[X] - D.O Zoned (Chanyeol)

525 33 12
                                    

"Hit on Me"
 

ㅗ(ㅇㅡㅇ)ㅗ • |D|.|O| × |Z|O|N|E|D| • ㅗ(ㅇㅡㅇ)ㅗ


"Kyungsoo, alam mo bang ikaw ang buwan at ang araw ko?" sambit ni Chanyeol kay Kyungsoo na nakaupo sa may couch sa sala ng dorm nila habang nagpapaypay.

"Hindi at wala akong pakealam." sagot naman ni Kyungsoo.

"Anla naman Kyungie eh! Dibale, sasabihin ko nalang sa'yo kung bakit. Ikaw kasi ang nagbibigay liwanag kapag nasa madilim akong bahagi ng buhay ko at nagbibigay saakin ng vitamins para maging masaya parin ako palagi!" mahabang litanya ni Chanyeol.

"Edi wow." maikling tugon ni Kyungsoo.

Napabuntong-hininga na lamang si Chanyeol.

"I'm hitting on you, Kyungsoo. Why don't you hit on me too?" malungkot na sambit ni Chanyeol.

Bigla syang hinampas ni Kyungsoo sa may braso. Nagulat at napa-aray naman si Chanyeol dahil do'n.

"Ayan, hinampas na kita. Ano? Masaya ka na ba? Hindi mo na ba ako kukulitin? O gusto mo pang hampasin ulit kita dahil kulang pa sa'yo 'yan?" Kyungsoo.

Dahil malakas manghampas si Kyungsoo, kahit hindi naman 'yon ang ibig-sabihin nyang gusto nyang ibalik sa kanya ni Kyungsoo'y napilitan syang tumango-tango na lamang at sabihing "Okay na." habang nakapout dahil masakit na yung pagkakahampas ni Kyungsoo sa kanya kanina at ayaw na nyang masegunduhan pa ito.

Nasasaktan na nga sya emotionally, masasaktan pa sya physically? No way. Hindi naman kasi sya masokista.

Kawawang Yoda.

(hoot...hoot...hoot) sound of an owl

EXO: Chanyeol--D.O Zoned!!!

ㅗ(ㅇㅡㅇ)ㅗ • |D|.|O| × |Z|O|N|E|D| • ㅗ(ㅇㅡㅇ)ㅗ

|DO ni MAY-AKDA|

Si Rie Soo Do ay nagbabalik kasama ang #Okra na update na ito.

(BELATED) HBD to me... (ㅇㅂㅇ)ㅗ

ℜίε

P.S: Kahapon pa dapat 'to na-post kaso hindi ko na-check kung may dapat i-edit.

D.O ZonedWhere stories live. Discover now