Chapter ③: Vitamin C

462 7 0
                                    

Friday na.

3 days after that incident in the mall. 

Buti isa lang natira ngayon sa pimples ko.at sana wag na sila bumalik. Feeling ko malas sila sa akin eh.

Pagkatapos ng daily routine ko, pumunta na ako sa school. Bad mood na naman ako ulit. Simula nong Monday, lagi nalang ako tulala, para akong namatayan. Hey! Ara Katleyna Villaruz, anong nangyari sayo? Saan na ang masiglang Ara? Alam nyo yong pakiramdam ng natalo? Yun ang nararamdaman ko ngayon e….

Naman!? Aabsent yung dalawang bruha kasi may date sila. As in, double date.. tsk! Ito ang mahirap sa walang BoyFriend .laging naiiwan sa mga ganyang lakad.

OO NA PO! Pinagsisisihan ko na ang mga nanligaw sa akin na binusted ko agad dahil habol pa ako ng habol kay Evan noon pero I swear! Mamatay man si Batman! I will now stop liking him. Para saan pa ang panghahabol ko kung may Girlfriend naman pala sya? Useless ang effort diba? Ang Tanga ko ngang Stalker .. yung pinaka importante pa ang 'di ko nalaman agad :(

Dumiretso ako sa locker ko tapos, pag-open ko sa locker ko, may nahulog na papel. I unfolded it tapos binasa..

-          -Hi Miss Ara. Just keep up what you’re doing everyday.. You’re almost in the Finish line. And wag ka rin pala ma-dissapointed sa pimples mo. Cause you’re still beautiful.”-

                                                                            ------ Boy Dilat-----

Kumunot lalo ang noo ko pagkatapos kong basahin ang sulat. Seriously? Boy Dilat?

Hahahahahahahaha

. Funny Code name. tapos di ko ma gets ang sulat nya.. anong finish line sinasabi nito? At saka isinulat pa talaga nya yung pimples ko! Psh. Pag nalaman ko sino to… patay sya sa akin. UgH!

Pagkatapos ng mga klase ko, umuwi na ako agad.

Wala yung dalawa e kaya loner ako kanina pa. ganun parin, nakakasalubong ko minsan si Evan kasama yung apat na mga classmate nya. Tapos titibok agad ng mabilis ang traydor kong puso.

Gusto ko nga syang kalimutan diba?

Pero paano ko gagawin yon kung araw-araw ko syang nakikita tuwing school days? Ang hirap kayang burahin ang isang bagay na nakasanayan na araw-araw.

ღ ღ ღ ღ ღ ღ

A Weeks passed again and I’m so happy dahil medjo nawawala na sa isipan ko si Evan pero bakit pag nakikita ko sya lagi syang naka ngiti sa akin na yun bang ngiting nagpapahiwatig na parang may alam sya na ‘di ko alam.

Yeah, for sure pinagtatawanan lang nya ang katangahan ko. Pero di parin talaga maiwasan ng puso ko ang tumibok ng mabilis.

Abnormal na talaga itong puso ko.

Pero okay lang dahil hindi ko na sinusundan si Evan ng patago. ‘di gaya noon na uma-absent pa ako sa ibang subject ko para lang ma sundan sya. That’s why ang ba-baba ng mga grades ko. 

Nakakatawa talaga yung nagpapadala ng sulat sa locker ko.

Ewan ko pero parang kilalang-kilala nya ako. Kung anu-ano kasi ang isinusulat tungkol sa akin.nakapagtataka . ano ba sya? SPY? Stalker? Di ko talaga sya mahuli-huli kung sakaling maglalagay sya ng sulat sa locker ko. Aabutin nalang ako ng siyam-siyam sa pagtatago pero wala akong makitang maglalagay ng sulat sa locker ko . tapos kung bubuksan ko ang locker ko may sulat naman. ano yun? Magic? Psh!

ღ ღ ღ ღ ღ ღ

“Kat, may sakit ka ba?”

tanong ni richelle habang mahina lang kaming naglalakad sa hallway papuntang nursing building. Ewan ko pero ang tamlay ko nitong mga nakaraang araw.

Hey MR.! I'm Your Stalker [❤Short Story❤]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon