Akala ko pa man din nagbago na siya nung magkaanak siya. Di pa rin pala.

"Tara na Maico." yaya ko.

"Maaga pa ah." aniya.

"Masama kasi pakiramdam ko eh. Gusto ko na sana umuwi." sabi ko.

"Ganun ba? Ayos ka lang?" lumapit siya sa akin at sinuri kung mainit ako.

"Oo. Gusto ko na lang sana talaga makauwi." sagot ko.

"Osige."

Di naman talaga masama ang pakiramdam ko. Ayoko lang na may kung ano pang sabihin si Kuya. Baka pati si Maico kausapin niya pa.

________

"Ang tahimik mo yata. Sobrang sama ba talaga ng pakiramdam mo? Gusto mo dalhin na kita sa doktor?" nakakunot ang noong tanong niya.

Lumingon ako sa kanya. Kita ang paga-alala sa mga mata niya.

"Ayos lang ako. Ipapahinga ko lang ito."

"Sigurado ka ha? Oo nga pala papasok na si Gelai sa pasukan di ba? Balak ko sanang padalhan siya para sa tuition niya."

"Di mo na obligasyon yun Maico. Hayaan mong si Kuya ang magpaaral sa anak niya. O ako na lang."

"Pero ang sabi ng Kuya mo hirap siyang makahanap ng ipangtutustos sa pag-aaral ni Gelai. Kinukulang na ang kinikita niya sa pang araw-araw na gastos pa lang nila. Kaya napagdesisyunan ko na pag-aralin na lang yung bata."

So, naka-usap pala siya ni Kuya. Ibang klase talaga. Di na nahiya. Kulang daw ang kinikita niya? Saan? Sa panaginip? Ako ang nagpapadala ng panggastos nila sa araw-araw kasi ayaw niyang maghanap ng matinong trabaho. Wala naman nang kinikita ang gulayan.

"Wag mong masyadong isipin yun. Sa sandaling oras kasi napalapit naman saken yung bata kaya gusto ko talagang gawin 'to. Kahit di ka pumayag gagawin ko pa rin." si Maico.

Di na lang ako umimik.

"Oo nga pala, sa Lunes isasama kita sa dinner meeting ko ha?"

"Baket naman? Wala naman akong kinalaman sa meeting niyo?" tanong ko.

"Gusto ka kasing makilala nung investor. Nabanggit kasi kita nung huling meeting namin at gusto ka raw makilala makilala."

"Ok sige."

Napatingin ako kay Maico nang mapansin kong hindi papunta sa condo ko yung tinatahak niyang daan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa condo ko." nakangiti niya pang sagot.

"Pero gusto ko nang umuwi at magpahinga."

"Dun ka na lang muna magpahinga. Di kasi ako mapapakali pag wala ka sa tabi ko at alam kong masama ang pakiramdam mo. Di naman ako pwede sa condo mo kasi may kailangan akong tapusin na trabaho."

Nakaharap lang siya sa daan habang nagsasalita siya. May trabaho pala siyang kailangan tapusin tapos nagpumilit pa rin na samahan ako.

"Kita mo ikaw, ayaw mo pang umuwi kanina eh may naiwan ka palang trabaho."

Ngumiti lang siya saken bilang sagot.

"Sabi ko naman kasi sayo di mo na ako kailangang samahan eh." sabi ko sa kanya.

"Magtatampo na ako niyan." seryosong sabi niya.

Napalingon ako sa kanya. Parang may konting inis akong nakita sa expression niya pero saglit lang yun.

"Baket naman?"

"Para kasing ayaw mo akong ipakilala sa pamilya mo eh. Samantalang ako gustong-gusto ko silang makilala. Kung nandito lang ang pamilya ko sa Pilipinas dinala na kita sa kanila." seryoso pa ring sabi niya.

"Di naman sa ganun. Baka kasi naaabala kita. Tulad niyan, may kailangan ka palang tapusin..."

Di ko na natapos ang sinasabi ko nang putulin niya yun at biglang magsalita.

"Di ka nakakaabala. Gusto ko ang ginagawa ko ok?" may galit na sa tono niya.

Natahimik ako dahil dun. Ngayon lang kasi siya nagsalita saken ng ganun. Kadalasan kasi mabiro siya.

"S-sorry." nasabi ko maya-maya.

Itinigil niya yung sasakyan at iginilid sa daan. Humarap siya sa akin at inabot yung kaliwang kamay ko.

"No. Di ka dapat mag-sorry. Ako dapat. Sorry Beauty kung mejo napataas yung boses ko. Pakiramdam ko kasi ikinahihiya mo ako sa pamilya mo kaya mejo sumama ang loob ko."

Seryoso siya? Siya pa talaga ang ikakahiya ko? Eh talo ko pa ata ang nanalo sa Lotto eh!

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Akala ko kasi puno siya ng tiwala sa sarili niya tapos bigla niyang sasabihin yung ganun.

"Sino bang nagsabing ikinahihiya kita sa pamilya ko? Maswerte nga ako kasi ikaw ang boyfriend ko." seryosong sagot ko.

Unti-unting lumapad yung ngiti niya.

"Sa wakas sinabi mo rin." aniya.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"Na boyfriend mo ako."  nakangiti pa ring sabi niya saka pinaandar ulit yung sasakyan.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now