Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman

Start from the beginning
                                    

 "Babae!" tulak nito sa akin.

Panay padin kase ang lapit ko ng mukha ko sa kili-kili niya. Kahit ilan taon na kami magkasama ni Hunter ngayon ko lang nalaman na ang bango niya.. Kahit basa si'ya ng ulan.. Ang bango bango niya.

Gusto ko si'ya kagatin.. O lasapin...

"Hunter... Patawarin mo ako sa gagawin ko..." hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Kusa na din gumagalaw ang mga kamay ko. Umangat ako para tingnan si'ya.. Ang focus lang ng mga mata ko ay ang ABS niya. Napalunok ako dahil kahit masama pakiramdam ko buhay na buhay na ngayona ang YUMYUM hormones ko.

"Babae.." nanlaki ang mata nito at nakahawak 'yung kamay niya sa noo ko tila pinipigilan ako.

"Hunter.." napakagat labi pa ako. "Hunter.. Oh, Hunter..." tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko.

"Ashley! Wag!"

Pero huli na ang lahat. Wala na si'yang nagawa dahil panay na himas ng ilong ko sa pinaka paborito ko na parte ng katawan niya... 

His ABS.

Itinulak ako bigla ni Hunter dahilan upang mapahiga ang katawan ko sa kabilang dulo ng sasakyan. HIndi ko nanaman makuha ang lakas ko para tumayo.. 

"Nagugutom na ako.." Iyak ko. "Gusto ko kumain ng suman! Nagugutom na ako.. Mommy.. Nagugutom na ako... Ang sakit pa ng ulo ko!" 

"Babae, shh. Tahan na."

"Nagugutom na ako!" iyak ko padin ang tinakpan ang mukha ko.

Nagcurled ako na parang fetus. Nagugutom na talaga ako. Narinig ko bumukas 'yung pinto, mukhang lumabas si Hunter. Ilan minuto din si'ya nawala bago makabalik.

"Oh, ito muna kainin mo.." lumapit si'ya sa akin at iniangat ang ulo ko.

"A-ano 'yan?" nanghihinang tanong ko.

"Hindi 'to suman pero makakain mo. Ibuka mo bibig mo, babae."

Umiling ako. Para na akong nababaliw dito. Hindi ko na alam kung nasa tama pa ba ang pag-iisip ko. Hindi ko na kasi ito macontrol. Gusto ko i-shut down 'yung system sa katawan ko. Ayoko na. Ayoko na.

"Gusto ko kumain ng snuwman~" 
"Nang mabusog ang aking tyan~"
"Ibili mo ko niyan ngayon, pangako ko, hindi ako mag titiraaaaa~"

"Babae!" rinig ko sigaw ni Hunter.

Nang magsimula nanaman kumanta 'yung bibig ko.

Buti na lang medyo inaantok na ako at dahan dahan na pumipikit ang magaganda kong mga mata. "Okey, fine..."

**

Nagising ako na sobrang sakit padin ng ulo ko. Shiat, daig ko pa ang may hangover. Napahawak ako sa noo na may towel na nakapatong dito. Hala? Anong nangyari? Nakasarado lahat ng bintana sa kwarto. Naririnig ko ang malakas na hangin mula sa labas.

Pilit ko inalala kung anong nangyari. Sana wala akong nagawang kahihiyan. Sana.. Sana.. Narinig kong tumunog ang iphone ko kaya agad akong napatayo. Medyo nahihilo pa ako kaya napaupo ako sa kama.

Asan na ba iphone ko? Hinanap ito ng mga mata ko. There! Nasa gilid ng cabinet. Nagdahan dahan ako sa pagtayo this time dahil baka mahilo nanaman ako. Pagkatingin ko may tumatawag..

Garreth Calling....

Shiat! Hanggang ngayon pa naman ba? Hindi niya ko titigilan? Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko ngayon at sinagot ko 'yung tawag niya.

"Pwede ba." napaubo ako. "Wag... ka nang tumawag.." 

"Hoy, anong nangyari sa'yo, may sakit ka ba Ashley Esqueza, ha? Ano? Sumagot ka!"

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now