Hindi niya nilingon si Apple hanggang sa makarating sila sa HRM laboratory. Nahihiya siya.

Nang nasa harapan na sila ng lab ay biglang nilahad ng babae ang palad nito kaya naman agad siyang napatitig doon.

What does she want?

Agad nablangko ang kaniyang isipan at tanging natandaan ay ang sikat na trend sa TikTok. He downloaded the damn app just because she was so invested to it whenever they clean the HRM laboratory. Gusto niya lang namang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nito.

Without a second thought, pinatong niya ang kaniyang baba sa palad nito katulad ng napapanood niya sa TikTok. He just did it on impulse and wasn't even thinking straight.

Mabilis na hinila pabalik ni Apple ang kamay na para bang napaso at gulat na nakatingin sa kaniya. "Yung susi hinihingi ko!" namumulang sigaw nito.

"Oh." disappointed niyang bulong. Dinukot niya sa bulsa niya ang susi sa lab na nakasanayan na niyang daanan sa office dahil mas unang natatapos ang class niya kaysa sa Apple. Nayayamot niya iyong binigay sa babae. "Sa susunod kasi linawin mo," inis niyang dagdag para kahit papaano ay masalba ang pride niya.

"Sa hindi ko alam na iyan agad maiisip mong gawin . . ." bulong na sagot naman ni Apple Pie habang binubuksan ang pintuan.

"Tsk," inis niyang ika bago inunahan ito sa pagpasok sa lab.

They said it looks cute when a man do it. Why is she angry at me now?





Napahawak si Apple Pie sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lalake na pumasok sa HRM laboratory.

Pisteng yawa! Akoang heart murag mubuto!

Pigil na pigil niya ang sarili upang hindi mapasigaw at mangisay dito. Nakakahiya sa lalake at baka mukha siyang baliw. Sino ba namang hindi kikiligin kung sunod-sunod na galawan ang ginagawa sa kaniya ni Yohan. O baka nga assumera lamang siya at wala lang sa lalake ang ginagawa nito.

Kung tutuusin ay hindi naman sumusunod si Yohan sa tradition ng mga athletes na ibigay ang dating jersey sa mga karelasyon nila. She knew that he doesn't really like lending stuff to anyone and he was extremely selfish when it comes to what he owns. Tanging pagkain lang ito hindi madamot at walang pakialam kung kunan ang pagkain nito ng mga ka-teammates. He was really extremely close to his guy friends but really mean to girls.

Bakit nito binibigay sa akin ngayon ang uniporme nito?

All throughout the duration of their usual cleaning chores, they both didn't talk or look at each other. Parang nag-iiwasan sila sa isa't-isa. Hindi niya alam kung nahihiya ba si Yohan sa kaniya o sadyang umiiral na naman ang pagiging maldito nito. She honestly believe the latter.

Thankfully naman ay cooperative ang lalake ngayon sa kaniya. Unlike before na uupo muna ito at maglalaro ng Mobile Legends habang naghuhugas siya, ngayon ay nagma-mop na ito ng sahig. He used to only start cleaning after she was done with her task. Iyon ang nagiging dahilan bakit ang tagal nilang matapos sa paglilinis ng HRM laboratory. Naiinis siya kasi sana makakauwi siya ng maaga pero mukhang sinasadya ni Yohan na tumagal sila sa lab.

Dahil nga sa sabay na silang naglilinis ngayon ay mas maaga silang natapos. In fact ay mas una pa si Yohan sa kaniya at katulad ng nakagawian ay umupo lamang ito sa may gilid at pinanood siyang maghugas. Noon ay nakakaramdam pa siya ng anxiety at hiya kahit na nakatalikod naman siya dito dahil ramdam pa rin naman niya ang mga tingin nito ngunit kalaunan ay nasanay na siya. 

Marami-rami siyang hinuhugasan ngayon dahil may mga Senior High students silang bisita na galing sa public school. Isa kasi iyon sa mga community initiative ng school nila upang makatulong sa mga public school na walang tamang pasilidad para sa mga estudyante nila na kumukuha ngayon ng TVL. Their school would dedicate a day each month for students from different public schools to be able to try their facilities. Malaking tulong na rin iyon dahil sa pagkakaalam niya ay kahit nga ang mga skill-based na strands sa ibang public schools ay hirap na ituro ang proper skills sa mga estudyante dahil sa kakulangan ng tamang pasilidad.

"Magbibihis muna ako." Biglang naputol ang kaniyang iniisip nang marinig ang baritonong boses ng lalake mula sa kaniyang likod. Tinanguhan niya lamang ito at hindi na umimik. Alam naman niya ang ibig sabihin nito. Friday ngayon kaya may soccer practice ito ngayon. Kaysa pumunta pa ito sa locker room ng mga athletes ay mas mainam na dito na lang ito magpalit ng uniform dahil may CR naman sila dito.

She heard him go inside the bathroom and after awhile ay lumabas na ito. She heard him scuffle around the room, probably arranging his stuff. Hindi pa rin niya ito nililingon dahil talagang nahihiya pa siya dito. Hindi niya alam kung totoo ba ang demand nito na manood siya at isuot ang soccer uniform nito. 

Ayaw niyang maging assumera at nakakapatay ng heart iyon.

Tinalasan lamang niya ang tenga at pinakinggan ang bawat galaw ng lalake sa likod niya. She acted like she was so busy washing the dishes, but truthfully she was attentively listening to his every action. Narinig niya bigla ang ingay ng mga gamit na dinadala at ang mahinang paglakad nito papunta sa pintuan. Her ears perked up upon hearing the door open and was expecting him to leave without a goodbye. She held her breath and was anticipating the noise of the door closing, but she instead heard him whisper.

"Langga . . ." bulong nito na para bang batang nagsusumamo. "Manood ka, please."



A/N: Pasensya na at mahaba-haba pa ang mga chapters na nasa future sila dahil need ko pang i-establish ang relasyon nina Yohan at Apple Pie sa isa't-isa before sila mag-travel sa past. Doon po kasi sa My Renege ay mag-ex na sila. They were already separated for 2 years before Apple Pie accidentally hypnotized herself and found Yohan in the past. Please bear with me. T_T

P.S. If nalilito pa kayo ng slight. Graduate na si Zynder dito. 4th year si Yohan at 2nd year pa si Xavier. This events happened when Danilo tried going to the future, study midwifery and go back to Elisa. He thought na 2 days or a few weeks lang ang itutulog niya sa past but he came back after a few years and saw Elisa already married. Hope this helps!

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now