Gusto ko man sagutin ang tanong nila, kahit ako hindi alam kung paano 'yon nangyari.

Todo ako sa pag-iling para sabihin na wala akong ginawa. Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong red note na 'yon.

"Ms. Villamar, please tell us the truth or tell us who gave that one to you," muling sabi ng taong nasa faculty. "I don't know if you're well informed, but I just want to tell you that you can be kick out in this school if we proven that you're not saying a truth. "

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"I don't know about that red note. I am saying a truth here. Please.." pagmamakaawa ko.

Hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko kay Daddy kung babalik ako ng probinsya namin dahil na kick out ako.

Anong irarason ko sa kanila? Na nagtiwala ako tapos sinira ako?

"We will investigate about this. For now, you're on hold," aniya. "You can now leave."

***

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis at nakalakad para makauwi rito sa condo.

Si Krisha lang ang naalala ko na umaalalay sa'kin para makasakay sa sasakyan niya at dinala niya ako papunta rito.

Dahil sa pagkatulala ko, parang namamanhid na ang buong katawan ko. Dagdag pa 'yong ekspresyon na nakita ko mula sa mukha ni Louisa no'ng makasalubong namin siya ni Krisha.

Akala ko'y lalapit siya sa'kin para kamustahin ako, pero hindi.

Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

Naiintindihan ko naman.. Siguro'y naniniwala siya na kaya kong gawin ang gano'ng bagay.

Sino ba namang hindi madidismaya kung ikaw, nagaaral ka ng mabuti tapos malalaman mo na 'yong iba'y gumagamit ng shortcut.

Kahit na hindi ko naman talaga tunay na ginawa 'to, naiintindihan ko 'yong mga katulad ni Louisa.

Unfair naman talaga.

Gustuhin ko man na sabihin sa faculty na si Clyde ang hinala kong naglagay ng red note na 'yon sa bag ko, parang may kung ano parin sa'kin ang humihila at hindi kaya na gawin 'yon.

Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, pinoprotektahan ko pa rin siya.

Umaasa pa rin ako na hindi 'yon siya.

Nakakapagod.

Hindi ko rin napansin na nakatulog na pala ako.

This day is gruelling. There's so much astonishing things happened.

Nang magising ako, agad akong nakakita ng iba't ibang mga menasahe.

Clyde:
Please talk to me. I can't understand what you're saying. Please let me explain on what you saw.

Paul:
Are you okey? I am bewildered on everything that's happening but I know that you can't do that. I chase you earlier but Krisha says that you need to rest. I am here when you need someone. I will help you.

Krisha:
I just need to do something, I will go there maybe tomorrow or the next day. Rest well, daph.

I groaned.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na kumausap ng iba sa ngayon.

Naaappreciate ko 'yong mga tao na nandiyan para sa'kin. Pero pakiramdam ko mabibigyan ko lang sila ng problema kaya naman pinili ko na munang patayin ang phone ko.

Until Our Path Cross Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن