Iyong halikan pa nga lang na nangyari sa'min ni Clyde noong lasing siya hindi ko na nakaya ang kahihiyan, more of that pa kaya?

"I need to sleep now, Daph," pagpapaalam sa'kin no daddy. Sinabi ko kasi sa kaniya na kailangan niyang matulog ng tama dahil kailangan niyang ayusin ang kalusugan niya. "I'll call you next time. I hope that, that next call, you'll tell me I'll gonna have apo," sabi niya sa nagtatampong tono.

"Good night dad! Stop with that apo thing. Baka kapag binigyan kita ng labing dalawa magreklamo ka."

Tawa ng tawa si daddy sa mga sagot na binabato ko. Hindi ko na namalayan na mas nauna pa pala akong makatulog kaysa sa kaniya. Ang dami rin kasing ginagawa sa room namin ngayon dahil papalapit na ang Christmas break namin.

Pag gising ko, nakita ko ang message ni Clyde at ang group chat ng klase namin.

Clyde:
I'm done with the dinner. 'Wag mo akong masyadong ma miss, huh?

Clyde:
I assumed that you already asleep because you didn't reply at my text. I'm done with my shower. Good night,  daph.

Clyde:
Good morning, baby. I'm on my way to your condo. I miss you :(

Napaka clingy talaga ng isang 'to. Ang kapal pa na makapag sabi na 'wag ko siyang mamiss, e siya nga 'tong mukhang miss na miss ako.

Minsan nga'y sinasadya niya talaga na rito matulog sa condo ko dahil ako raw ang gusto niya makita pag gising niya sa umaga.

Hindi ko nga alam kung hindi ba 'to hinahanap sa kanila. Sinasabi niya lang lagi na walang tao palagi sa bahay nila dahil maraming pinupuntahan ang mga magulang niya kaya naman mas gugustuhin niya nalang na makasama ako.

Bumili na rin ako ng mas malaking couch dahil nahihiya na ako sa kaniya. Ang liit talaga ng couch ko para sa katawan niya na doble ng katawan ko.

Bus. Man:
Aide: Guys, may nahanap na akong resort para sa Christmas party natin. Agahan niyo nalang ang pag pasok para mas mapagusapan natin mga kailangang gawin.

I withdraw a groan. Medyo tinatamad ako na pumasok ng maaga ngayon dahil gusto ko muna humilata. Pero dahil yata sa mga sinabi ng leader ng beadle namin, mapipilitan nalang ako na tumayo na ngayon.

Humakbang na ako papunta sa banyo ng marinig ko ang katok mula sa pinto.

Shit. It's Clyde.

I forgot na nagtext pala siya na parating na siya.

Agad kong kinuha ang tuwalya ko at tinakip sa sarili ko na wala pang kahit na anong ayos.

Tinakpan ko rin ang bibig ko dahil panigurado akong amoy tulog pa ang mga ito.

"I missed you, baby!" Bungad na sambit ni Clyde pagkabukas na pagbukas ng pinto.

Nagulat ako sa marahang pag yakap niya sa akin.

Shit!

"Clyde! Wala pa akong ligo!" Sigaw ko habang tinatakpan ang bunganga ko.

Ano bang trip niya?

"Hey! Stay away!" Muli kong saway sa kaniya pero hindi pa rin kinalas ang pagkakayakap niya sa akin.

"I missed you. I don't care about your morning looks, baby."

God! Help me!

Hindi pa nakuntento si Clyde sa pagkakayapos sa akin. Hinalikan niya pa ang pisngi ko bago niya isiksik sa leeg ko ang mukha niya.

Pero ng maramdaman ko na wala pa pala akong bra, halos maitapon ko si Clyde sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko sa kaniya.

Parang ganito rin ang nangyari noong nakapaibabaw siya sa akin at nakayanan ko siyang tanggalin dahil sa pagkakagulat ko.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now