Ganito ba talaga 'to?

Nang makita ko na ang sasakyan niya, nag madali siya sa paglabas do'n para makapunta sa kabilang banda ng sasakyan.

Kumunot ang noo ko.

"Here," binuksan niya ang pinto ng front seat para makasakay ako.

Ito.

Ito ang bago.

Hindi niya naman ako pinagbubukas ng pinto noon.

Ang awkward!

Para akong may kaharap na bagong tao.

"Can you please stop your weird gestures," sabi ko sa kaniya no'ng hindi ko na napigilan ang pagtataka.

Itinapat niya sa'kin ang aircon ng sasakyan. Inayos niya rin 'yong upuan ko.

Tumawa siya ng bahagya. "What are you talking about?"

Diniretso ko ang tingin ko sa labas.

Ayan na naman 'yong mga ngiti niyang mapangasar.

Inirapan ko siya.

"What?" Taka niyang tanong.

"Anong what? You're so weird Clyde!" Hampas kong sabi sa kaniya.

"Hey! Stop that. I'm driving here," natatawa na naman niyang sabi.

Tss..

***

"Always remember that you did nothing wrong. She needs to give apologies to you, and if she don't, that means she's not worth your time," sabi ni Clyde sa'kin pag tapos naming lumabas galing sa faculty.

Kitang kita ko ang mga tinginan ng mga tao sa paligid.

They are giving me a scowl and I understand that. They don't know the truth that's why they are treating me like that.

"Hey. Don't look at those people. Are you listening to me?" Tanong ni Clyde bago hawakan ang magkabilang braso ko para iharap sa kaniya.

Tumango ako.

Tama.

Hindi dapat ako makinig sa kanila. Wala silang alam.

Kaya naman, inalis ko na ang tingin ko do'n at inisip nalang kung ano ang mga dapat kong gawin ngayon.

Sinabi ng faculty na puwede kong makausap si Krisha.

Wala pa raw silang sinabi na kahit na ano at wala pa raw alam si Krisha na alam na namin ang totoong nangyari.

Mukhang sigurado raw si Krisha na nabura niya ang mga cctv.

"Kinakabahan ako," simple kong sabi kay Clyde pag tapos ng lahat ng sinabi niya.

Paano ko haharapin si Krisha?

Paano ko sisimulan 'yong paguusap namin?

"I know this is hard, I can say to the faculty that if they can be the one to said Kr—" pagputol ko sa sasabihin niya.

"Hindi. I'll be the one. Kailangan ko 'tong gawin. Kailangan ko ng rason."

Kahit na hindi ako sigurad sa mga mangyayari, ilang oras ang makakalipas, mayro'n pa ring parte sa'kin ang pumipilit na gawin 'to.

Kasi kung hindi... Mababaliw lang ako gabi gabi kakaisip kung bakit.

Kung paano niya nagawa 'yon.

Kung kailan nagsimulang maging gano'n ang turing niya sa'kin.

Nanginig ang mga kamay ko.

Agad ko namang naramdman ang paghawak ni Clyde sa mga 'yon.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now