Buti nalang at nakita ko ang tatlong tukmol na papunta sa lamesa namin.

Ipapadala ko muna 'tong si Clyde.

"Clyde, let's go! Basketball lang saglit!" Pagyayaya ni Nate.

Agad kong hinawakan ang braso ni Clyde para patayuin siya.

"What?" Taka niyang tanong.

"Sumama ka muna sa kanila. May paguusapan lang kami ni Louisa."

"You can both talk to each other. I'm not doing anything." Nakakunot ang noo niya.

Hindi kasi ako kumportable. Buti kung mga katarantaduhan lang 'to ni Louisa.

Seconds passed. I think he already understand me bacause he groaned. "Fine."

Tumayo na siya roon at hinayaan na niyang akbayan siya ng mga kaibigan niya.

Nang sa wakas, wala na si Clyde tabi ko, ibinalik ko na ang tingin ko kay Louisa na medyo irita na ang mukha.

"Paano mo ba siya nahuli?" Pagtatanong ko. Baka naman kasi mali lang nang pagkakaintindi si Louisa.

"I saw him with a girl. Papasok sila ng condo and I am sure that, that is his condo," pagkukwento niya. "Bakit naman siya magdadala ng ibang babae sa condo niya? At... Nakaakbay pa siya roon."

"Did you see that on your own eye?"

"Yes!" Agad niyang sagot.

Shit. Mukhang totoo nga.

"Then.. move on!" Sabi ko sa kaniya na para bang ang dali lang gawin ng mga iyon.

"How can I do that? Raz already rent all the spaces in my heart and mind! God! How can I pass this exam?"

"I will help you," pag offer ko sa kaniya. Sa tingin ko'y ito lang ang maitutulong ko sa kaniya.

She groaned. "Waylon already gave me all his reviewers. Hindi lang talaga ako makapagfocus na mag-aral."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Waylon?" Iyong tahimik na 'yon?

"Oo! The nerd!"

"Kinakausap ka niya?" Taka kong tanong.

"Oo..." She said while nooding her head. "Siya iyong nag sabi sa akin na may babae si Raz. Noong una, hindi ako naniniwala sa kaniya. Pero noong sinabi niyang puntahan ko iyong condo para malaman ko na totoo, doon ko napagtanto na napakawalang hiya talaga no'ng Raz na 'yon!" Galit niyang kuwento sa akin. "May pasabi sabi pa siyang may project sila. Jusko, ibang project naman pala ang ginagawa. Dapat dati palang talaga inalam ko na, e. Bakit kasi hindi ako naniwala sa mga hinala ko!"

Nakatingin lang ako kay Louisa habang padabog niyang hinahampas ang lamesa.

Gusto kong ilabas niya lang iyang mga nararamdam niya.

Medyo taka pa rin ako dahil kinausap siya ni Waylon. At saka, sinabihan pa siya na niloloko siya ni Raz. Kailan pa 'yon nagkaroon ng pakealam sa buhay ng iba? Kahit nga pag sagot ng oo tamad siya.

Ang dami kong gustong itanong kay Louisa tungkol doon. Pero base sa mga galit at inis na nararamdan niya, mas maganda siguro na pigilan ko muna ang pagkakuryoso ko at hayaan ko munang matapos siyang magluksa sa pangbababae ni Raz.

Mabilis na natapos ang klase namin ngayon dahil 'yong iba naglelesson lang. Pero, mayro'n kaming isang klase kanina na nagpasurprise quiz. Buti na nga lang at nakasagot ako. Gano'n din si Clyde pero sa kasamaang palad, natawag din si Louisa at gaya ng inaasahan niya, wala siyang naisagot.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now