Chapter Seven

62.9K 2.4K 1.2K
                                    

WARNING: If you hate stupid and martyr characters, this story is not for you. Itigil mo na agad pls, para sa ikatatahimik ng kalooban mo.




* * *

Nakahiga lang ako sa kama habang hinihintay ang tawag ni Pirius. Ngayon na dapat siya uuwi dahil ika-two weeks na simula nang umalis siya. Excited na talaga ako dahil miss na miss ko na siya... Sasalubungin ko talaga agad siya ng yakap at halik pag-uwi n'ya.

Agad akong napabangon nang marinig kong tumunog ang phone ko. Agad kong tiningnan ang tumawag pero nadismaya rin ako nang makitang si Denise lang pala ang natawag... Isa siya sa mga naging kaibigan ko na rin. Girlfriend siya ni Xceron na isa rin sa miyembro ng feroci. 

"What?!" I asked, super irritated. 

"Wow! Galit agad?! Wala man lang hello?" reklamo n'ya sa kabilang linya.

I just rolled my eyes and sighed. "What do you need ba kasi?"

"Wala naman. Pupunta kami sa mall nina Kiara bukas. Sama ka? Manlilibre ang rich ladies natin kaya sumama ka."

"Busy ako, next time na lang ako sasama," sabi ko na lang saka muling humiga sa kama.

Ngayong gabi o bukas ang uwi ni Pirius kaya hindi ako makakasama sa kanila. Nasama lang naman ako sa kanila sa tuwing wala siya. Kapag nandito na si Pirius, hindi ako nasama muna kung kani-kanino dahil palagi siyang naalis. Kailangan naming samantalahin ang moment na magkasama kami. 

I just closed my eyes and sighed after that short conversation with Denise. I should be doing my scheduled designs right now. But I couldn't focus on my work knowing that Pirius will call or come home any minute. Masyado kong inaabangan ang pag-uwi n'ya kaya hindi rin ako nakakapagtrabaho nang ayos. 

"Fuck, Denise..." I muttered when my phone rang again... Malamang mamimilit na naman 'yon sa mall.

Agad kong sinagot ang tawag at naiinis na inilapit iyon sa tainga ko.

"Ano ba?!" asik ko. 

Hindi agad siya sumagot sa kabilang linya. Napakunot na lang ang noo ko dahil himala yata na may oras na natahimika ang babaeng 'to. Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung namatay ba ang tawag pero gano'n na lang ang gulat ko nang pangalan ni Pirius ang nakalagay ro'n. Agad akong napabalikwas ng bangon at napatikhim.

"Ahm... are you mad at me, wife?" tanong nito sa malambing na boses. 

"N-No! I'm not mad at you, love... Akala ko lang kasi si Denise ang tumawag. I'm sorry," I mumbled and bit my lower lip. 

Narinig ko lang ang boses n'ya para ng nanghina ang mga tuhod ko. Nakakapagtaka na ganoon pa rin ang epekto n'ya sa akin kahit ilang taon na ang nakalipas sa relasyon namin... mahal na mahal ko pa rin siya at hindi man lang 'yon nabawasan nang kaunti sa mga nakalipas na taon. 

"Wife... I'm sorry but I think this will extend. Baka two weeks pa bago ako makauwi ulit. I'm sorry," hinging paumanhin n'ya. 

I was disappointed... but I just smiled although he couldn't see me right now... "It's fine, Rius. Basta palagi ka lang tatawag sa akin para hindi ako nag-aalala, hmm? Mag-iingat ka palagi riyan saka h'wag mo kakalimutang magpahinga," sabi ko na lang habang pilit na itinatago ang pagkadismaya sa boses ko.

"You too, wife. Don't drain yourself too much and don't worry, I will always call you... Sorry dahil hindi ako makakauwi agad. Babawi ako pag-uwi ko. Hmm?"

I just chuckled and hugged my pillow. "Make sure you'll do because I really missed you... like hell." I sighed. "Can't wait to finally kiss and hug you... I will wait for you, love," sabi ko na lang saka muling humiga sa kama. 

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Where stories live. Discover now