Natawa siya sa biglaang lipat ko ng lamesa. He then held my waist and kissed me back gently. Hinapit niya ako palapit para mas bigyan ng malalim na halik. Naupo ako sa hita niya at yumakap na sa kaniyang leeg. He slid his hand at the back of my shirt, doon ito humagod nang baba at taas. Para akong mababaliw dahil doon.

"I'm so in love with you, Chano," bulong ko at niyakap na siya ng mahigpit.

"I am, too. So hard," he whispered back. "I'm in love with you too damn hard."

"Too hard to the point that you'll let me pick the color of your helmet?" tanong ko. Biglang sumimangot si Chano at inilayo ako sa kanya. Humalakhak ako at bumaba na sa lamesa.

Niligpit ko ang wine na ininom namin bago pa bumaba si South.

"Hoy, ikaw umayos ka pag-alis mo, ha," banta ko kay Chano habang sinusuklayan ko si South nang matapos sya sa pagto-toothbrush.

"Ha? Bakit? Sa tino kong 'to ay ako pa ang hinabilinan mo?" mayabang na sagot nya kaya tumaas ang kilay ko.

"Ah, kaya pala may nagustuhan ka noong crush mo ako nung elementary tayo," I smirked. Binuhat ko si South na tatawa-tawa na sa aming dalawa. Kaagad naman sumunod si Chano nang umakyat na kami sa second floor.

"Tatay is flirty, Nanay?" mahinang tanong ni South kaya natawa ako at pasimple syang tinanguhan. Nakatanggap naman ako ng mahinang kurot mula kay Chano.

"He has a lot of girls," biro ko kay South saka siya nilapag sa kama nya. Nilingon ko si North na ngayo'y masama na ang tingin kay Chano habang may hawak na libro. "I'm only kidding, North."

"Really?" paninigurado ng bata. Kaagad akong tumango at inakbayan si Chano kahit ang hirap gawin.

"Yep. Ako lang," pagpapakalma ko sa batang kung  ano na naman ang iniisip.

"Sa taray nitong Nanay Liah ay mukha bang maloloko ko pa 'to?" tanong ni Chano.

"Yep," tumango si North. "It's not about how afraid you are, it's about being committed, Tatay," he added. Napatanga kami ni Chano. Nilingon namin ang isa't-isa bago sabay na nag-umpisa nang lumakad palabas ng kwarto nila.

"We'll see each other tomorrow, okay? Have a good sleep," paalam ko sa kanila bago isara ang pintuan.

"Pupa, pabilisan tayo tumakbo dito sa hallway!"  nagulat ako nang biglang higitin ako ni Chano papunta sa tapat ng C.R. Pinakadulong part yon ng second floor.

"What? Are you insane—"

"Pag nanalo ka ay bibilhan kita ng kahit anong gusto mo na kulay ng helmet," putol nya sakin kaya napaisip ako.

"Anong goal ba natin?" napapalunok kong tanong saka naghanda na sa pagtakbo. Inayos ko ang aking suot na shirt, itinaas ko iyon hanggang balikat ko saka nagbend na pababa. Ngumisi si Chano at ginawa rin iyon.

"Hanggang labas lang ng room mo. Whoever touch it first wins," nakangisi na sagot nya. Tumaas ang kilay ko saka tumango-tango.

"Helmet at soju dapat," focused kong sagot.

"Sure. Sweldo ko naman bukas, e," he chuckled again like crazy kaya pinalo ko na sya ng mahina sa braso.

"Game na! May pasok pa tayo bukas!"

"Basta pag ako nanalo kahit anong gusto ko ibibigay mo, ha," aniya na parang nanloloko. Wala sa sarili akong tumango.

"Game! Ang daldal mo, akala mo naman kaya mo 'ko!" mayabang kong sabi saka sya inirapan.

"Game, game!" aniya at naghanda na... "One... two... three!"

Kinabukasan ay matapos ang aking klase ay nakapila na kaagad ako sa bilihan ng siomai. Sobrang hirap bumili dahil sobrang daming estudyante at dahil na rin lunch time. And guess what? Dumayo pa kami sa labas ng avenue para lang bumili ng siorice!

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon