"I don't know what to feel, daph. I thought, all this time you remember our first meet. Well, kahit naman ako. Hindi rin kita ka'gad nakilala no'ng una kitang makita sa loob ng grocery store. Pero.. naalala naman kita agad no'ng nasa labas na tayo."

Huh?

Pinagsasabi nito?

Binitawan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Tigilan mo'ko sa mga trip mo, Clyde Hendrix Dela Bueno."

Dumiretso ako sa couch at agad na binuksan 'yong tv.

Kinuha ko rin si Bella at Rocky para ilapag sa hita ko.

"Happy birthday to you! Greet him Lucy!" Parang tangang kanta niya sa harap ko.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya.

Pero no'ng marinig ko ang pangalan ni Lucy... Agad na kumunot ang noo ko.

Si Lucy 'yong kauna unahan kong pusa.

Hindi ko naam  alam kung nakuwento ko na 'yon sa kaniya pero...

"Lucy? Sino si Lucy?" Pagmamaang maangan kong tanong. "Para kang ewan."

Baka naman ibang Lucy ang tinatanong niya.

"Wait.. hindi ba Lucy 'yon?" Nagtataka niyang tanong. "What's the name of the cat that's with you that time, then?"

Ano raw?

"What?"

"What's the name of the cat that's with you when you are singing Happy birthday to me in the park when we're little?"

We're little?

Park?

Nanlaki ang mga mata ko.

Shit.

Siya ba 'yon?

"You're... Cheesecake!" Malakas kong sigaw.

When I was a little, I used to be at the park with Lucy. Nag aaway kasi sila Daddy't Mommy noong mga panahon na 'yon. Ayaw kong marinig 'yong mga sigawan. Sumasakit 'yong ulo ko at pakiramdam ko hindi ko kakayanin na makita silang gano'n.

Ilang beses naman akong pumagitna sa kanila para matigil na sila, pero walang nagawa ang mga 'yon.

Kaya naman, isang araw, tinggap ko na, na hindi magtatagal maghihiwalay din ang mga magulang ko.

Everytime that I am in the park with Lucy, I forgot what's happening inside our house. Even if it is just a short period of time, I think it helped me to accept everything.

Clyde pouted as he stare at my shock reaction. "Stop calling me that name. You're calling me Mr. 4950, and now you are reminiscing what you used to call me when we're young."

I laughed a little.

Parang kahapon lang 'yong mga pangyayari na 'yon. Nakita ko siya sa bench habang umiiyak. Nilapitan ko siya para tanungin kung anong problema niya.

"What's wrong?" Malambot kong tanong.

Kakarating lang namin ni Lucy sa park pero ang boses kaagad niya ang narinig ko.

"Who are you?" Medyo masungit niyang tanong habang umiiyak pa rin.

Ang sungit naman niya.

Gusto ko lang maman alamin kung bakit siya naiyak.

Baka makatulong ako o 'di kaya si Lucy.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now