Unang Kabanata

16 1 0
                                    

Si Jihu ay isang sikat na fashion designer sa Maynila dahil sa mga makukulay at magagandang damit na kanyang nagagawa. Nakatanggap na rin sya ng iba't ibang uri ng gantimpala mula sa Presidente ng Amerika bilang pagkilala sa kanyang kahusayan. Ngunit ang kasikatang iyon ang naging dahilan kung bakit nilalayuan sya ng mga malalapit nyang kamag-anak. Naging mayabang sya ng makaangat sa buhay at hindi na maabot ng kanyang sariling pamilya.

Pero ang lahat ng iyon ay may dahilan. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi sya nakaramdam ng tunay na kasiyahan mula doon. May dahilan kung bakit maging ang pamilya ay hindi nya kausapin sa kahit pa sabihing mga magulang niya ang mga iyon.

"Jihu, sigurado ka bang hindi ka muna magtatanghalian? Anong oras na baka malipasan ka na naman."

Ani ng kaibigan nyang si Yoomi na siya mismong assistant nya sa kanyang shop. Ito ang tumulong sa kanya simula pa lang noong magbukas ang kanyang negosyo dahil tutol ang mga magulang nya sa pagpapatayo noon. Ito lang ang tanging taong nanatili sa tabi nya noong mga panahong nahihirapan sya sa buhay.

"I'm okay Yooms. Tatapusin ko lang itong mga drops na ginagawa ko tapos hahabol ako sayo kapag wala ka pa dito." sagot ng dalaga habang nakatitig sa kanyang computer.

"Pero Jih---"

"Give me a cup of coffee instead para if ever man na magutom ako, may maiinom ako dito. Go take your lunch na Yooms. I'll be fine." Paninigurado nya sa kaibigan para hindi na ito mag-alala sa kanya.

"Fine. Pero kapag nagutom ka sumunod ka na agad sa akin sa usual place natin. Pag umabot ng 12:30 at hindi ka pa tapos, just pause it at sumunod ka na sa akin. I'll wait you there at our usual spot." Tumango lang sya sa kaibigan matapos syang abutan nito ng kape.

Muli na naman syang naiwan mag-isa sa kanyang opisina at nakaramdam kalungkutan mula sa kanyang pag-iisa

'𝑆𝑎𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑢𝑚𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎.' aniya sa kanyang sarili.

Napailing na lang siya sa isiping iyon at tinuloy ang ginagawa nya. Matapos ang tatlumpong minuto ay nakaramdam na siya ng pagkalam ng sikmura kaya napagpasyahan nyang sumunod na kay Yoomi bago pa ito bumalik. Dahil medyo may kalayuan ang restaurant na tinutukoy ng kaibigan ay dinala na niya ang sasakyan nya para mas madaling makarating doon. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi sinasadyang muntik na siyang makasagasa ng tao. Madali syang lumabas ng kotse at nakita nya ang isang babaeng nakasalamin at napaka simple. Nakaramdam siya ng inis dahil pakiramdam nya sinadya ito ng babae upang makakuha ng pera mula sa kanya.

"Are you stupid? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Alam mong may mga dumadaan na sasakyan dito pero kung saan-saan ka nakatingin. Is this your way of scamming drivers just to get money from them? Fine! How much do you want?"

Nakaramdam ng inis ang babaeng kanina pang walang imik dahil sa traumang naramdaman nya dahil muntik na nga siyang mamatay mula doon ay siya pa itong inaakusahang nang-i-scam ng tao para sa pera. Hindi niya nagustuhan ang tabil ng bibig ng dalaga kaya naman pilit nyang itinayo ang kanyang sarili.

"Miss, unang-una hindi ko ibubuwis ang buhay ko para mang-scam ng tao para lang makatanggap ng pera. Pangalawa, hindi ako interesado sa pera mo dahil kaya ko yung makuha ng pinagsisikapan ko. And who are you to judge me of being a scam kung ikaw yung napakabilis magpatakbo ng sasakyan at hindi mo nakitang red yung traffic sign." Napatingin ang dalaga sa traffic light at hindi ito nagbibiro ng sabihin nasa pula ito. At pakiramdam nya ay napahiya sya doon pero nanatili pa ding naiinis ang mukha nya dahil ayaw nyang malaman nitong nahiya sya sa ginawa nya.
"Kaya kung hindi ka naman marunong tumingin sa traffic light ay iwan mo na lang iyang sasakyan mo at mag-commute ka. At hindi porket mayaman ka o mapera ay may karapatan ka ng maliitin ang mga katulad ko. Arrogant!"

Sa Kabila ng Lahat Where stories live. Discover now