Chapter 1:

22 2 0
  • Dedicated to Ruby Anna Ricablanca Araya
                                    

"Hay, ang cute nya talaga kelan niya kaya ako mapapansin?"

"Hoy Misha, wag ka na mangarap na mapansin ka ni Ethan. Like duh! nasa top section kaya yun. Wag ka na mag asam, masasaktan ka lang friend. sabi yan ni Jona.

"friend ba talaga kita? ang hard mo e"

"oo naman friend mo ko, saka 6 years mo ng pinagnanasaan yang si Ethan maawa ka sa kanya. hahaha" patuloy pa ni Jona.

"Jo, sa tingin mo pangit ba ko? o sadyang bobo lang talaga ako? waah! ang tagal tagal ko na siyang crush o! ikaw na din ang nagsabi, 6 years na! magkaibigan naman kami dati pero simula nung napunta siya sa top section kinalimutan na niya ko, pare-pareho sila."

"Misha, umayos ka nga!! para kang ewan. Mabuti pa tutal malapit na yung christmas party e bigyan mo na lang siya ng gift" Jona

"What a good idea! but before that, we need to study na gagawin ko pa yung research paper namin e. yung mga kagroup ko kasi di maasahan, tara sa library ." andito kasi kami sa batibot.

............

"Ate Joy! pahiram ng phone mo! dali dali! eeeeeeeeeeeeee! kinikilig ako! andito din si Ethan o! gusto ko siya picturan" kinikilig pero mahinahon kong sabi yan kay Ate Joy baka kasi mapagalitan ako ng librarian e, o nga pala, tambay ang barkada dito sa library  sila para magpalamig hahaha, ganun yata talaga e. pero basta ako, nagpupunta ako dito para magaral o kaya para magbasa, minsan dito din ako gumagawa ng assignments, projects and many more. Wala pala akong cellphone kaya nanghihiram ako kay Ate Joy, ay meron pala pero 3210 lang kasi walang camera.

Eto na, pi-picturan ko na si Ethan my loves. para naman may souviener ako noh! kasi last year na to ko na siya makikita. Saan kaya siya mag aaral ng college? sana pareho kami ng school.

Di pa pala ako nagpapakilala noh? ako nga pala si MIKHAELLA SHAIRELLE MAY REYES. 4th year highschool na ko dito sa RCC. and yung crush ko naman si Ethan Carlo Garcia yun. Grade 3 ako nung una ko siya nakilala kasi classmates kami nun pero nung grade 4 hindi na kasi nasa top section na siya, nung time na yun friends pa kami pero nung grade 5 na, hindi na siya namamansin til now parang hindi ako nag eexist yung ganun ba. Sorry kung maaga ako lumandi ah 9 years old pa lang ako nun e ano magagawa ko mabait kasi siya tapos ang cute din.

O nga pala share ko lang din nung nasa elementary ako nasama din naman ako sa top section  yun nga lang hindi na kinaya ng braincells ko e kaya its either 2nd or 3rd section ako it depends kung ilang section per level pero di naman ako bumababa sa 4th section noh! like duh! di ako ganun kabobo.

anyway, enough of this na, madami ka pa naman malalaman about me as the story continues e.

pic2cturan ko pa si Ethan my loves bago pa mag bell di nyo kasi natatanong andito din siya sa library kasama nya mga kaklase nya at ilang table lang ang pagitan namin.

"Misha, ako na lang magpi2cture kay Ethan, gusto mo? (sabay agaw ng phone)" sabi yan ni Janice yung malanding classmate ko na epal kahit kailan. Ang lakas lakas pa ng boses ng bruhang to kaasar!

shocks, nakatingin si Ethan! patay! nahuli ako! eto kasing si Janice e ngayon pa umeksena yan tuloy. O semento lamunin mo na ko please? Ayoko mapahiya ng ganito sa harap ni Ethan at mga classmates nya na kaibigan ko din nakakaiyak at nakakahiya.

"Akin na nga yung phone! bakit ba basta basta mo na lang kinukuha? hindi naman sayo Janice?" sabi yan ni Ate Joy. savior ko tong mga kaibigan ko mula kay Janice e. "Eto na yung phone mo Ate Joy, salamat a? una na ko sa inyo bibili pa ko ng paper e, malapit na magbell. Kayo ba? magpapabili ba kayo?." nagmamadali kong tanong kasi nahihiya ako kay Ethan, kasama pa naman niya yung mga classmates niya.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now