Unang Kabanata: Introduction Daw Muna

4 0 0
                                    

“Eto po yung bayad”

“Oy babae, kulang nanaman itong bayad mo”

“Ate babayaran ko na lang pag andyan na sweldo ko hehehehe”

“Ikaw bata ka talaga. Osya sge na”

“Sge po! Salamat!”

Pabalik ako sa school namin ngayon. Dahil ginto ang photocopy sa school, dito na ako sa labas nagpaphotocopy nung copy ng lesson namin sa English. Well, ganyan talaga pag kailangang magtipid.

Oh well balon, gaya ng ibang story dyan, magkakilanlan muna tayo. Mahirap naman kung babasahin nyo ang istorya ko ng hindi nyo nalalaman kung sino ako. Hello everyone I’m Clea Jane Agustine isang masugid na tagahanga ni Finn and Jake ng Adventure Time. Ang cute ng pangalan ko no? Tunog pang mayaman hihihi thanks to my beloved parents. But the sad truth is hindi ako mayaman. Namatay sina mama at papa last 3 years ago at kami na lang dalawa ni Carl ang natira, kapatid ko.

So yun, di porke dalawa na lang kami ng kapatid ko e patuloy na lang kaming magmumukmok sa tabi at kakanta ng "Di ko kayang tanggapin" ni April Boy Regino. Salamat at mala “dora” at “boots” sina mama at papa noong nabubuhay pa sila sa dami ng kanilang mga kaibigan na tumulong saming magkapatid nung nawala sila. At buti na lang din, may naipon kahit papaano si papa para sa amin nung nabubuhay pa siya na nagamit naman namin ngayon. At para kahit papaano ay may income kami ng kapatid ko, sumaside line ako sa kahit anong trabahong pwedeng pasukan (pwera na lang sa pagbebenta ng mala dyosa kong katawan).

Grade 4 pa lang si Carl habang ako naman ay gagraduate na nyan dito sa Forestiers Academy.  Tunog pang mayaman ulet hohoho scholar kase kaming dalawa dito ni Carl. Buti na lang ulit at dating tropa ni papa yung may ari ng school na to kaya yun. Natulungan kaming makapagaral.

Pero sa kabila ng nangyari sakin, keri lang. maganda pa rin naman ako no. Aja!

Osya tama na sa mala MMK kong istorya. Mahirap na baka mabangga ako dito sa daan kakakwento no.

Pabalik na ako sa school namin ngayon dahil hindi pa naman tapos ang klase ko at hindi naman ako pwedeng magcutting.

But wait. Bago tayo pumasok, let me describe my school first gaya ng ginagawa sa ibang kwento.

Hindi gaya ng mga nakasanayan nyong mga school itong Forestiers Academy. Oo, magaganda ang mga facilities at mataas din ang standards nito pero di kagaya ng ibang school na sobrang higpit. Hindi rin masasama ang mga estudyante dito. Hindi kagaya ng sa ibang school na parang  nasa impyerno ka na sa dami ng mga mala"kontra-bidang” mga maldita at mayayabang na mga estudyante. Yung bang tipong nasa zoo ka na sa dami ng mga mababangis na hayop at masasabi mo sa sarili mong “me against the world”.

Karamihan din ng mga estudyante dito ay galing sa mga mayayamang pamilya habang ang iba naman ay gaya kong scholar.

“Cleeeeeiii!!!”

Pagtalikod ko, nakita ko nanaman ang magulong babaeng to.

“Yumiiiiiiiiiii!!!” sigaw ko sakanya.

“Cleeeeeei!!!” sigaw nanaman nya, nakakairita na ah.

“Ulit ulit naman to. Katabi mo na ako o!”

“Hehehe sorry. Nagenjoy ako e”

“Yah. Whatever”

Yumi Caileigh. One of my best of friends. Tunog pang mayaman nanaman ano? E kase mayaman naman talaga. Childhood bestfriend ko yan. Mula nung bata pa kame ay  palagi na kaming magkasama (kaya nga childhood bestfriend diba)

“Oh by the way nag lunch ka na pala?” sabi nya habang sinusundan ako sa paglalakad.

“Hindi pa nga e. Nag pa photocopy kasi ako sa labas” sabay tingin sa mga papel kong dala.

“Ikaw talaga. Halika na nga, sabay na tayong maglunch. Libre ko na po” sabay hila ng kamay ko.

“Tama nga ko ng kinaibigan hehehe tara”

“Anong sabi mo?” at napakunot naman ang noo niya.

“Hehe wala po, tara na” sabay hila sa kanya.

Pumunta kami sa canteen at dun na naglunch, at syempre libre nanaman niya hihihi. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa klase namin.

Akmang papaupo na ko sa upuan ko (hindi naman kase pwedeng sa sahig) ng may pumasok na bagong estudyante. Transferee siguro to. Nakayuko siya habang pumapasok kaya hindi gaanong napansin ng maiingay na mga kaklase ko ang pagdating nya. Yahoooo! May bago akong kakaibiganin neto hohohoho. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Jerk and His BrattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon