Naririnig ko ang mga sabi sabing 'yon.

Pinagkakalat nila na kaya raw hindi ko masabi kung sino ang taong naglagay ng red note sa bag ko ay dahil gawa gawa ko lang naman daw talaga 'yon. Binayaran ko raw ang paaralan para 'wag ako mapakick out.

Noong una gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.

Gusto kong dipensahan ang sarili ko mula sa mga hindi naman totoong akusasiyon nila.

Pero... Alam ko na kahit anong lakas ang ibigay ko, kahit anong pagpapaintindi ang gawin ko, paniniwalaan pa rin nila kung ano ang alam nilang tama.

"I didn't know that Krisha's the one who did that to you."

Agad nanlaki ang mga mata ko.

Paano..

"How did you know that?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Clyde's the one who said all of those things to me. Patawarin mo ako, Daph. Alam kong hindi ako karapatdapat na patawarin sa mga ginawa ko. Pero.... Babawi ako! Ipagtatanggol kita," malakas niyang sabi.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang biglaang pagtingin ng tao sa paligid.

Bakit ginawa ni Clyde 'yon?

Akala ko'y sabi niya na 'wag na naming pakialaman 'yong mga nangyaring 'yon.

"Hindi na kailangan," tumawa ako ng bahagya.

Masaya na ako kahit 'yong pagkakaibigan lang namin ang bumalik.

"No. Hindi mo deserve na mapagtaksilan gaya ng ginawa ni Krisha. Akala ko'y totoong may problema lang sa pamilya nila Krisha kaya siya biglaang nawala. Hindi manlang pumasok sa isip ko na siya ang may pakana ng lahat ng 'to."

Hinawakan ko ang kamay ni Louisa. Napansin ko kasi na medyo nanginginig na 'yon sa galit.

"Akala ko'y may namamagitan lang sa kanilang dalawa no'ng apo ng principal na 'yon. Ayon pala, magkasabwat sila!"

Natawa ako sa sinabi niya. Naalala ko noong pabulong niyang kinukwento sa'kin ang mga nakita niya ro'n sa parking area. Sinasaway ko pa siya noon dahil baka may makarinig sa'min.

"Bakit ka tumatawa? Nakakainis ka naman, e!" Pahampas niyang sabi sa'kin. "Parang wala lang sa'yo 'yong mga nangyari. Sa bagay, halos hindi magkanda ugaga si Clyde sa pagsama sa'yo palagi para lang masiguro na ligtas ka."

Bumalik ako sanupuan ko.

Sa tingin ko'y unti unti ng nagiging okey si Louisa. Bumabalik na siya sa pangaasar sakin kay Clyde.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Nagpatuloy lang ako sa pag tawa ng mahina.

"Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n malang ang galit no'n ni Drixy sa'yo, e. Napakaswerte," dagdag niyang sabi.

"Why?" Kuryoso kong tanong.

Kahit naman kasi wala akong pakealam sa mga sasabihin sakin ng ibang tao, gusto ko pa rin malaman kung ano 'yong pinuputok ng butchi nila. Lalo na si Drixy na dati ko pang napapansin na may galit sa'kin.

"Dahil diyan sa Knight and shining armor mo," sabi niya habang may tinuturo kung saan gamit ang bibig niya.

Sinundan ko ang mga 'yon. Nakita kong nakatutok 'yon kay Clyde nasa kabila palang lamesa.

Nakahawak lang siya sa phone niya. 'yong mga mata ay nakatitig lang sa'kin.

Nang makita niya ang pagtingin ko'y agad siyang ngumiti.

Nginitian ko naman siya pabalik bago ibalik kay Louisa ang atensyon ko.

Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko siya maintindihan. "What?"

Until Our Path Cross Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن