ya mahal? Hindi ko siya kinakampihan pero ang Pirius na nakilala ko, walang balak pakawalan ka o magmahal ng iba... Sigurado ka na ba?" tanong n'ya pa.

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon