"Wala. Nasamid lang," I answered immediately.

Parang ang mga paghawak niya sa'kin ay nakakakuryente. Hindi ko malaman kung paano niya nagagawa 'yon pero natatakot ako tuwing lumalapit siya.

Panay lang sa pag tibok ang puso ko. Naghuhurmintado ang mga ito na para bang may kung anong nakakabahala sa paligid.

Huminga ako ng malalim.

Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Nakakahiya naman kay Clyde na nasa harap ko.

"Hintayin mo nalang ako sa lamesa. Patapos na ako," utos kong muli sa kaniya.

Buti nalang talaga at nakisama ang tadhana dahil sa pagkakataong ito, sinunod na ako ni Clyde.

May ibang mga parte sa luto ko ang nasunog. I can't focus on what I'm cooking. My mind is occupied by some ideas. Ang hirap kapag ganito. Parang ang hirap kontrolin ng katawan ko dahil ang isip ko'y nasa iba.

Araw-araw gano'n ang nararamdaman ko para kay Clyde. May mga pagkakataon na nahuhuli niya akong aligaga sa harap niya pero imbis na mag tanong, tinatawanan nalang niya ako.

Gwapo gwapo raw ako sa kaniya kaya hindi ko napipigilan ang sarili ko sa pagtitig sa kaniya.

Aba, hindi ko naman alam na sa pagkakatulala kong 'yon, sa mukha niya pa ako natapat.

Gano'n na nga ang nangyari, araw-araw kaming magkasama. Nagkakabiruan at minsan nagkakainisan. Hindi ko na namalayan na lumilipas na ang mga araw.

"We passed!" Sigaw sa akin ni Clyde.

Noong una'y hahampsin ko sana siya ng hawak kong kaldero dahil nagulat ako sa pagsigaw niya. Pero, noong malaman ko kung ano ang sinabi niya, nanlaki nalang ang mga mata ko at kusang ngumiti ang mga labi ko.

"You passed?" Chismosa kong tanong kay Clyde habang inaagaw sa kaniya ang phone niya. Kinailangan ko pang tumingkayad para lang maagaw ang hawak niya. Pero, kahit ano yatang talon ang gawin ko, pipilitin pa rin ng isang 'to na paghirapan ako.

Ang alam ko'y bukas pa ilalabas ang mga grades namin pero hindi ko alam sa lalaking 'to at bakit alam na niya kaagad.

"Niloloko mo lang yata ako!" Hampas ko sa tiyan niya ng maisip na malakas ang tama ang isang 'to.

Ginawa na niya sa'kin 'to no'ng nakaraan.

Sinabi niyang may quiz daw kami kahit na ang alam ko'y wala. Pero kaslanan ko naman at nakinig ako sa kaniya. Tawa siya ng tawa no'ng natapos ang klase naming 'yon at walang quiz ang naganap. Nakabusangot ang mukha ko noong mga araw na 'yon at hindi ako sumabay sa kaniya pauwi.

Ang lakas ng trip.

Palakad na ako pabalik sa kusina dahil wala naman akong natanggap na sagot kay Clyde dahil tawa lang siya ng tawa.

Ngunit, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod at iharap sa'kin ang phone niya.

Totoo nga.

Listahan nga 'yon ng mga grado namin.

"You passed!" Sigaw ko. Hinarap ko siya at niyakap.

He chuckled about what I did. "Grabe. Hindi mo na talaga tiningnan 'yong iyo, e 'no? You really know that you're the highest, huh?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Totoo nga?

Well, hindi naman ako umaasa pero dahil sa mga paulit ulit na pagsabi nila sa'kin no'n, hindi ko na tuloy maiwasan ang sarili ko na hilingin na sana nga'y totoo.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now