CHAPTER 14

806 137 27
                                    

CHAPTER 14

Samantala...

Habang nagsisimula muli ang pagsusulit sa bayan ng Agriseth.

Nakatayo sa loob ng isang marangyang silid ang isang matandang lalaki. Pinagmamasdan nito mula sa kanyang bintana ang mga nagkalat na estudyante at mga malalaking gusali na gawa sa matitibay na materyales.

Siya ang Headmaster ng Phantom Academy. Matanda na siya ngunit hindi iyon halata sa kanyang hitsura at lakas.

Umiinom siya ng tsaa habang nasa pinakamataas na gusali. Ang kanyang opisina ay nasa pinaka tuktok at tanaw niya dito ang malawak at marangyang Phantom Academy na itinayo pa ng kanyang mga kanuno nunuan.

"Napakatahimik ng Phantom Academy habang sa iba't ibang sulok ng kontinente ay mayroon nang nangyayaring mga girian at awayan ng iba't ibang pwersa."

Napabuntong hininga na lamang ang matandang lalaki at ibinaba ang kanyang tsaa. Naglakad siya sa loob ng kanyang silid at ilang saglit pa nakatanggap siya ng tawag mula sa isang Propesor.

Ang bolang kristal na nasa ibabaw ng kanyang lamesa ay nagliwanag at inilalabas nito ang mukha ng propesor na gusto siyang makausap.

Ang bolang kristal na ito ay ginawa ng mga Array Master at ito ay tinatawag na Communication Array. Ito ay ginagamit lamang sa komunikasyon at ang halaga nito ay kayang kayang bilhin ng mga normal na tao.

Normal na ang ganitong bagay dahil ito ang kadalasang ginagamit ng mga tao upang makausap nila kahit malayo ang mga taong nais nilang kausapin.

Normal lamang at madaling hanapin ang mga materyales nito kaya mura itong ibinebenta sa publiko.

"Ano iyon Propesor Yuro?"

Agad na tanong ng matanda habang nakatingin sa Communication Array. Si Propesor Yuro ay isa sa mga Propesor ng Phantom Academy at dapat sa ganitong oras ay abala pa rin ito sa pagtuturo.

"Headmaster, kailangan ninyong masilayan ang bagong pangalang lumitaw sa Professor's Box List!"

Agad na bungad ni Propesor Yuro at ang expresyon nito ay hindi mapakali. Malayong-malayo sa dating propesor na strikto at pinaka masungit sa lahat ng propesor. Dahil dito napakunot ang noo ng Headmaster.

Sa ganitong oras ay inaabala siya ni Propesor Yuro para lamang masilayan ang bagong pangalang lumitaw sa Professor's Box List.

Ang Professor's Box List ay ang mga listahan ng pumasa bilang isang guro sa kanilang Academya. Normal na kung mayroong pumasa na isa o dalawang guro bawat taon sa pagsusulit na ibinigay.

Lahat ng ginagawang pagsusulit sa bawat sulok ng bansa ay kontrolado ng Phantom Academy. Hindi lamang sa Screen na pinaggaganapan ng pagsusulit makikita ang mga pumasa bagkus lumilitaw rin ito sa Professor's Box List ng Academya. Ang Mechanism Box ay konektado sa Academya at hindi maaaring dayain ang pagtatama ng mga sagot dahil ang mga mechanismo sa loob nito ang mismong magwawasto sa mga sagot.

"Mukhang hindi nga normal ang nangyayari base sa iyong hitsura Professor Yuro. Ngayon lamang kita muling nakita na hindi mapanatag at hindi alam ang gagawin."

Matapos itong bigkasin ng Headmaster naglaho bigla ang kanyang pigura sa loob ng kanyang opisina. Ilang segundo lang lumitaw ito sa silid kung nasaan ang kinalalagyan ng Professor's Box List. Hindi lamang si Professor Yuro ang naririto dahil halos lahat ng propesor ng akademya ay naroroon na rin.

Bumibilang ng mahigit limampu ang bilang ng mga propesor at sila ay nagtuturo ng iba't ibang propesyon. Sila ang iginagalang na guro ng Phantom Academy at ngayon mababakasan ng komplikasyon ang kanilang mga mukha.

The Hidden ProdigyWhere stories live. Discover now